Julia's POV
I can't really believe and imagined that Phillip is here. Andito ang lalaking gustong-gusto kong makausap at makasama dati. Parang kanina lang ay naisip ko kung kamusta na siya but right now I saw him again, and I see that he is doing good.
Napakaliit nga talaga nang mundo at dito pa talaga sa Tagum City kami pinagtagpo with my new boyfriend, John.
After seeing him again, hindi ko naman maiiwasang maalala ang mga pait na nangyayari dati noong paano niya ako pinagtabuyan palayo at iniwan.
"Phillip! Teka lang! I need to talk to you!" Tawag ko sa kanya habang lakad-takbo ako sa skwelahan namin sa Ateneo de Davao University. Kailangan ko talaga siyang makausap ngayon at napaka-importante ito.
Mag-iisang linggo na bago ko sinabi sa kanya na buntis ako at simula nun ay iniiwasan na niya ako at palagi na siyang lumiliban sa klase.
Napalingon naman siya sa akin at wala akong ibang nakikita kundi ang mga malalamig niyang tugon sa akin, "Anong kailangan mo?" He asked and I can't believe how he changed. It seems like he doesn't loved me anymore.
"Kailangan kitang makausap. Please, Phil, kahit sandali lang talaga," Sabi ko. Napatingin siya sa paligid sabay kuha sa kamay ko at hinila nalang ako kung saan man.
Dinala niya ako sa napakatahimik na school garden namin sa school at naupo kami sa bench, "Bakit mo ba ako iniiwasan? Phil, buntis ako! Kahit anong gawin mo, pagbaliktarin mo ang mundo, anak natin 'to," Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, "Alam na ng mga magulang ko ang tungkol dito. Phil, anong gagawin natin?"
Napatingin siya akin, "I want you to have an abortion, Julia."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya, "What?! I didn't expect na ito ang sasabihin mo but seryoso ka na ipalaglag mo ang bata? Nababaliw ka na ba? Anak natin ang pinag-uusapan dito!"
"Wala tayong choice! Sige nga, ano gagawin mo? Tumingin ka nga sa paligid mo. Julia, bata pa tayo! Nag-aaral pa ako and paano ko matutupad ang mga pangarap ko kung may batang nakahadlang para makamit ko ang pangarap na yun?" Sumbat niya.
Napa-iling ako at tumayo, "Sorry pero hindi ko ipapalaglag ang batang 'to. This is a part of me now kaya hindi ko gagawin ang gusto mong mangyari. Kung ayaw mo, then what a shame na may gagong ama ang anak ko. Anyway, kaya kong palakihin ang batang 'to without your help."
Napatayo naman siya mula sa pagkakaupo, "Good! Sorry talaga, Jules but my parents would kill me kung malalaman nilang may anak ako. Kilala mo naman sila, diba? Huwag mo na rin akong sundan kahit kailan and maghiwalay na rin tayo for good tutal hindi mo na ako makikita pang muli," Pagkatapos ay naglakad na siya paalis at iniwan akong luhaan doon.
Kinabukasan, nalaman ko nalang na nag dropped out na siya sa school at hindi na namin nakikita kahit kailan. Wala na talaga kaming komunikasyon kahit ang best friend niyang si June ay walang balita.
"Julia, ayos ka lang ba? Namumutla ka ah! Ano bang nararamdaman mo?" Nabalik ako sa realidad nang hinawakan ako ni Giselle sa mga kamay, "Ang lamig ng mga kamay mo. Ayos ka lang ba talaga? Sabihin mo sa akin."
"A-ahh oo naman, ayos lang ako. Huwag kang mag-alala sakin," Sagot ko nalang sa kanya at ngumiti nang pilit para hindi niya mahahalata.
"Sigurado ka? Ayos lang naman kung --" Hindi natuloy ni Giselle ang sasabihin niya nang pumito ang mga nasa court at nagsi-alisan muna ang players para pumunta sa mga coach nila.
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...