The Happy Ending (Chapter 7: Ang Letseng Joke)

16 0 0
                                    

February 2011. 4 weeks before graduation. Tapos na ang movie naming. Nakayanan ko ang halos 3 months na pagtitimpi sa feelings ko…. Na lalong tumitindi ‘pag si Ark ang ka-eksena ko.

“It was a great pleasure working with you Sandy. Siguro naman, napatunayan ko na sa ‘yong kaya ‘kong umacting…” Nilapitan ako ni Ark sa bench na lagi ‘kong tambayan ‘pag gusto ‘kong mapag-isa. Ewan pero ‘pag nanjan si Ark sa tabi ko, hindi ako mapakali. May pagka-ilang din akong nararamdaman. Pero hindi ko ‘yon pinapakita, ayokong isipin niya at ng ibang tao na may gusto ako kay Ark.

Wala naman ‘to dati. But when we started shooting, unti-unti na lang na nagbabago ang lahat. It’s like I’ve found the guy I’ve been wanting to be with. I really have this strange feeling towards him. I know, this can’t be the “L” thing. Meron akong nakita sa knay na hindi ko Makita sa ibang lalaking dati ng nanligaw sa akin.

“Same with me… Nag-enjoy nga ‘ko e.. Say thank you to me dahil kung hindi sa ‘kin, ‘di mo madidiscover ‘yang acting skills mo…” Hindi naman ganon ka kagwapuhan si Ark. Pero ewan ko…. hindi ko talaga alam kung bakit siya pa.

“Well, thank you…” I smiled, pigil na pigil na ngiti. Pakiramdam ko, konting paramdaman na lang nitong si Ark ‘e tuluyan ng mauuwi sa mas matinding level ang lahat.

“Sandy, may gusto sana akong sabihin sa’yo..” He was serious, kaya nagseryoso na rin ako.. “Ano ‘yon?”

He then paused for a while. Nagsisimula na kaming balutan ng wrapper ng pagkailang. It seems like everything is starting to get awkward. Ano ba kasing sasabihin niya?

“Gusto kita…”

I am speechless. I want to be a numb this time. Gusto ‘kong maging manhid. Gusto ‘kong magsalita but I’m frozen.. ‘Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko… Wala akong ibang magawa kundi ang titigan lang siya. Ano na?.. sasabihin ko rin ban a gusto ko rin siya? Anong mangyayari pagkakatapos ‘nun? Automatic na bang magiging kami? Oh God, help me! Kahit siya, nakatingin lang sa ‘kin. Malamang nag-aantay ng sagot ko.

Sabi nga sa isang kanta… “Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito, siguradong lagot ka na..” At malamang ito na ang nangyayari sa ‘kin. Pilit mo mang pigilan, lalo talagang lumalala… lalo na ‘pag araw-araw mo siyang nakikita, nakakasama at nakakaeksena.

I know I’m not the type of girl Ark will like. He’s too perfect for me. At kung sino man ‘yung babaeng talagang nakalaan para sa kanya, maswerte ‘yung babaeng ‘yon. At alam ‘kong hindi magiging ako ‘yun.

“Basta ako ‘pag nagmahal ako uli… hinding-hindi ko na ‘yun pakakawalan… Aalagaan ko siya at mamahalin ng totoo…” He told me that once. Sana nga may taong darating na matatapatan ang love na ibinibigay ni Ark… kung pwede nga lang, ako na lang e…

“Hey, don’t be so serious! Joke lang ‘yun… I’m just kidding…”

“Ha?” Para ‘kong binaril ng milyun-milyong bala sa sinabi ni Ark. Isa lang ang gusto kong mangyari sa mga oras na ‘to, at ‘yon ay yung makalayo sa kanya. Ayaw ‘kong Makita niyang naluluha na ako. Wala na kong ibang maramdaman kundi ‘yung mga balang tumama sa ‘kin. Walang sinabi si Ark sa pag-alis niya. Joke lang ba talaga ‘yon?

I didn’t ate my dinner. Naiinis ako sa sarili ko. Sa pangalawang pagkakataon, umasa ‘kong gusto ko ng taong gusto ko. I’m really confuse now, mahal ko na ba si Ark? Kung hindi ko siya love, e ba’t ganito ‘yung feeling ko? Ba’t ako nasasaktan sa bwisit na joke na ‘yun?

Bukas, muli kaming magkikita ni Ark. At kapag nagkita kami, hindi ko alam ang gagawin ko. Umiwas? “Yon lang ang naiisip ‘kong paraan. Siguro nga, mahal ko na si Ark. At ayaw ko ng magpatuloy pa ‘to. Bakit pa kasi ako sumubok ulit, kahit na alm kong ang masasaktan.. at iiwanan. Paano kaya kung hindi joke ‘yung sinabi niya? Pa’no kung ‘di talaga ‘yun joke? Pa’no kung totoo talaga yun, at yun talaga ang nararamdaman ni Ark? Di kaya, kaya niya binawi ‘yung sinabi niya e dahil takot siya sa anumang isasagot ko?

Sana totoo na lang ‘yung movie namin. Sana nga totoo na lang na gusto rin ako ni Ark at happy ending kami sa bandang huli. Para ‘di na ulit ako nasasaktan ng ganito. Ganon ba talaa kalupit ang love? Hindi naman ako natakot na sumubok uli e, pero bakit parang ‘di niya man lang ako pinagbigyan na maging masaya?

12:03 am. Kung hanggang sa mga oras na ito e nalaman mong umiiyak pa rin ako, alam mo na rin siguro na mahal ko na si Ark. At sobra ‘kong nasasaktan sa ginawa niya. Siguro nga kasalanan ko rin,.. umasa ako sa isang bagay na akala ko sigurado na…, pero hindi pa pala. Ganun naman siguro lahat ng tao e. we love without expecting in return. Pero ‘pag walang nabalik sa ‘tin ‘ni konti, masasaktan pa rin tayo. That’s how stupid we are. Kahit na laam nating mali, sinusunggaban pa rin natin. Eventhough wala naman tayong pag-asa, tinutuloy pa rin natin. Ba’t ganun? Maybe because love is unconditional. At ang mga gumagawa ‘non, ay ang mga taong marunung magbigay ng totoong pagmamahal. Totoo kung magmahal, isa na ko ‘ron….. kaya nga ako nasasaktan ng ganito e.. kasi hindi ako katulad ng iba. ‘Pag nagmahal ako walang halong kaplastikan ‘yon.. lahat totoo, lahat galing sa puso ko.

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon