21

748 17 0
                                    

-

 TERRENCE

Nakatingin lang kami sa kanya habang marahan siyang naglalakad. Napaka Ganda niya talaga! Nawala lang ang atensiyon sa kanya ng Tinawag na ang mga bisita. Lumapit sa kanya si Miles kaya sumunod na din ako kasama si Quen at Julia

"Myka?! OMG! ang ganda mo!" saad ni Miles ng makalapit kami. Niyakap niya si Myka ng mahigpit.

"Miles" nakangiting saad niya. Nagtama ang paningin namin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Anong ginagawa ng isang basura dito?" gusto kong sapakin si Julia dahil sa pinagsasasabi niya. Buti nalang nasuway agad siya ni Quen.

"Psh. Baka naliligaw ka lang? Baka naman Party sa kalye ang pupuntahan mo at hindi dito?" muling saad ni Julia. Naibilog ko ang kamao ko. Masasapak ko na sana siya kung hindi lang ako tinawag nila Mom. Ayoko pa sanang iwan mag-isa si Myka pero naalala ko. Hindi nga pala kami nag-uusap mula nung...Tinaboy niya ako sa buhay niya.


Pumasok na kami sa loob.. Madaming sinabi ang Tumayong MC bago niya tinawag si Don.Simon Delafuente. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil Hinahanap ng Paningin ko si Myka. Nasaan naba siya? Umuwi na kaya siya?

"Finally...After 18 years.." saad ni Don.Simon, Napatingin ako sa kanya. Ipapakilala niya na siguro ang kung sino man na matagal niay ng hinahanap "Nahanap ko din sila. Nakita ko din ang Apo ako" pagtutuloy niya.  "Heirs of Delafuente,Our Future successor.Ladies and Gentlemen..." wow! Just wow! Napakaswerte ng apo niya.. Muling nahagip ng Paningin ko si Myka. At laking gulat ko na nasa tabi niya ang Magulang niya.. Lalo akong naguluhan. "My one and only GrandDaughter.................. Myka Cruz DelaFuente" naestatwa ako sa kinatatayuan ko. tama ba ang naririnig ko? si Myka..Si myka ang nag-iisang apo ng DelaFuente? "Myka..Apo" muling saad ni Don.Simon. Napatingin muli ako kay Myka at unti-unti, lumapit siya kay Don.Simon. Niyakap agad siya ng matanda saka hinalikan sa noo...

 Napailing ako..Hindi! Hindi totoo 'to!

 Paanong..Paano na kami? Napaka Yaman niya na, at AKo..Ako na ang naghihirap ngayon.

Lumapit si Miles kay Myka at napasunod nalang ako.

"Myka.." nakangiting tawag ni Miles. Hindi ako makatingin kay Myka. Nakaramdam ako ng Hiya..

"Miles" narinig kong saad niya. Napatingin ako sa kanya. Bakit ganun, may lungkot sa mata niya?

"Hindi pa din ako makapaniwala..OMG! ikaw pala ang nag-iisang apo ng Pinakamayamang businessman sa Asia!! Sobrang yaman mo na!" saad ni Miles. Bigla naman tumayo si Myka saka lumapit sa'kin na ikinagulat ko.

"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot, naglakad na siya palabas saka siya huminto sa Garden. Nakatayo lang ako sa likod niya. "Terrence" Naglakad siya palapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko "Terrence..Pwede na tayo. Pwede na" saad niya. Hindi ko alam kung pwede pa nga ba tayo! Binawi ko ang kamay kong hawak niya. Halata sa muksa niya ang pagkagulat

"Hindi tayo pwede" saad ko. Kasi, Hindi na talaga! Iba na ngayon.

"A-ano bang sinasabi mo? Pareha na tayong mayaman--"

"Hindi na,Myka! Naghihirap na kami! Hindi na tayo pwede!" pagputol ko sa sinasabi niya.

"Terrence.."

"Myka, nalulugi na ang kompanya namin. Naghihirap na kami. Hindi na ako nababagay sayo lalo na ngayon, sobrang Yaman mo na. Hindi ako nababagay sa'yo" saad ko.. Napapikit nalang ako ng makita kong Tumulo ang luha niya..

"Terrence.. Tutulungan kita. Kakausapin ko si Don.simon, sasabihin ko na tulungan ang kompanya niyo.." saad niya. Napailing ako.

"Wag na wag mong gagawin yan! Ayokong isipin ng ibang tao na ginagamit lang kita!" madiing saad ko. Ayoko ng kinakaawaan ako! MagtaTrabaho ako kung kinakaylangan.

"Hindi terrence..Tutulungan kita, wag mo isipin ang sasabihin ng ibang tao.."

"Myka. Hindi na tayo pwede , tanggapin nalang natin. Malayo na ang estado ng buhay natin. Sobrang taas mo na." saad ko saka ako tumalikod. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa Bewang ko. Agad kumalabog ang puso ko..

"Please.Terrence naman.." umiiyak na saad niya. Huminga ako ng malalim saka ko tinanggal ang pagkakayakap niya sa'kin

"Ikaw na ang nagsabi..Ang Mahirap,ay para sa Mahirap. At ang mayaman,Para sa mayaman...Myka, kalimutan mo na ako" saad ko saka ko tinuloy ang paglalakad ko. Tama siguro 'to. Siya naman nagsabi dati diba? Mahirap na Ako at ngayon,Mayaman na siya. Hindi na kami pwede. Ayoko naman na Gamitin siya. Ayoko din na bigla nalang akong pumayag na maging kami. Ayokong isipin ng iba na manggagamit ako. Ayoko din masaktan si Myka, kaya mas mabuti na siguro 'to.

 Siguro nga.. Kung talagang kami.. Kami talaga!

 Napasabunot nalang ako sa buhok ko...

'Ahhhhhhhhhhhhh! TADHANA! ANG LUPIT MO!'

-

 isang Buwan.. Isang buwan na akong Nagta-trabaho bilang waiter sa isang di kilalang Restaurant. Nahirapan pa ako makapasok nung una dahil College Graduate ang hanap nila. Buti nalang Napilit.

 Huminto na din ako sa pag-aaral. Ayaw pa sana ni Mommy na huminto ako, pero sabi ko. Yun ang mas makakabuti. Mas makakatulong din ako sa pangangaylangan sa bahay kung magta Trabaho ako.

 Lumipat na din kami sa isang Katamtaman na Bahay.  Nung una, nahirapan ako. Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na mabuhay bilang mahirap. Pero Kakayanin ko. Para na din sa Magulang ko.

 Halos wala na din akong balita kay Myka.. Kahit kay Quen,Julia at Miles. Talagang iniiwasan ko sila. Lumipat kami sa medyo malayo sa kanila, Hindi sa nahihiya ako. Ayoko lang na kaawaan ako..

 Pabagsak akong humiga sa higaan ko. Nakakapagod ang araw na ito! Kahit isang buwan na, hindi pa din nasasanay ang katawan ko!

 Kinuha ko ang Cellphone ko sa bulsa ko saka ko tinignan ang Larawan niya.. Ito nalang ang meron ako. Dito ko nalang siya nagagawang silayan. Dito ko nalang siya nagagawang titigan.

'myka..Miss na miss na kita..'

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon