CHAPTER 11

207 45 29
                                    

Julia's POV

I was listening to our Teacher's discussion when Queen called out to me, "Girl, ayos lang ba kayo ni John? Parang may something kasi, ayos lang ba kayong dalawa?" Mahinang bulong sa akin ni Queen habang kunwaring nakikinig kay Ma'am.


"Medyo nag-lie-low kaming dalawa and may problema lang talaga kami. Basta, it's a very long long story. Busy pa tayo ngayon kaya mamaya nalang tayo mag-kwentuhan," Nung sinabi ko yun ay napalaki ang mata ni Queen dahil sa gulat.


Sino bang hindi magugulat doon? I mean, sobrang bilis nang pangyayari kasi e at biglaan. Parang kahapon lang, okay na okay pa kaming dalawa then ngayon, wala na. Sira na dahil sa sekretong kinatatakutan ko na makasira sa amin dalawa.


Lumipas ang ilang oras at nasa last subject na kami hanggang sa biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase and lunch break na kaya nagmamadali ako upang makaalis na at uuwi. Dahil sa pagmamadali ay nahulog 'yung pitaka at mga ballpen ko na nanggaling sa pencil case.


Yuyuko na sana ako nang may biglang kumuha ng mga iyon at binigay sa akin. It was John and I smiled, "Thanks," I said to him as he looked unto my eyes.


Tumingin lang siya and he got up at lumabas na ng classroom namin. I sighed and wondered, kailan kaya kami magkakaayos?


King's POV

"Ano ba kasing nangyari sa kanilang dalawa? Nasaan ba si Julia?" Tanong ko kay Queen. Nasa school canteen kaming dalawa at sabay na nag-take ng lunch.


"Umuwi si Julia kasi sabi niya nagkasakit daw ang kapatid niya, si Baby Shan. About them, hindi ko pa alam e pero sabi niya nagka problema daw sila and they need space, ganun."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Ha? Niloloko mo lang ata ako, e. Okay pa kaya sila kahapon."


"Yun nga pinagtataka ko 'e pero totoo sinasabi ko."


Hindi ako makapaniwala na wala na sila, pero space lang naman daw, hindi ba? Baka may pag-asa pa, "Space lang naman pala, baka may pag-asa pa."


"Sana nga mag-kaayos na sila. Aalis na muna ako."


Napatingin naman ako sa kanya, "Oh, saan ka na naman ba pupunta? Iiwan mo ako dito?"


"Tagal mo matapos kumain 'e. Sa labas lang naman ako at bibili sa 7/11 ng ice cream."


Nang marinig ko ang word na ice cream ay naalala ko ang sinabi ni Julia sa akin the last day, "Wow, ice cream. Wait, tapos na ako! Sama ako, gusto ko rin mag-ice cream kasi and nasa mood ako mang-libre."


Napangiti naman si Queen, "Yes! Sige tara at para maranasan ko namang ma-libre ng isang King Solomon."

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon