CHAPTER 3

432 88 229
                                    

John's POV

While I'm here waiting for Julia, I can't stop thinking about her. Naisip ko na okay din pala siyang kasama and I think napaka-bait niya. To be honest, nung makasama ko siya ay nahihiya ako kasi pag-tumititig ako sa mga mata niya ay parang may kuryente na hindi ko maintindihan.

Habang kasama ko siya ay tila nakakalimutan ko din ang sakit na idinulot ni Kate, para bang hindi ako nanggaling sa isang matinding break-up.

Napatingin ako sa pinto at napaayos ako ng tayo nung nakita kong lumabas na si Julia at lumapit naman din siya sakin, "Pasensya na at natagalan ako, pinaghintay pa kita. Ano, tara na?" Pag-aaya niya at halatang-halata na excited siya sa gala namin.

"No need to say sorry. Okay lang yun," Sabi ko sabay ngumiti. Tumango naman siya kaya bigla ko siyang hinila kung saan-saan.

Sa Camella Homes pala kami nakatira and mga isang taon na din kami nakatira sa subdivision. We went to the small city here at itinuro sa kanya yung mga daan at mga pasikot-sikot hanggang sa natahimik kaming dalawa.

Hindi ko alam kung nasaan na kami basta ang alam ko lang ay naglalakad-lakad lang kami hanggang sa hindi ko namalayan na nasa may Grand Palace Resto na pala kami. Sobrang layo na pala ng nilakad namin and to think napaka-awkward naman. Hindi ko alam paano simulan ang pag-sasalita pero I tried to break the silence.

"Do you like here? I mean, you know, dito sa Butuan City. Iba naman kasi ang Davao sa Butuan."

Tumango naman siya, "Yeah! I like in here. Hindi siya ganun ka crowded though namimiss ko yung friends ko," she said, "Also at the school, people there are nice also pero siguro hindi lahat but I met a new friend, si Queen."

I nodded as she continued, "Yung kaibigan mong si King ba yun? Parang feel ko na may gusto siya kay Queen pero tinatago niya lang ang feelings niya. Pero nevermind, instinct ko lang 'yun. The way niya kasi asarin si Queen eh."

Napahinto ako at lumingon sa kanya para magsalita, "Ako din naman," Napatawa naman kaming dalawa, "Nahahalata mo din pala 'yun. Palagi kong kinukumbinsi 'yang si King na mag-confess na sa kanya pero ayaw niya talaga. Siguro nga dahil medyo nerdy type si Queen and King is a basketball player."

"Parehas lang din naman pala sa school ko dati eh halos hindi rin type nila na mag-on yung nerds tapos mga famous types."

Nung ngumiti siya ay parang may anong nararamdaman ko sa katawan ko. Nakakakuryente na naman, "Good thing at hindi ako kagaya nila eh."

"Really?" Sarkastikong pagtatanong at bigla niya naman akong iniwan nang maglalakad siya ng mabilis.

Aba!

Hinabol ko naman siya dahil bigla lamang siyang tumakbo. Sa kamalas-malasan ay bigla-bigla nalang akong nadapa!

"Wala namang tubig pero bakit ka nag-da-dive diyan?" Natatawang biro ni Julia. Medyo na-amaze ako sa kanya kasi hindi ko alam na may ganito pala siyang side. I like that one!

"Pagbabayaran mo talaga to Alvarez! Aray ko!" Biro ko lang naman yun at tumayo ako habang pinagpag ang dumi sa damit at pantalon ko.

"Last name basis na pala tayo ngayon? Sige, ayos lang naman sa akin, AQUINO. Pagbabayaran ko talaga," Napatawa naman ako sa kanya dahil talagang ine-emphasize pa niya yung surname ko.

"You're on the basketball team?" Mapanuya niyang tanong, "As what? Benchwarmer?"

Na shock naman ako kahit char lang yon. I know naman that she's just joking, "Excuse me. For your information, ako yung best shooter noon pa man hanggang ngayon. Palagi akong nasasali and famous talaga ako since grade eight," Proud na proud kong sambit sa kanya.

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon