35

797 17 0
                                    

__________________

          [ Bar ]

MYKA

    "Myka! nagawa mo na ba yung pinapagawa ni Prof.Steven?" tanong ng kaklase ko. Siya yung sinasabi ko na nag Joke about sa kwek-kwe at nauwi sa mahabang tawanan namin ni Biieboo.

"Medyo.Malapit na. Ikaw?" balik tanong ko. Tumabi naman siya sa'kin saka niya nilabas ang Notebook niya.

"Malapit na din" sagot niya. pinapagawa kasi kami ng parang Story daw ng Buhay namin. Hindi naman lahat. Yung mga natatandaan lang. Malapit na din kami mag-out. Nag hihintay nalang ako ng Oras.

"Alam mo ba Gurl!" saad niya saka niya hinampas ng mahina ang braso ko. Tumingin ako sa kanya.

"Alin?" tanong ko. Para naman siyang kinikilig na ewan.

"May gwapo sa Parking lot! Yiiieh! Ang gwapo talaga niya! May dala pa siyang Bulaklak. Siguro girlfriend niya yung sinusundo niya. Swerte naman!" saad niya. napanguso ako. Parang kilala ko na kung sino. Tumayo na ako saka ko inayos yung gamit ko. "Oh,alis kana?" tanong niya.

"Oo." tipid na sagot ko. Tumayo na din siya saka sumabay sa'kin sa paglabas. Daldal siya ng daldal tungkol dun sa Lalaking gwapo. Hot daw at artistahin daw talaga ang mukha.

 Pagdating sa Parking, Napakaraming babae ang nakapalibot sa isang lalaking nakasandal sa Kotse. Kinikilig pa yung mga babae na akal mo sila yung pinuntahan. Napatingin siya sa gawi ko, sinimangutan ko lang siya.

"Biieboo!" sigaw niya na umalingawngaw sa parking lot.

"Oh My God!" gulat sa saad ni Kate. Yung kaklase ko.Naglakad palapit sa'kin si Terrence habang napakalaki ng ngiti. Nang tuluyan siyang makalapit ay agad niya akong niyakap. inabot niya yung bulaklak ng humiwalay siya.

"Kanina kapa?" tanong ko. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago sumagot

"Di naman. Ako na susundo sa'yo. Sinabi ko na dun sa Driver niyo" sagot niya. Narinig ko pa ang bulungan na mga babae.

"Ah. nga pala, eto si Kate. kaklase ko sa lahat ng Subject" pagpapakilala ko. Nilahad naman ni Terrence yung kamay niya at nanginginig pang inabot ito ni Kate.

"Hi." nakangiting bati ni Terrence.

"Kate, siya si Terrence. Boyfriend ko" pagpapakilala ko. Laki ng ngiti niya ng sabihin kong boyfriend. Todo pigil pa siya sa pagngiti.

"Mauna na kami ha? Nice to meet you" saad ni terrence saka hinawakan ang kamay ko. Kumaway nalang ako kay Kate. Nilagpasan namin yung mga babaeng masama ang tingin sa'kin saka ako pinabuksan ni Terrence ng pinto ng kotse niya.

"Deretso uwi na ba tayo?" tanong ko ng makaupo siya. Inistart niya yung engine bago sumagot

"Punta tayo sa Bahay." saad niya. Tumango nalang ako.

 Hawak niya ang kamay ko habang nasa byahe. Napapangiti nalang ako, parang takot na takot siyang bitawan ako kasi baka mawala ako., Haha!

 Di ko namalayan na nandito na kami sa Bahay nila. Halos kasing laki din 'to ng Bahay namin. Pinagbuksan niya ulit ako ng Pinto saka kami magkahawak kamay na pumasok sa loob.

 Umupo kami sa Sofa saka siya nagpahanda ng meryenda.

"Bar tayo mamaya" saad niya. Nilapag ko muna yung Juice saka ako tumingin sa kanya

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon