39

749 18 0
                                    

A/N: eto na po ang Last chapter! Next is Epilogue po. Maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa nito. Kahit walang Commet or votes ok lang po atleast may nagbabasa! Masaya na po ako dun, =)) Salamat po talaga!

_____________________

  [ Last Chapter ]

MYKA-

 Isa lang akong simpleng babae dati. Masaya ako na namuhay ako kasama ang Magulang ko.

 Hindi ko naman akalain na makakakilala ako ng tulad niya. Yung lalaking mamahalin ko ng sobra.

"Huy! Magang maga na yang mata mo. isang lingo ka ng iyak ng iyak" saad ni Julia. Oo, Isang lingo na kaming wala. Break.

"Sorry" mahinang saad ko. Nasasaktan lang talaga ako. Lalo pa at bukas ay Isang taon na dapat kami.

"Sino ba nakipag break?" tanong ni Miles. Nandito sila ngayon sa kwarto ko.

"A-ako" sagot ko..

"Exactly! ikaw ang nakipag break pero bakit iyak kapa ng iyak diyan?" mataray na saad ni Julia.

"Ang sakit kasi eh" sagot ko. Sabay naman silang napabuntong hininga.

"Alam mo naman palang masasaktan ka, bakit hiniwalayan mo pa?" tanong ni Miles.

"Hindi niyo kasi ako maiintindihan. Mas lalao lang ako masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa" sagot ko. kahit naman sobra akong nasasaktan, sa tingin ko naman tama yung desisyon ko.

"Oh eh,ano balak mo?" tanong ni Julia. Huminga ako ng malalim

"Hindi ko alam. Hindi na din naman siya nagtetext. Hindi na din siya pumupunta dito. Siguro tanggap niya na" malungkot na sagot ko. Hindi na kasi talaga siya nagpaparamdam.

"Matapos mong hiwalayan, tingin mo magpaparamdam pa yun? Malamang nasasaktan pa yun" saad niya. Nasasaktan nga ba siya? Mali ba na nakipag hiwalay ako? Dapat ba na pinakinggan ko muna siya?

"Alam mo,ienjoy mo nalang. Desisyon mo yan diba?" saad ni Julia saka sila tumayo. "Bukas, imbis na magmukmok ka dito. Lalabs tayong tatlo at hindi ka pwedeng umangal. Susunduin ka namin.K? Bye" saka sila lumaabs ng kwarto ko ng hindi manlang inantay ang sagot ko.

 Napahiga nalang ako sa kama ko.. Eto na naman ang luha ko. Mali ba ang naging desisyon ko?

 Kasalanan ko ba? Sobra na kasi akong nasasaktan. Sobra ko siyang Mahal. Mahal na Mahal. Pero ang tanag ko kasi bakit ko nagawang hiwalayan siya?!!

 Kinuha ko yng Cellphone ko saka ko tinitigan yung Picture namin dalawa. Eto yung araw na kumakain kami ng Kwek-kwek. Ang saya-saya pa namin dito.

 Hinaplos ko yung mukha niya sa screen

"Sorry.." umiiyak na saad ko. Hinalikan ko yung screen saka ko ito niyakap. Mahal ko siya pero pinakawalan ko. Napaka tanga ko naman ata.

----

 Kinabukasan, tinotoo nga ni Julia at Miles yung sinabi nila. Sinundo nila ako ng sobrang aga para hindi daw ako makatakas. Balak ko sanang kausapin si Terrence. Gusto ko maayos pa namin ito pero talagang hindi ko alam kung paano mag-uumpisa. Anniversary namin ngayon at dahil sa'kin ay naging malungkot ang araw na ito.

 Nagpunta kami sa Mall. Tawa lang sila ng tawa habang ako ay hindi ko magawang tumawa. Sumusunod lang ako kung saan sila pumunta. Hindi ko magawang mag-enjoy. iniisip ko si Terrence. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Dapat pala nag stay ako sa bahay. baka sakaling pumunta siya dun.

 Bandang hapon ng ayain ako ng dalawa na maglakad-lakad sa Park. Pumayag na ako, kahit naman tumanggi ako ay Pipilitin nila ako.

"KJ nito! ngumiti ka naman!" saad ni Julia. Ngumiti ako pero pilit kaya napasimangot sila. Anong magagawa ko? Hindi ko kayang ngumiti.

"Ikaw naman, kamusta yung kinalolokohan mong lalaki?" tanong ni Julia kay Miles, nakikinig lang ako sa kanila. Tumawa naman si Miles na parang kinikilig

"Kinausap niya si Kuya.." saad niya.

"Alam ko! nasabi nga sa'kin ni Quen na kinausap daw siya nung JV ba yun? Ayun, nagpaalam na kung pwede daw niyang ligawan si Miles. naks! nagdadalaga na" pang-aasar ni Julia. Napatawa nalang si Miles. Tuloy lang sila sa kwentuhan at asaran. Nakaka- OP, gusto ko ng umuwi. o kaya gusto kong puntahan si Terrence.

 Tama nga sila, Mali ang naging desisyon ko. Mali na nakipag hiwalay agad ako, mali na pinakawalan ko siya gayung wala naman akong kasiguraduhan kung talaga ngang may ginawa siyang kalokohan. Dapat pala ay hinayaan ko muna siyang makapag paliwanag.

 Sana ayos pa kami, kung hindi lang ako nagpadala sa emosyon.

Napahinto kami sa paglalakad ng may makita kaming mga tao na nakapaikot na parang may pinag pepyestahan. May nagtatakbuhan pa para makiusyoso. Tinawag ni Julia yung isa

"Kuya! Anong meron?" tanong niya sa lalaking dumaan.

"May naaksidente daw. Nasagasaan. Grabe nga daw, wasak na wasak yung kotse at yung Kawawang binata ay nakahandusay lang" sagot niya saka nagtatakbo para makiusyoso. Bigla akong kinabahan.

"Tignan natin!" saad ni Julia saka niya kami hinila ni Miles palapit. Grabe. Mag gagabi na pero napakarami pa din tao dito.

"Excuse me..Excuse me" saad ni Julia sa mga nagkukumpulang tao. Bakit ganito ang galabog ng puso ko?

"Oh my god!" napatingin ako kay Julia at Miles habang nakatakip ang kamay sa bibig. Napatingin ako sa tinitignan nila..

 Pakiramdam ko, gustong kumawala ng puso ko.. Hindi..Hindi totoo ito.

 Bakit? bakit nangyari 'to? Bakit wala manlang tumutulong sa kanya? Hindi ba nila nakikita na marami ng nawalang dugo sa kanya?

 Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kanya.. Hindi! Hindi siya yan! Hindi pwede!

"T-t-terrence.."

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon