40

1.3K 34 7
                                    

A/N: sorry guys. eto lang nakayanan ko. MARAMING SALAMAT po sa mga nagbabasa nito!

eto na po ang Epilogue.

__________________________

           [ EPILOGUE ]

-

 Ano nga ba ibig sabihin ng Love Story?

yun ba yung...Makakatagpo ka ng lalaki o babae, magkakakilala kayo, magkakamabutihan at Magiging kayo?

 Yung sabay niyong bubuuin yung Pangarap niyo. Yung kahit may Bad memories ay Magkasama niyo naman itong papalitan ng Happy Memories?

 Paano ba masasabi kapag tapos na? Kapag ba may 'The end' sa huli? O kapag 'Happy Ending' na?

Pero paano mo nga ba masasabi na HAPPY kung palaging may ENDING sa dulo?

........

 Nanginginig ang buo kong katawan. Narinig ko na din ang iyak ni Miles at Julia. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya..

"Terrence" umupo ako sa harap niya. Panaginip lang ito diba? bakit hindi pa din ako magising sa masamang bangungot na ito? "Terrence. Wag ka naman mag Joke" gumagaralgal na ang boses ko. Binuhat ko ang Duguan niyang ulo saka ko siya hiniga sa hita ko.. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Biie..gumising ka." tuloy-tuloy sa pagtulo ang luha ko.. Eto naba ang katapusan? Dito na ba matatapos ang lahat?

 Tumingin ako sa napakaraming tao na nakapalibot sa'min. Ano pa ba ang ginagawa nila? Bakit pinapanood lang nila kami?!

"Tumawag kayo ng ambulasya!" hindi ko mapigilan ang hindi magtaas ng Boses sa kanila. Ano ba nangyayari sa kanila? Hinahayaan at tinitignan lang nila kami.

"Terrence.." muli kong tinapik ang nakapikit at hindi na gumagalaw na si Terrence.. "Biieboo naman, Bakit ngayon pa? Anniversary natin diba? Biie..Gumising ka please. Wag mo naman akong iwan.." niyakap ko siya habang nakahiga siya sa Lap ko. Wala akong pakealam kung magkaron ng Dugo ang mukha ko o ang katawan ko.

"Parang-awa niyo na.. Tumawag kayo ng Ambulansya!" muling sigaw ko sa mga nakatingin lang na mga tao.

"Terrence..Mag-kakaayos pa tayo diba? Mag-uusap pa tayo. Aayusin pa natin 'to. Biie, gumising kana.." humahagulgol na ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. Ang sakit! Yung makitang ganito ang taong Mahal mo at wala kang magawa. Mas masakit! "Biieboo..Gumising kana oh..Magpapakasal pa tayo diba? Bubuo pa tayo ng Pamilya,. Paano na yung mga Pangarap natin kung iiwan mo nalang ako basta? Terrence naman.." muli ko siyang niyakap..

 Sobrang higpit ng yakap ko at hindi ko na alam kung ilang oras na kami sa ganoong posisyon habang umiiyak ako.. Hindi ko na pinansin yung mga nakapalibot na tao sa'min. Maging si Miles at Julia, hindi ko na alam kung nasaan..

"Mahal na Mahal kita Biie..Mahal na Mahal.." paulit-ulit na bulong ko habang hinahalikan ko ang noo niya. Natutuyo na yung Dugo sa Mukha niya pero wala pa din tumutulong sa'min. Gusto ko magwala. Gusto ko sumigaw ng sumigaw sa sobrang galit. Gusto ko maglupasay. Kasalanan ko! kung hindi ko siya hiniwalayan, sana masaya pa kami ngayon. Sana...Sana hindi humantong sa ganito.

 Naiangat ko ang paningin ko ng Biglang may Musikang umalingawngaw sa buong paligid at mas nagulat ako ng makitang halos lahat ng taong nandito ay Sumasayaw habang nakangiti.

[PLAY niyo po music sa gilid]

 Ano 'to? anong meron? Kahit puno pa ng Luha ang mukha ko ay nagawa ko pa din manood.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon