Julia's POV
Just when I opened the front door, I saw my mom's angry face while carrying my baby in her arms.
"Where the heck were you?!" Galit na galit na tanong niya pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay.
Nagulat naman ako sa tinanong niya at hindi mapigilan ang sarili ko sa pagsagot, "Sino ba naman kasing ina ang hindi sinusundo ang anak niya dun? Hindi mo manlang ako binigyan ng pera kanina."
Agad niyang ibinigay si Shan sakin, "Ako na nga nag-alaga sa anak mo buong araw. Siguro naman sapat na yung rason ko para naman matuto ka ding umuwing mag-isa."
Hindi ko nalang pinansin si Mama at pumanhik nalang ako papuntang kwarto. Minsan hindi ko na kilala si Mama dahil pakiramdam ko ay napaka-bitter at harsh na niya sa akin pero masisisi ko ba siya? Dahil naman sa akin kung bakit nagkaganun siya.
Napansin kong nakaulog na si Baby Shan kaya inilapag ko siya sa crib nang pumasok si Papa sa kwarto ko na mukhang kakauwi niya lang galing trabaho, "Kumusta 'nak? Ayos lang ba ang apo ko?" Tanong niya sakin at hinalikan ang noo ko.
"Ayos lang naman po siya, pero ako hindi," I said and sat on my bed, "Ngayon pa nga lang ako nakauwi kasi hindi ako nasundo ni mama. Hindi man lang ako binigyan ng pera kanina kasi sabi niya susunduin niya ako."
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa pagmumukha niya, "Paano ka nakauwi? Sana tinawagan mo ako kanina para masundo kita."
"Ayaw na kitang maabala pa sa trabaho mo atsaka sumabay ako kay John kanina pauwi," Sagot ko naman at mukhang nagulat naman siya.
"John? Yun ba yung anak ng kapit-bahay natin?" Napatango naman ako, "Mabuti naman kung ganun pero huwag na huwag mong mabanggit sa Mama mo yan. Paniguradong magagalit na naman yun but I'm happy na may naging kaibigan ka na dito. Sure akong mabuting tao yung si John."
I smiled, "Yeah, he is."
"Pero anak, wag mo masyadong dibdibin yung sinasabi ng Mama mo. Nag-aalala lang yun sayo and she's doing the best for you."
"Pero, ayaw niya kay Shan," Mahinang sambit ko at sabay nun ang pagtulo nang luha ko.
Umupo naman sa tabi ko si Papa at pinunasan ang luha ko sabay yakap sa akin, "Huwag ka ngang mag-isip nang ganyan. Mahal na mahal niya si Shan. In fact, he is now part of your mom's life. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan kayong dalawa kaya nagawa niya yun but I'll try to talk to her later."
I smiled, "Thanks, dad. You're the best dad talaga."
Kumalas naman siya sa yakap, "Kailangan ba kitang i-hatid-sundo bukas?"
"No need. Napag-usapan na namin ni John na siya na ang maghatid-sundo sakin tutal magkapit-bahay naman eh."
Mapilyong ngumiti si Papa that he's like not convinced, "Really? Nililigawan ka na niya ata e."
Nanlaki naman ang mga mata ko, "Pa naman e! Grabe ka talaga, kakakilala lang namin ni John 'no."
"Bakit? Ganun naman din kami ng Mama mo. Nagkakilala lang kami dahil kapit-bahay namin yung pinsan niya and then ayun wala pang isang araw ay napamahal na ako sa kanya. One week lang 'nun, sinagot na niya ako agad kasi ganun din nararamdaman niya."
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...