CHAPTER 13

209 40 26
                                    

John's POV

"Yes! At last! Everyday practice na talaga sa wakas!" Maligayang sambit ni King nang sinabi ko sa kanya ang mga naging plano ni Papa.


King really do loves basketball even noong mga bata pa kami. Malapit na din kasi ang National Athletic Meet and it will be held in Tagum City.


"Yeah, sinabi na ni Papa sa akin yan. Torture again!" Sagot ko sa kanya and I rolled my eyes.


Nakatayo kami sa isang bulletin sa labas ng building habang hinihintay si Queen kasi sabay kami maglunch since whole day kami ngayon. Ngayong sila na ni Queen ay tila hindi na sila mapag-hiwalay.


"Hulaan mo kung sino 'to," Sabi ni Queen na iniba pa ang boses habang tinakpan ang mga mata ni King.


"Sino kaya 'to? Siguro ito yung pinakamagandang girl friend ko o isa sa mga cheerleaders?" Napangisi si King non at muntik na akong matawa nang nakita ang mukha ni Queen.


Hinampas naman siya kaagad ni Queen, "Bawiin mo yung sinabi mo, King!"


Nanlaki naman ang mga mata niyang feeling inosente pa, "Anong babawiin ko? Na maganda ang girlfriend ko? Aba, walang bawian yun!" Hinalikan pa nito si Queen sa pisngi niya at halatang kinikilig din ito hanggang sa naghaharutan na sila at ako naman ay naging instant third weel.


Tumikhim ako pero hindi pa din sila natinag kaya napabusangot naman ako, "Hay naku, makaalis na nga at punta nalang ako sa canteen mag-isa," Sabi ko sa sarili ko at lumisan sa lugar na iyon nang hindi man lang din ako napansin.


Tibay talaga ng dalawang 'to at talagang ay sariling mundo pa.


Nag naglalakad ako papuntang canteen nang nakasalubong ko si Giselle sa daan na parang may hinahanap, "Hi, Giselle!"


Napatingin naman siya at napangiti, "John, mabuti nakita rin kita. Kanina ko pa kasi kayo hinahanap e. Nakikita mo ba si Julia? Excused kasi ako kanina kaya hindi ko siya nakausap."


I looked at her confused, "Bakit? May problema ba?"


"It's just some little problem about the schedule. Nakita mo ba siya?"


"Hindi siya pumasok kanina kasi. Sabi kasi sakin nung Mama niya nagkasakit daw siya."


Tumango naman siya, "Ganun ba? Sige pero, if you got the chance na makausap mo siya pakisabi naman na nilipat ni Kate ang oras sa practice nang mga two hanggang three sa hapon para may extra practice pa din bago ang palaro."


Napatingin naman ako sa kanya, "Ano? Bakit niya inilipat? Hindi ba alam ni Kate na may klase si Lia ng two to three sa hapon? May individual subject siya sa ABM 1 na subject."

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon