CHAPTER 9

218 48 52
                                    

Kate's POV

I faked a smile when I saw the two famous couple in the campus. Ang cute, sarap nilang tirisin. Nag-holding hands pa sila. Naalala ko na dati ay ako naman yung ka-holding hands ni John, ngayon inagaw na siya ng iba.

Napatakip ako ng tenga ko na may mga babaeng nagtitilian.

"OMG! Ang swerte talaga ni Julia na si John Aquino ang naging boyfriend nya!"

"OO NGA! Alam mo, nakita ko sila sa Hugot Cafe."

"Ako rin! Akala ko nga artista, sila lang pala!"

"Bagay sila. To be honest, mas bagay sila kaysa kay Kate."

"True! Even sa pagiging cheerleading, magaling si Julia."

"I heard na dating head cheerleader si Julia sa old school niya kaya ganun kagaling."

Wow! Nahiya ako sa mga chismosa dito sa school. It's so annoying! 

Tama na ang one month, it's time for me to shine! May naisip na akong paraan kasi parang napapansin kong sobrang protective sa locket necklace niya, I guess may tinatago siya doon.

Patungo silang court nang hinarangan ko sila, "Hi, John," I said with a sweet voice and I looked at Julia. I faked smile, "Hi, Julia. Practice tayo later and non-stop na. Preparations lang for the upcoming Athletics." 

"Ah, okay sige Kate."

Julia's POV

"Weird," Sabi ni John pero nag-kibit balikat nalang siya.

"Anong weird doon?" 

"Nag-hi siya sa akin. I mean, she never approached me since we broke up," Napatango naman ako kasi nga nilapitan kami ni Kate kanina.

"Yeah, pakiramdam ko nga na sobrang bitter niya sa akin." 

"Hayaan mo na siya, it's her loss and I don't love her anymore kasi ikaw na ang mahal ko," Niyakap niya pa ako at hinalikan niya ako sa pisngi

"Tumigil ka nga. Baka pumasok pa si Ma'am," Saway ko sa kanya nang biglang may tumikhim.

"Wow. Napaka-PDA niyo naman bro," It was Quinn, one of John's friend. Medyo close din kaming dalawa dahil kambal niya rin si Giselle.

"Hi, Quinn! Asan si Giselle?" I asked

"Busy 'yon para sa cheerleading, pinapunta nga rin niya ako para ibigay 'yung new uniform niyo." Sabi niya at may binigay na isang paper bag, "At sayang 'di ka nakapunta sa party last Saturday. Alam mo bang sobrang lungkot niyan." 

"Oo nga e, busy kasi ako nun. Wala sila Mama kaya ako nag-aalaga sa kanya," Tinignan ko naman si John, "Sabi mo sa'kin nag enjoy ka sa party?" I smirk. "Namiss mo ako, 'no?"

"Hoy!" Nanlaki pa ang mga mata niya pero ngumisi naman din, "Tama ka diyan. Namiss nga kita. Ikaw kasi eh hindi ka sumama ayun tuloy hindi ako nag-enjoy masyado."

"Yun lang naman pakay ko dito, sige punta na ako sa klase ko. See you all!" Nagpaalam na din kami kay Quinn at sabay upo sa upuan namin.

After our class ay tumungo ako sa locker room and looked at myself in front of the mirror. Nakita kong napaka-ganda ng design at tela ng uniform ng bagong pinagawa. Ang cute ng skirt at ng sleeveless crop top na suot ko.

Pagkatapos kong tignan ang sarili ko sa salamin ay sinara ko na ang locker door at tumungo na sa gym kung saan nakita kong nag warm-up na yung iba kong mga kasama. 

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon