CHAPTER 18

183 31 26
                                    

Julia's POV

I panicked as Shan went missing and I came in and out of the stadium but there is no sign of Shan everywhere. Even his favorite stuff toy na lagi naming dala-dala ay wala rin sa stroller niya.

Hindi ko maiwasang mag-alala ng matindi. Paano nalang kung si Phillip 'yung nakakita sa kanya ngayon? Paano nalang kung kukunin niya ang anak niya at ilayo niya sa akin? Ayaw kong mangyari 'yun. Ayaw kong mawala sakin ang baby ko!

"Lyn, sabihin mo sa akin. Nasaan ang anak ko? Bakit wala siya dito?" I tried myself to be calm ngunit hindi ko maiwasan na hindi mag-alala, anak ko 'yun e.

"Bes, I swear! Dito ko lang kasi siya pinahiga sa stroller tapos bumili lang kasi ako nang ice cream, hindi naman kasi ganun ka layo," Pagpapaliwanag ni Lyn na halos mangiyak-ngiyak na sa pangyayari, "I'm so sorry, Julia!"

"Lia, baka naman andito lang siya sa lugar o baka nasa loob ng school o sa court. Ano hahanapin natin siya?" Suggest ni John kaya sumang-ayon ako. 

Napatingin ako sa kanya, "Paano kung si Phillip ang nakakuha sa kanya? Paano kung hindi na babalik si Shan sakin?" Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil sa takot na maaaring mawala siya sa piling ko.

Niyakap niya naman ako ng mahigpit at nagsalita, "Hahanapin natin siya, okay? Papasok tayo sa loob," Napatingin siya kay Lyn, "Lyn, doon kayo sa left wing maghanap at ako dito naman sa right," Tumango naman kami at dinala namin ang stroller at naghi-hiwalay kami nila John at kasama ko naman si Lyn.

"SHAN! SHAN BABY! MOMMY'S HERE! NASAAN KANA?!" Patuloy lang ako sa paghahanap at I hope makikita ko siya. Sana hindi si Phillip ang nakakita sa kanya.

John's POV

Habang naglalakad-lakad ako ay hinahanap ko si Shan. Sa bawat sulok talaga ay mabuti medyo hindi na ganun ka stampede at karami ang mga tao sa loob dahil nagsi-uwian na rin ang iba.

Nasaan ka na ba, Shan? Sobrang nag-aalala na ang Mommy mo.

Nang napadaan ako sa dressing room naming mga basketball players ay may narinig akong tawa ng isang bata at isang boses nang lalaki. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hinanap kung saan nanggaling ang boses.

Nakita ko na si Shan at ang kumuha sa kanya, "Derek?" Nanlulumong tanong ko, "Andito ka lang pala at kinuha mo pa si Shan doon. Alam mo bang parang sabog na sabog kakaiyak si Julia doon?" 

Nanlaki naman ang mga mata ni Derek, "Ano? Ako pa ngayon 'e iniwan niyo kaya siya sa labas," Sabi naman niya sabay bigay sakin si Baby Shan, "Mabuti nga nakita ko pa atsaka naisip ko rin kasi na baka makita siya ni Phillip kaya kinuha ko siya doon at hinahanap ko kayo. Medyo busy din naman kasi kayong dalawa ni Julia kaya ako muna nag-alaga sa kanya."

Napangiti ako nang marinig ko yun. Alam kong maaasahan talaga si Derek at alam ko naman na concern lang siya sa amin ni Julia kaya niya nagawa yon.

"May kasama naman si Shan doon. Kasama niya ang bestfriend ni Lia at bumili lang siya ng ice cream sa tabi. Sa tingin mo ba hahayaan namin si Shan mag-isa doon?" Sabi ko sa kanya at tila nagulat at naguilty si Derek sa ginawa niya.

"May kasama pala siya doon?" Tanong niya, "Naku, sorry talaga! Hindi ko kasi alam na may nag-aalaga pala kay Shan. Pasensya talaga. Hays, panigurado iyak na ng iyak si Julia at 'yung bestfriend niya kakahanap," Walang sawang paghihingi ng pasensya si Derek sa akin. Guilty na guilty na talaga siya sa nangyari at sa ginawa niya.

"Ano ka ba? Okay lang yun atleast alam ko na concern ka sa amin atsaka kay Baby Shan," Sabi ko at kinuha ko naman si Shan galing sa mga bisig niya. Kitang-kita kong masayang nakangiti si Shan ng makita ako, "Ano? Namimiss mo na Mommy mo? Tara at ihatid na kita doon at tiyak matutuwa 'yun makita ka."

#TGND: Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon