Julia's POV
I put on my nicest and comfortable clothes on and a little bit of perfume and some powder to go on. Ready na ako para bumisita sa bahay nila John and ayos naman kay Papa na buisita ako doon since alam naman niyang okay na kaing dalawa.
About naman kay Mama ay hindi ko alam kung paano sasabihin ni Papa sa kanya but I don't care kung ano man ang reaction niya.
Malapit lang naman ang mga bahay namin kaya nakarating ako kaagad, mga ilang segundo lang naman. Tinawag ko siya mula sa labas at kita ko namang dali-dali siyang lumabas na naka topless pa siya. Hindi ko alam at bumilis ang pintig nang puso ko.
Napansin niya na naiilang ako sa kanya kaya napatingin siya sa sarili niya at doon niya palang namalayan na naka topless lang pala siya at boxer shorts, "Ay sorry, Lia. Nakakahiya naan sayo, pinaliguan ko pa kasi si Faith tapos nabasa yung damit na sinusuot ko. Sandali lang at magbibihis lang muna ako," Tumango naman ako sa tinugon niya.
Pumanhik naman siya sa itaas kaya wala akong magawa kundi ang maupo lang at inihiga ko si Shan sa tabi ko. Syempre, alam naman niya ang tungkol kay Shan kaya sinama ko na rin ang anak ko.
May nakita akong mga magazines kaya kinuha ko iyon at binabasa habang hinihintay si John nang nakita kong tumakbo pababa ng hagdanan si Faith na kumakaway sa amin ni Shan, "Ate Julia! Baby Shan!" Salubong niya sa amin at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Hello, Faith. Kumusta ka na? Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos lang ako ate at tapos na rin po akong kumain. Maaga po kasi akong pinakain ni Kuya."
Napatango naman ako, "Good. So, ano na gagawin mo ngayong gabi?"
"May story ako dito na ipagbabasa ni Kuya. Gusto mo marinig?"
Ngumiti naman ako sa kanya, "Sige ba. Ano, ngayon na?" Tumango naman siya at hinila ako papuntang itaas habang karga ko si Shan sa mga bisig ko.
Nakapasok kami sa kwarto ni Faith at andun na pala si John at inaayos ang higaan ni Faith.
"Oh, ano Faith? Anong gusto mong story ang ibabasa ko para sayo?"
"Yung story lang po ni Noah, Kuya," Sagot ni Faith nang nakaayos na siya sa paghiga sa kama niya.
Ang aga-aga palang matulog ng batang ito. Isipin mo na quarter to eight palang. Well, it's good naman since she's still turning two.
"Sige. I'll start reading na, okay?"
Tumango naman ito kaya nagsimula na sa pagbabasa si John, "God saw how great wickedness had become and decided to wipe humankind off the face of the earth. But one righteous man among all the people of that time, found favor in God's eyes," Pag simula nang kwento ni John.
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...