PROLOGUE

2.4K 40 0
                                    

MAHIRAP- Hindi man nabuhay sa Marangyang Pamilya. Namulat naman siya sa Pamilyang Alam niyang Mahal siya. Hindi niya man Mabili at Makuha ang Gusto niya, Basta Nakakapag-Aral siya Masaya na siya. Itlog at Tuyo na Ulam. Hindi siya umangal dahil ang Mahalaga may Nakakain sila. Maliit at Makipot na bahay, Masaya na siyang Manirahan doon basta KUMPLETO silang Pamilya. Yan ang Buhay ng mahirap. Nabubuhay sa Utang. Nasanay sa Kahirapan. Pero, Wala siyang Paki. Ang Mahalaga lang sa Kanya. May Magulang siyang NAGMAMAHAL sa kanya.

MAYAMAN- Hindi sanay sa Hirap ng Buhay dahil namulat siya sa Karangyaan. Humihiga sa Pera. Nag-aaral sa Pribado at sikat na Paaralan. Kumakain sa Isang araw ng Hindi lang Tatlo kundi Higit pa sa gusto niyang Beses. Kaya niyang makuha lahat Dahil Mapera siya. Yan ang Nagagawa Ng Pera. Nakukuha niya Ang Lahat ng Gustuhin niya. Pero may isang bagay na Hindi kayang Bilhin ng Pera. Yun ay Ang ATENSYON ng magulang niya.Subsob sa trabaho. At ultimo kaarawan niya ay kinalimutan nila. Yun ang Gusto niya, Ang Bigyang Pansin siya ng Magulang niya, Na kahit kaylan ay hindi pa naibibigay sa kanya.

**

 Ang MAHIHIRAP, nasanay at namuhay sa hirap. Sanay silang gumawa ng gawaing Bahay. Maaga silang natuto kung Paano ang maging Independent. magluto,Maglaba. Maglinis ng Bahay. at pati Pagta-Trabaho ay Nagawa na nila

 Ang MAYAYAMAN, nasanay at namuhay sa Sarap. Gigising ng Umaga na handa na ang Pagkain, Iiwan ang Platong pinagkainan. Aalis at iiwan ang Gulo-gulong kwarto. Walang alam sa mga gawaing bahay. Ang Pinoproblema lang nila ay kung Paano at saan uubusin at gagastusin ang Pera nila.

 Paano kung ang isang MAHIRAP at isang MAYAMAN na tulad nila ay Pinagtagpo sa Maling Pagkakataon? Paano nila Babaguhin ang Isa't-isa? Paano nila itaTrato ang Bawat isa?

Paano nga ba Babaguhin ng Tadhana ang kapalaran nilang Dalawa sa Isang Iglap lang? Paano kung Bumaliktad ang Mundo at Pag gising nila ay Nag kapalit na sila ng Estado sa Buhay?

Masasanay ba ang MAYAMAN sa buhay ng MAHIRAP?

Paano Masasanay ang MAHIRAP kung siya ay maging MAYAMAN?

____________

 All Rights Reserved.2014

DairyQUEENIE♥

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon