Julia's POV
I opened my eyes and I immediately looked at the clock on my wall. I realized it's quarter to seven in the morning. I got up and looked at myself at the mirror at kitang-kitang namamaga pa ang mga mata ko because of crying and I went up to Shan's crub and saw that my baby is still sleeping.
I sat down and thought about last night. Hindi parin ako makaget-over and still masakit parin talagang tanggapin na ganito na yung naging kapalaran ko.
I know, Shan is really a mistake. In short, I am such a failure but also I have to prove to myself and to my family what I can do. I have to prove them that I am still worth it.
I went out of my room and called out my parents but no one answered. Nagtataka ako kung bakit napaka-tahimik ng bahay. Hindi ko rin naririnig ang maingay na boses at bunganga ni Mama ngayon.
Nang tumungo ako sa Kusina ay may nakita akong sticky-note na nakadikit sa refrigerator namin. Kinuha ko iyon at binasa,
Julia,
You're mom and I are out of town. Babalik kami para kunin yung mga ibang gamit and we'll be back on Sunday. Just, take care with my grandson and ikaw din, mag-iingat ka.
Love,
Daddy
So, that's why tahimik dahil wala pala sila ngayon and I don't know why pero nakaramdam din ako ng konting tuwa dahil wala si Mama ngayon. Walang sagabal sa buhay ko but still umaasa pa rin ako na balang-araw ay magkakaayos na kami ni Mama.
John's POV
"Nagkaholding hands pa nga kayo kagabi eh! What is the meaning of that, huh?!"
Umagang-umaga ay agad na tumawag si Derek at walang tigil sa pagtatanong. Sinabi ko lang naman sa kanya na siya ang bago naming kapit-bahay na naging kaibigan ko pero ayaw talagang maniwala.
"Hindi ko nga kasi namalayan na nahawakan ko na pala kamay niya. Hinila ko kasi siya e."
"Sus! Deny pa more! Sure kang wala kang nararamdaman na something sa kanya? Don't you find her attractive?"
Napa-irap ako sa kawalan at sinagot siya, "Well, to be honest, she's attractive but please, bruh. 'Wag na nating gawing complicated at walang malisya. Lia and I are just friends and para sa ikakatahimik ng kaluluwa mo, walang something. I just met her yesterday and she's just nice. Bawal bang makipag-close?"
"Halata ka na, bruh! May tawagan na agad kayo? May pa Lia-Lia ka pa. Ano tawag niya sayo? Johnny?" Tumawa naman siya pero tumahimik din nang naramdaman niyang sobrang corny ng joke niya, "Okay. Mag-se-seryoso na ako. To be honest, the first time I saw you two, I can say you two are a match. Nakikita kong perfect kayo sa isa't-isa kaso may problema nga lang. Baka unti-unting mahuhulog ka kay Julia at alam ng lahat kung gaano mo kamahal si Kate and to think kaka-move on mo palang. Halatang affected ka pa rin sa nangyari sa inyo. I'm just concerned kasi ayaw ko rin naman na darating sa panahon na magkakasakitan lang kayong dalawa."
Napatahimik naman ako dun. I've been wandering about this lately. Am I really developing a crush on our new neighbor who I just met yesterday? Napatungo ako sa bintana kung saan nakikita ko ang bahay nila na tahimik na animo'y walang tao.
"Bruh, hello? Andiyan ka pa ba?" Napabalik ako sa realidad nang kausap ko pa pala si Derek sa telepono, "Hay! Nawala ka pa sa sarili mo ah atsaka -- Hala! Yung mga customer ko pala!"
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...