CHAPTER 1

653 112 343
                                    

John's POV

Umagang-umaga, eto ako naglalakad sa pasilyo ng paaralan habang nakikinig sa paborito kong kanta at ng paborito kong mang-a-awit. Napa-pikit ako ng aking mga mata at tila ay dina-dama ko ang emosyon sa kantang Ulan ni Cueshé.



Habang naglalakad ako ay nakatingin-tingin din ako sa paligid ko kung saan ay kakaunti lang ang nakikita kong mga kapwa kong estudyante na animo'y kaka pasok lang sa paaralan. Ang iba naman sa kabilang gusali ng paaralan ay abala naman para sa kanila Pisikal na Edukasyon na klase dahil sa isinusuot nilang uniporme.



Kung tutuusin nga ay napaka-aga pa lang naman talaga. Malamang ang iba ay tulog pa o 'di kaya ay kumakain pa ng almusal sa kani-kanilang pamamahay.



Tiningnan ko ang oras sa relo ko at natanto kong 5:30 AM pa lang. 6:00 AM kadalasan nagsisimula ang klase namin dahil na rin sa kakulangan ng mga silid-aralan para sa aming mga Senior High na mga estudyante sa isang pampublikong paaralan sa isang maliit na lungsod sa Butuan.



Patuloy lang ako sa paglakbay at nang patungo na sana ako sa geyt patungo sa kabilang gusali ng Senior High nang napahinto ako sa paglalakad nang mahagilap ko sa kabilang silid ang nobya kong si Kate.



Akala ko ay namamalik-mata lamang ako ngunit sigurado ako sa nakikita ko na siya nga iyon, ang kasintahan ko at kasama niya pa ang isa sa aming kaklase na lalaki na si Kurt.



Hindi ko alam na magkaibigan pala sila kasi bihira ko lang naman silang nakikita na nag-uusap sa aming klase, para nga lang silang hindi magkakilala. Pwera na lamang na pa-minsan ay magkasabay sila palaging pumasok at sa katunayan na palagi silang nahuhuli sa klase namin, ngunit hinahayaan ko lang.



Wala na nga kaming maayos na komunikasyon ni Kate dahil na rin sa sobra akong abala sa pagsasanay sa Basketball ng aming paaralan habang si Kate naman ay abala rin sa cheerleading squad.



Balak ko silang sundan at kausapin nang napahinto ako ng marinig ko ang salitang binitawan ni Kate.



"Mahal na mahal kita, Kurt. Pasensya ka na at ganito pa ang sitwasyon natin ngayon."



Napahawak ako sa dibdib ko na parang tinusok ng isang daang karayom dahil sa rebelasyong natuklasan ko. Ang sakit-sakit pala talaga kung matuklasan mong niloloko ka lang ng babaeng minahal mo, babaeng pinagkatiwalaan mo.



Hindi na ako nagda-dalawang isip at sinalubong ko sila, "Kate. Kurt."



Nabaling ang tingin ni Kate sa akin at kasabay nun ang panlalaki ng mga mata niya at tila nanginginig na sa takot nang makita ako, "John," natatawa siya ng marahan ngunit hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko, "Anong ginagawa mo rito?"

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon