CHAPTER 7

243 58 70
                                    

Julia's POV

I looked at myself in front of the mirror as I was wearing my comfortable oversized blue-striped shirt, inserted with my guess ripped jeans with my Chanel belt, and with a pair of white sneakers. 


I opened my phone and it's already quarter to seven and hindi pa dumating si John. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mama dahil busy pa siya. Syempre, I asked Papa about it and okay lang naman sa kanya.


I got my small sling bag and also kinuha ko si Shan para ilabas sa kwarto. Bumaba naman ako upang salubungin nalang si John sa ibaba kung sakaling dumating na siya.


As I went into the living room, pinahiga ko na si Shan sa ikalawang baby crib niya na inilagay lang namin sa sala. 


Maya-maya ay narinig kong tumunog na ang doorbell namin kaya dali-dali akong tumungo sa pinto at pinagbuksan


"John, buti andito ka na. Pasok ka muna at magpapaalam pa ako kay Mama."


Tumango naman siya at tuluyang pumasok, "Sige, take your time lang. Nasaan nga pala si Baby Shan?"


"Ayan nakahiga sa kuna," Tinuro ko naman ang kinaroroonan niya at kita kong ngumiti si John.


"Sige, magpaalam ka muna at dito muna ako kay Baby."


"Okay, feel at home ka lang."


Tumango naman siya at agad pinuntahan si Shan. Ako naman ay dumeretso sa Kusina upang magpaalam kay Mama which is I know na mahihirapan akong magpaalam sa kanya. 


"Ma magpapaalam lang sana ako," Napalingon siya sa akin na may hawak pa itong sandok. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kumunot naman ang mga noo niya.


"Saan ka na naman pupunta, babae at nakabihis ka pa talaga?" Mataray na pagtatanong ni Mama.


"Doon nalang tayo sa likuran mag-usap po," Sabi ko at naunang lumabas sa may likuran kung saan hindi kami maririnig ni John kung sakaling magtatalo na naman kami. I know, may talunan na namang magaganap. 


Naramdaman kong sumunod na siya at nagtatanong na naman, "Tinatanong kita, Julia. Saan ka pupunta ngayong gabi?"


"Lalabas lang sana kami ni John at inaya niya kasi na mag-cinema kami sa Robinsons lang naman din po," Sabi ko at kitang-kita kong galit na galit na naman siya at umuusok pa ang mga ilong niya sa galit.


"Si John na naman?! Julia, baka nagkalimutan tayo dito. May usapan tayo, hindi ba? Klaro sa usapan na hindi ka pwedeng magka-boyfriend. Hindi pa ba sapat na andiyan na si Shan?!"


Napahilamos naman ako sa mukha at napapikit ng mata, "Ma, hindi ko nakakalimutan yun, okay? Klarong-klaro talaga ang usapan. Hindi lang naman po kaming dalawa lang, kasama din po namin ang ibang kaibigan namin na manonood. Mag-ci-cinema lang, boyfriend agad?!"

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon