“Ito na ang sript Ark… Ilang lingo ko rin ‘yang pinagpuyatan ah…”
Tapos na ni Ram ang script. Sobrang excited na ako para sa movie na ‘to!
“Alam mo ba kung nasaan si Sandy ngayon Ark?” That made me stop. Si Sandy?
“Hindi eh…” Umiling ako.
“Natuloy pala talaga sila sa Amerika? Ang swerte talaga ni Sandy…” Ano?!?!
“Amerika??!” Nagulat ako sa narinig ko.
“Oo… Sa Amerika… Magma-migrate na sila doon… kasama ang tatay ni Sandy.”
Ano?!! Bakit hindi man lang ako kinontak ni Sandy?! “Anong oras ang flight niya?”
“Ngayon!”
Ngayon!Ume-echo sa utak ko ang sinabi ni Ram habang nagda-drive ako ng kotse. Bakit nga naman ako kokontakin ni Sandy? Ano namang magagawa ko kung aalis na nga siya papuntang Amerika?
Sana lang hindi pa mahuli ang lahat. Sana lang mahabol ko si Sandy. Ito na ang tamang panahon para mapatunayan kong kaya ko ngang ipaglaban si Sandy. Ipaglalaban ko siya kasi mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal.
10:30 am ang sinabi ni Ram na flight ni Sandy. Wala na ‘kong dapat sayangin na oras… Ilang minuto na lang at aabot na ko sa bahay nila Sandy.
9:00 am. Nakarating na ‘ko ng bahay nila Sandy. Pero hindi ko na napansin na nanay pala ni Sandy ang natanungan ko. Teka, akala ko ba magma-migrate sila?
“Nandyan pa po ba si Sandy?”
“Naku Ark! Huli ka na! Nasa airport na siya…”
“Sige po! Susundan kop o siya doon!!”
“Sige Ark! Mag-ingat ka!....... Hay naku… ang mga bata talaga ngayon… Pinapakilig nila ang mga magulang nila ng sobra-sobra… =D”
Sumakay na ‘ko ng kotse. I have the whole hour to tell Sandy how much I blame myself for being so stupid.
Maraming salamat kay papa. Nang dahil sa kanya, hindi ako nagpadala sa sitwasyon. Kahit na anong unos man ang dumating , nahanap ko pa rin ang courage para ipaglaban si Sandy. At ngayon, isa na lang ang problema ko… ang traffic!!!
Ang bagal ng takbo ng mga sasakyan. Kung maghihintay ako rito, malamang nasa Amerika na si Sandy bago pa man ako makarating ng airport. Bumaba ako ng kotse at naghanap ng pinakamabilis na paraan para makaabot sa airport.
Mabuti na lang sa pagbaba ko nakahanap ako ng isang shop ng mga bike. Kahit na masakit sa bulsa, ito na lang ang naiisip kong paraan. Isa na lang ang nasa isip ko, gagawin ko ‘to para kay Sandy… kahit gaano man kamahal ang bike na ‘to…
9:45 am. Ilang metro na lang nasa airport na ‘ko. Thanks to this bike. Nang dahil sa bike na ‘to, mas malaki ang tsansa kong maabutan si Sandy… Kahit na napagastos ako ng malaki, okay lang… Okay na lang…
Pagdating ko ng airport, dumiretso kaagad ako sa may passenger’s area. Pero dahil nga “Passenger’s Area” iyon, hindi na niya ko pinapasok. Kinakabahan na ‘ko. Ramdam ko na ang tagaktak ng pawis ko. Anong gagawin ko? Bibili ba ‘ko ng ticket? Gagastos na naman ba ‘ko?
“Sir, hindi po talaga pwede eh. Pasensya nap o…” Shoot!!
I checked my phone para matawagan si Sandy… “Shoot! Naiwan ang cellphone ko?!” Hindi ko alam na naiwan ko pala ‘yun sa kotse… Unti-unti na ‘kong nawawalan ng pag-asa… nang biglang…
“Ark!!”
I heard a man’s voice from behind. It was Mr. Mark Volt! Doon ko lang napansin na nagsho-shooting din pala sa airport na ‘yun sila Mr. Volt para sa movie nila, Don’t Wanna Fall Again. This is his first film too. Isa na rin siya sa mga brilliant directors ng RMB. Thank God! Siya ang taong pinakagusto kong Makita ngayon. Kailangan na kailangan ko ang tulong niya!
“What’s the problem here, Ark?” Tinanong ako ni Mr. Volt… at binulong ko sa kanya kung bakit ako andito..
“Sir, kasama niyo ho ba siya?” tanong ng guard…
“Oo… may kukunin lang siyang equipments sa loob para sa shooting ng Don’t Wanna Fall Again…”
“Sige po…” Thank you Mr. Volt!!! You’re a miracle from above! Ngumiti si Mr. Volt sa akin. At ganun din ako sa kanya as a sign of gratitude. Salamat talaga Mr. Volt…
Pumasok na ‘ko ng Passenger’s Area dala-dala ang pag-asang makikita ko na talaga si Sandy…
