2018. 7 years after.
I’m now 24 years old. Marami na rin ang nagbago mula noong highschool pa lang ako. Believe it or not, wala pa akong nagiging girlfriend. A promise is a promise at gusto kong tuparin ‘yon. Total, isang taon na lang din naman ang kailangan kong antayin eh. Gustung-gusto kong panghawakan ang pangako kong ‘yon.
Hindi pa rin naman dumarating ang “the right one for me” eh. Siguro nga, nakikiayon rin ang tadhana sa promise kong ‘yon. Wala pa talagang babaeng dumating sa buhay ko na minahal ko katulad ng kay Sandy. Ibang-iba pa rin kasi ‘yon.
Nakapagmove on na ‘ko, pero gusto ko pa ring matupad ang pangako ko. Na hanggang 25 years old, ‘pag nagkita ulit kami ni Sandy… liligawan ko siya at hindi kami maghihiwalay habambuhay.
Habang nagda-drive ako pauwi, nakatanggap ako ng isang text message. Text mula kay mama.
“Kumusta ka na dyan ‘nak? Ingat ka dyan parati… I love you…”
“’Di ko maintindihan pero everytime na makakatanggap ako ng text message mula kay mama at sinasabihan niya ko ng I love you, meron akong naaalala… At ‘yon ay kung papaano ko ipinaglaban ang pangarap ko.
Akala ko, after kong masabi ang mga hinanakit k okay mama, itatakwil na niya ko. I already prepared myself if ever she will kick me out of the house. Pero sabi nga nila, 93.46786% ng mga akal ay mananatiling akala na lang at hindi na mangyayari pa. Kinausap ako ni mama at sinabi niyang… mahal na mahal niya ako… at kung saan man ako magiging masaya… magiging masaya na rin daw siya para sa ‘kin.
Laking pasasalamat ko na lang sa Diyos kasi nagkaroon ng mga magulang katulad ni mama at papa. Mga magulang na iintindihin ka, aalagaan ka, at mamahalin ka habambuhay… kahit na hindi mo nasunod lahat ng gusto nila ay andyan pa rin sila para sa ‘yo… Proud na proud ako sa mga parents ko.
Mas lalo ‘kong nagging proud nang gawin akong idol ng kapatid ko. Nagpatuloy pa rin siya sa photography. Kahit na may kamahalan, nagsikap pa rin siya para maabot niya ‘yon.
Sobrang sarap sa pakiramdam ‘pag alam mong pinagmamalaki ka ng mga taong mahal mo. Mas lalo kang ginagahang pagbutihin ang bawat bagay na iyong ginagawa. Marami akong lessons na natutunan sa mga napagdaanan ko. Na-realize ko na mas marami tayong mga bagay natutunan sa mga downfalls natin sa buhay kaysa doon sa mga panahong Masaya tayo. When we experience happiness and joy, we choose not to get out of our shelves and just maintain it. But when we feel down and in pain, we choose to be stronger and better individuals. We learn more from every mistakes we commit, kaysa sa mga bagay na nagagawa natin ng tama.
Indeed, nasa akin na nga ang lahat. Maliban na lang sa isang bagay.. ang babaeng mamahalin ko habambuhay. Sana lang talaga dumating na siya…
“Shoot!!!...” Ooopps!!
Mukang may nabundol yata ako… Bumaba ako ng kotse para silipin kung meron nga akong nabundol… at meron nga! Madilim na kasi at medyo umuulan pa…
“Bata! Ok ka lang?! Bata!!..” Kinarga ko kaagad ang bata a isinakay sa kotse. Kabado ko. baka ano nang nangyari sa batang ito… at ako pa ang mapagbintangang may kasalanan. Kailangan ko siyang masugod sa pinakamalapit na ospital.
Kinabahan ako. Inihahanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na pwede nga akong makulong. Oo, pagkakulong. Natatakot ako na baka wala akong magawa para maipagtanggol ang sarili ko. Posible ba talaga akong makulong nang dahil sa nangyari? Krimen na bang maituturing ‘tong nagawa ko? ilang taon akong makukulong? Paano ng pamilya ko? Aaahh!!! Napapraning na yata ako!!!
Ilang minuto pa, dumating na kami ng ospital. Hindi ko na napansin kung anong ospital ‘yun basta dumeretso na kami sa emergency room. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ako in love, kabado lang talaga… Ano ng gagawin ko?!
Lumapit ag isang nurse sa akin. Nagtanong siya ng ilang mga information mula sa akin. I answered her honestly, kahit na parang minsan gusto kong magsinungaling. Takot kasi ako nab aka gamitin nilang ebidensya laban sa akin ang anumang information mula sa akin. Sana lang hindi..
“Kumusta na ang bata?” Tinanong ko ang nurse.
“Hindi naman po ganun kalubha ang lagay ng bata. Hinihintay na lang po namin ang desisyon ng mga kamag-anak niya tungkol sa kaso…”
Naku po!
“Iiwan ko po muna kayo sandali sir, may kailangan pa po akong asikasuhin.” At iniwan na ako ng nurse. Pagkatapos umalis ng nurse ay sinuntok ko ang sarili ko.
“Ang tanga mo talaga!” sabi ko sa sarili ko.
“Teka…” Napatingin ako sa pader at binasa ang isang frame na may pangalan na may pangalan ng hospital…
“Destin Mercy Hospital…”
“Patay!” Bumilo ang mga mata ko. “Lagot!” Ito ang ospital na pinagtatrabahuan ni Sandy!