Julia's POV
I went up to Phillip and his best friend June and I can see they are both happy to see each other again. I can remember that they used to be best friends since Kindergarten and they became inseparable until high school.
The four of us - June, Lyn, Phillip, and I are friends since elementary and not until na-fall ako kay Phillip way back high school and got into a relationship. I guess, may mga magagandang ala-ala pa rin ako about him.
Lumapit kami sa kanila, "Oh, kumusta? Parang ang haba ng usapan niyo ah," Natatawa kong sambit.
"Naku, Jules, alam mo naman kung gaano ko namiss ang best friend kong 'to," Sabi naman ni June na siya'y halatang masaya na nakausap muli ang bestfriend niya.
"Yeah, pero loves, malapit na mag-eleven PM. Baka naman uuwi na tayo at hinahanap na tayo nila Mama," Ani Lyn.
Napatawa naman si June, "Paano ba 'yan mukhang uuwi na ako."
"Ako rin, uuwi na ako at hinahanap na ako sa bahay," Tumingin naman si Phillip sa akin at binigay si Baby Shan, "Maraming salamat, Julia. Salamat sa lahat, sana masaya ka na ngayon."
After that, umalis na sila Lyn, June, at si Phillip. Hindi rin nagtagal ay natapos na rin ang victory party hudyat na napagod ang mga players and even us. 'Yung iba ay kanya-kanya nang tumungo sa kanilang hotel room.
We already asked permission na mauuna na kami gamit ang kotse para hindi na kami mag stay dito sa hotel and magkakaroon kami ng alone time with John and Shan.
"John, Julia, mag-iingat kayo sa daan. Bakit kasi ngayon pa kayo aalis? Gabi na."
"Basta, Pa," Sabi lamang ni John at wala nang magawa si Tito kaya pumayag na rin.
"Sige, mag-iingat kayo. Pati na rin kay Shan," I smiled and we went out the hotel.
Napansin kong may 7/11 sa may kanto kaya pumasok muna kami doon upang bumili ng mga pagkain at iba pang dapat bilhin para sa byahe. Nagbayad muna kami at pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse ni John.
Nang a-andarin na ni John ang kotse ay tila pumapatay ito at hindi umaandar. "Weird, anyare dito?" Nagtatakang tanong niya at inandar niya ulit pero hindi na naman ito umaandar.
"Bakit hindi umaandar? Okay pa naman 'to kanina ah? Pinagasolinahan pa nga natin eh," Sabi ko at tiningnan siya na kita mo ang labis na pagtataka sa mukha.
"Kaya nga e, atsaka impossible naan na mauubusan ng battery 'to e fully charged 'to bago ako umalis and chinecheck ko talaga 'to."
"Check mo nga ulit, malay mo."
Lumabas siya ng kotse niya kaya sumunod naman ako sa kanya palabas. Binuksan niya ang hood ng kotse niya hanggang sa may lumabas na makapal na usok galing sa makina nito.
BINABASA MO ANG
#TGND: Secrets [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex- girlfriend. Sa isang buwan na iyo...