CHAPTER 16

194 32 28
                                    

John's POV

We checked our bags inside my car and my Dad helped us filled my car with gas. "Paano, mauuna na kayo sa pag-alis? Atsaka sayo, Julia. Ayos lang ba talaga na isama mo si Baby Shan doon?" Tanong ni Papa kay Julia na siya namang pinainom ng gatas si Shan.

Napatingin naman si Julia kay Papa at tumango, "Opo. Andoon naman yung bestfriend ko bukas at manonood din kasi siya sa laro kaya sa kanya ko na iiwan si Shan."

Napatango naman si Papa, "Mabuti kung ganun. So, paano mag-iingat kayo. Ikaw din, mag-ingat sa pagmaneho."

"Yes dad, so bale bukas na kayo aalis, diba?"

Tumango naman siya, "Yes, ikaw na rin bahala mag-check sa mga lugar doon. Kailangan nandoon na kayo sa Arena ni Julia ng mga ten in the morning, it's better early and susunod na din kami doon. Bukas din nang gabi ang dating nila Faith at nang Mama mo."

"Copy dad!"

Tumango naman siya, "Sige, kayo na bahala. Ingat!"

Nang umalis na siya ay pinasakay ko na si Lia sa passenger's seat at umupo na rin ako sa Drivers. Before that ay hinawakan ko ang kamay niya, "Huwag kang mag-alala, Lia. Pagkadating natin doon ay may nakareserba ng hotel para sa atin doon. Actually, doon din tutuloy lahat nang players."

"Bukas ba ang dating nila?"

"Oo, exactly 9AM siguro makakarating na rin sila. Siguro nga de-deretso pa sila sa hotel since 1PM pa naman yung laro o baka mag-to-tour pa mga 'yun,"

Napatango naman siya, "Sige, sa ngayon pagkarating natin doon, we'll have fun muna."

Napangiti naman ako at nagsimula na sa pag-drive. Nakarating naman kami ng Tagum City ng mga quarter to four kaya nag-enjoy lang kami ni Lia. Pinuntahan na rin namin ang school ng St. Mary's College upang tignan at i-check ang lugar nila.

There Principal and President welcome me pero hindi ko nakita ang Team Captain nila. Gumala-gala lang din kami sa mga mall nang nanggagabi na rin.

Pagkatapos naming mag-order at maghapunan ay napatulog nalang kami agad dulot ng pagod. Dahil kaming dalawa ang nagpareserba nito ay nasa iisang room lang kaming dalawa and I made sure na malayo kami sa rooms ng mga kasamahan namin

King's POV

Today is the day that we're going to play and go to Tagum City! I can't wait to dunk their faces later!

Gigil na gigil talaga ako sa Team Captain na 'yon pero chill lang ako sa kanilang grupo. Issue ko lang ay ang Team Captain nila na may pagnanasa kay Kate. Halata namang manyakis 'yung lalaking yon.

"Tara na, loves. Aalis na 'yung bus," You're right, pinasama si Queen patungong Tagum since obedient naman siya at dahil isa din siyang Red Cross Youth para maging First Aider namin doon.

"Teka lang, loves. Ano kasi eh, may napapansin ka ba?" Tanong ko sa kanya. Pati siya ay napapalinga sa paligid.

"Wala naman. Bakit?"

"Wala kasi si John ngayon eh." 

"Hindi ba nga mauuna na daw si John ngayon pero pati nga ako napansin kong wala si Julia," Napahinto siya sa pagsasalita nang parang may ina-analyze siya, "Don't tell me --"

"What?"

"Magkasama silang dalawa ngayon? Nauna na sila kahapon pa,"

"Wow naman. Hindi man lang tayo pinasabay, nakauna na pala sila. Tss, malamang nag-sasaya ang dalawang 'yun," Sabi ko naman at nakahalukipkip pa.

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon