Julia's POV
I kept on looking for Derek everywhere around the school. Napasok ko na lahat ng buildings sa school ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. Hindi siya nag-practice kahapon sa basketball practice nila kaya hindi niya alam na nawawala ang necklace ko.
I need to find him because he is the only one who knows my only top secret. Though, hindi niya alam ang tungkol sa necklace but I know that siya lang ang makakaintindi sa akin.
Nag-aalala na ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang nawawalang necklace ko. Imposible namang naiwala ko 'yon dahil alam kong nasa bench lang iyon, unless someone took it.
Sana nga lang ay napunta ang necklace ko sa mababait na kamay at maibalik pa sa akin na hindi malalaman ang sekreto ko.
Nakita ko si Derek na lumabas galing Theatre Art Studio kaya agad ko siyang nilapitan at tinawag, "Derek!"
Napalingon naman ito, "Oh, Julia. Ikaw pala 'yan."
"Bakit wala ka sa practice kahapon?"
"Umuwi kasi ako kaagad at nag-duty sa shop namin. Busy kasi both parents ko."
Napa-buntong hininga naman ako, "May nangyari kahapon kasi."
"Bakit? Anong nangyari at parang nababalisa ka diyan?"
"Yung necklace ko kasi e, nawawala siya kahapon and I know may kuuha non. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita! Nag-aalala na talaga ako!" Bulalas ko at nagtataka naman siya sa inaasta ko. Syempre, para sa kanya ay isang hamak na necklace lang yon para ikataranta ko na nawala pero sa aki, mahalagang bagay 'yon dahil buhay ko at buhay ng anak ko ang nakasalalay dito.
"Julia, 'yun lang ba? Jusko, anong namang magagawa natin e Wala na, 'diba? Hindi mahanap-hanap kung saan kaya oras na para bumili ka nalang ng bago. Dami mong pera para palitan 'yon"
Napa-iling ako, "No! Hindi ko naman inaalala na nawawala 'yon pero ang mas pinoproblema ko ay yung laman nang necklace! Isang locket necklace 'yon at nasa loob ang picture namin ni Shan. Kung sino man ang kumuha nun, malalaman nila na may anak ako. Malalaman don na anak ko si Shan!"
Nanlalaki naman ang mga mata niya ng marinig 'yon, "Shit! Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Jusko ka talaga, saan naman natin mahahanap yun?! Pusang gala naman pala ng kwintas mo e."
"Yun na nga eh! Nag-practice kasi kami tapos ewan ko kay Kate, nirequired niya na tanggalin ko kaya iniwan ko lang sa bench tapos tinabunan lang ng towel para hindi makita ng iba."
"Ano ba kasing laman nun?"
"May laman ng picture ko at buhat ko si Baby Shan. 'Yun yung time na first time ko siyang nakita after I gave birth tapos may nakasulat na Unconditional Love of a Mother."
Napa-iling naman siya nun, "Malamang naman, malalaman ng nakakuha nun ang sekreto mo."
"Hindi ko alam anong gagawin ko! Paano nalang kung mapunta kay John 'yun at makita niya? Hindi ko pa naman nasabi ang lahat sa kanya."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, "Don't worry, Julia. Makikita't-makikita natin 'yon," Pahayag niya at niyakap ako nang mahigpit.
"Paano kung makita niya nga yun?" Tumulo ang luha ko at pinatahan niya naman ako.
"Mahal mo naman siya, diba?" Tumango naman ako habang pinupunas ang mga luha ko, "Kung ganun, may tiwala ka ba?"
Natahimik ako pero sigurado na ako sa sagot ko, "Oo. May tiwala ako sa kanya."
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...