John's POV
I was sleeping when someone barged inside my room and jumped on me, "Gumising ka nga diyan! Dali, gumising ka na!"
"Aray! Oo na gising na ako!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sumakit ang likod ko, dagdag mo pang sumasakit ang kalamnan ko dahil sa pagpapractice namin, "Ang bigat mo bruh! Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa ha," Tumayo sa kakahiga ko and stretched my body.
"Wala naman po. Pumunta ako dito kasi gustong ko marinig ang explanation o ang side mo about sa inyo ni Kate. Ano ba kasi talagang nangyari?" Sabi niya kaya napapikit ako dahil doon.
"Alam mo, magkape muna tayo at doon ko sasabihin sayo lahat."
Nagbihis muna ako ng damit bago kami lumabas ng kwarto ko. Pagbaba namin ay nadatnan ko si Mama na kakatapos lang mag-luto ng almusal namin.
Napatingin siya sa amin at inaya na kami, "Mabuti naman at bumaba na kayo. John, Derek kayo na muna bahala dito at sa kwarto lang ako at inaantok pa kasi ako."
"Sige, Ma. No problem! Kami na bahala ni Derek dito," Pagkatapos nun ay pumanhik na siya itaas at kami naman ay tumungo sa Kusina upang mag-init ng tubig at nagtimpla na rin ng kape.
Pagkatapos ay umupo na kami sa hapag-kainan, "Siguro naman magke-kwento ka na sakin?"
Napapikit naman ako nun, "It was because Kate went here last Saturday and I regret na pinapasok ko siya sa kwarto ko dahil ayoko lang naman na makita siya ni Lia and she tried to have you know what with me, which is I will never do that with other girls."
"Oh, e ano naman 'yung sinasabi ni Lia na nakikita niya? Bakit nakita niya pa rin?"
"Magkatapat lang kasi ang bintana ng kwarto naming dalawa and nakita niya ang ginagawa ni Kate non."
Nanlalaki naman ang mga mata niya at muntikan pang mabuga ang iniinom niyang kape, "Magkatapat lang naman pala bintana ng mga kwarto niyo? Bruh, John naman! Hindi kita pinalakila para maging bobo naman! May tinatawag po tayong bintana na pwedeng isara at kurtina para matabunan naman," I rolled my eyes. Minsan talaga napaka-harsh ng kaibigan kong 'to pero sanay na ako at mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko.
"Alam ko naman 'yun kaso nakalimutan ko 'e tapos ang bilis ng mga pangyayari kasi," Sabi ko nalang habang kinakain ang mga niluluto ni Mama.
"Ano ba kasing nangyari? Baka naman may nangyari talaga sainyo ha!"
"Of course, walang nangyari! She was standing in front of me in her freaking underwear and hinalikan niya lang ako in front of the window siguro and that's when she saw us. Napapahamak ako nang dahil kay Kate! Obviously, siya ang dahilan kung bakit nawala ang necklace niya."
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...