CHAPTER 2

492 102 250
                                    

Julia's POV

I am standing in front of some few unknown and unfamiliar faces, which is my new classmates and I can't help but to feel nervous. Hindi ko pa kasi nararanasan ang pabago-bago ng lugar at mas lalong hindi uso sa paaralan namin ang magpapakilala sa harapan. Well, technically, magpapakilala ako since I am new in this school and I am new in this kind of environment.

I grew up in Davao City but recently lang kaming lumipat sa Butuan City. The reason is may mga hindi magagandang nangyayari doon kaya kami lumipat dito sa Butuan at tinitiis nalang na magpakilala sa harap ng aking mga bagong kaklase.

Tinititigan at inaalala ko ang mga bagong mukha ng mga magiging kaklase ko. Napansin kong may mga klase sa tao na sobrang attentive talaga, may ibang ring panay cellphone lang ang atupag habang ang iba naman ay nagchi-chikahan with their friends and squad.

Hindi rin pwedeng mawala ang mga mala-PDA sa classroom. I bet, hindi rin sila magtatagal.

Mahahalata mo din sa iba na mukhang inaantok na. Napa-simangot naman ako sa isipan ko na kakasimula pa nga lang ng araw, inaantok na sila. Sabagay, sobrang aga pa rin naman at kung ako rin ay aantukin din ako.

Napansin ko din sa may bandang likod ang isang lalaki na nagbabayangan pa sila ng babaeng nasa harapan niya. Napansin ko rin kasi ang lalaki dahil sa kanyang buhok na mahaba atsaka kulot. Mala-naruto pero kulot ang buhok niya.

Nawili din naman akong ino-obserbahan ang mga kaklase ko nang napako ang tingin ko sa lalaking katabi nung mala-naruto ang buhok.

I heard from Mrs. Dizon that he is called, Aquino I think. I don't know why pero parang may iba sa kanya. I can feel something weird inside of me and I also feel that he's sad.

Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. Lahat naman tayo dumaan sa sakit na ating na nararanasan, though magkakaiba nga lang ang mga pangyayari. I know, he will go through all of it.

Nung napatingin siya sa akin ay wala akong ginawa kundi ang ngumiti sa kanya para naman kahit papaano ay mahawa siya sa mga ngiti ko. Nakita kong iniwas niya lamang ang tingin niya pero kitang-kita ko kung paano siya ngumiti.

He's cute when he smiles, though.

"Julia," Mrs. Dizon said, "Pwede ka ng maupo. Doon ka na sa tabi ni Queen Esther Callanta. Tutal 'yan na din ang naiiwang bakante," Tinuro ni Mrs. Dizon ang lugar kung saan ako u-upo at kaharap ko pa si Aquino kasama yung lalaking mala-Naruto.

I smiled at her at naglakad na ako papunta sa upuan ko at inayos ang gamit ko nang kinawayan ako ni Queen, "Hi, Julia! I guess kilala mo na ako. Alam mo, maganda ka. How to be you?"

Napatawa ako konti. Ang kulit niya din pala and nakikita ko sa kanya ang bestfriend kong si Lyn, "Naku, hindi naman. Actually, maganda ka rin," 

She's pretty talaga, promise. Morena beauty siya and I see that palagi talaga siyang inaasar nung lalaking nasa likuran niya, pero it doesn't mean na ayaw nung guy sa kanya. I see something in his eyes, wanting her attention.

Clearly, may gusto ang lalaking 'to sa kanya. I'm not an expert but marunong akong makiramdam.

Bigla na namang tinawag ni Mrs. Dizon si Queen at may ibinilin sa kanya, "Queen, ikaw na muna ang bahala kay Julia tutal magkatabi naman kayo. Gabayan mo siya sa rules and tour her around."

Tumango naman si Queen, "Opo walang problema, Ma'am!"

"Thank you, Queen. Good bye class!" Sabay-sabay din nagpaalam ang lahat sa umaalis na guro nang lumapit bigla yung lalaking mala-Naruto kay Queen.

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon