1

1.6K 36 1
                                    

A/N: Follow me on Twitter! ^__^

 Click the EXTERNAL LINK po =) sa Gilid. ----->

-------------UNA

 MYKA CRUZ-

Inilatag ko sa Aming Kahoy at Maliit na Mesa ang pinamili kong sangkap para sa Halo-halo. Nang Mai-ayos ko ay Agad kong sinimulan ang Pag gagayat at Iluto ang Dapat iluto.

 Hinihintay kong Maluto ang Kamote ng Lumabas si Nanay mula sa Silid nila ni Itay.

"Magandang Umaga,Nay!" Masayang Bati ko ng Makaupo siya sa kahoy na Upuan. Agad akong kumuha ng Basong Plastik at Sinimulang itimpla ang Kape ni Inay. "Eto po ang Kape niyo,Nay." saad ko at Inabot ito sa Kanya.

"Salamat,Anak." saad niya habang Hinihilot ng bahagya ang Likod niya. Pumunta ako sa Likuran niya at Minasahe siya.

"Masakit po ba ang likod mo Nay?" tanong ko.

"Medyo Anak."

"Gusto niyo po ba na ako na Ang Maglabada muna Ngayon? Kayo na lang po muna ang Magbantay dito Inay,Para po makapag pahing na din kayo." saad ko. Bumuntong hininga si Inay.

"Pasensiya kana Anak ha? Mahina na kasi ang Katawan ni Nanay--" hindi ko na siya Pinatapos.

"Ano ka ba nay! tungkulin ko po na Alagaan kayo. Yun nalang po ang maitutulong ko sa inyo Nay." saad ko. Humarap siya sa'kin at Hinaplos ang Pisngi at Buhok ko.

"Laking Pasasalamat ko sa Panginoon at Biniyayaan kami ng Anak na Kasing Bait mo." nakangiting saad ni nanay habang Hinahaplos ang Buhok ko. "Napakabait at Napaka Ganda mo,Anak.Wala na akong Ibang hihilingin pa sa Panginoon. Nasaakin na kasi ang Perpektong Asawa,Perpektong anak,At Napaka Perpektong Pamilya." huminga ng Malalim si Inay. "Hindi man Maginhawa ang Pamumuhay natin. Masaya at Kuntento naman ako Dahil Kumpleto tayo." Napangiti ako at Niyakap ko si Inay.

"Asus! Si Inay talaga." saad ko. "Huwag ka mag-alala Nay. Balang Araw, Yayaman at Giginhawa din ang Buhay natin." nakangiting saad ko.

"Kung sakaling Mangyari man yang Iniisip mo. Huwag ka Magbabago anak ha? Patuloy mo pa din iapak ang Mga Paa mo sa Lupa. Huwag kang Makakalimot Pinagmulan mo." saad niya.

"Opo naman po,Nay! Hindi naman po ako katulad ng Iba na Yumaman Lang. Mag-iiba na ang Ugali." saad ko. Ngumiti si Inay

"Dapat Lang." nakangiting saad niya.

-

 "Magandang umaga Po," pagbati ko sa isang Donyang Paglalabahan Dapat ni Nanay ngayon. Taas Noo at Kilay niya akong Tinignan.

"Ikaw ba ang Anak ni Juliet at Romeo?" taas kilay niyang Tanong.

"Ako nga ho." sagot ko. Muli niya akong Tinignan mula ulo hanggang Paa

"Sumunod ka sa'kin." saad niya at Naglakad na Papasok ng Napakalaking Bahay.. Ang Laki, Hindi ko maiwasang Mamangha sa Laki ng Bahay na ito. Patuloy lang ako sa Pagmasid sa Bawat sulok ng Bahay ng May Makabangga ako..

"Aray ko po!" saad ko habang hawak ang Noo ko. Napaka tigas naman ng Katawan ng Taong ito. Unti-unti kong inangat ang Paningin ko. At tumambad sa'kin ang Napaka Gwapong Mukha! Nagning-ning ang Mata ko. Matangos na ilong,Mapupula at Manipis na Labi, Makinis na mukha,Matataray na Kilay,nakakunot ang Noo--TEKA? nakakunot ang Noo?

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon