36

678 15 0
                                    

A/N: lapit na matapos.

______________

 MYKA

 Sa isang Relasyon talaga, Hindi maiiwasan ang away,hindi maiiwasan ang tampuhan. Hindi maiiwasan ang Selos dito selos doon. Hindi maiiwasan ang Masaktan.

"Ewan ko sayo!" sigaw ko kay Terrence.. Mula nung nangyari sa Bar, hindi ko alam pero parang may iba, parang may mali, may nagbago. Mag iisang Taon na kami at nararamdaman ko ang panlalamig niya.

"Ano ba kasing problema mo?" galit na tanong niya. Tulad niyan, hindi niya na maiwasan na sigawan ako at napaka sakit nun para saakin.

"Anong problema ko? tinatanong mo kung anong problema ko?!!" sigaw ko saka ako tumingin sa likod niya. "KAYO ANG PROBLEMA KO!!!" malakas na sigaw ko. Bumalik na sa pag-aaral si Terrence at sa kasamaang palad ay schoolmate niya pala yung Babaeng nakasagutan nila sa BAR. naisuklay ni Terrence yung daliri niya sa buhok niya

"Hindi na kita maintindihan! Ano bang problema sa pagsama-sama ko sa kanya? hindi mo ba maintindihan na para sa Grade ko itong ginagawa ko? Ka grupo ko siya!! Pwede ba isantabi mo muna yang pagseselos mo,Myka!" napaatras ako sa sigaw niya. Parang natauhan naman siya kaya hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Im sorry.Saan naman maintindihan mo ako." saad niya. Hinawi ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Paulit-ulit na kitang inintindi! nakakasawa na!" saad ko saka ko siya tinalikuran.

 Hindi naman sa ayoko na magkagrupo sila, naiintindihan ko naman na para yun sa grade niya .Ang hindi ko lang maintindihan ay ano bang project ang ginagawa nila at mag-iisang buwan na nilang ginagawa? Nalaman ko pa palaging silang dalawa ang magkasama!

"Myka! please.." narinig ko pang sigaw niya ng makalayo ako sa Bahay nila. Hindi na ako lumingon pa. Kung gusto niya magpaliwanag, bakit hindi niya ako sinundan? Siguro nga talagang ayaw niya na sa'kin. Dahil ba naibigay ko na ang gusto niya? Nagsawa naba siya sa'kin?

 Hanggang sa makauwi ako ay hindi pa din tumitigil sa pagpatak ang luha ko. Dumeretso ako sa kwarto ko at doon nag-iiyak.

 May Mali talaga eh. Napakalamig niya na sa'kin. Ni hindi niya na nga ako tinatawag na Biieboo. Hindi niya na ako sinasabihan ng Iloveyou, mahal kita, imissyou.. Hindi na din siya magtetext kung hindi ako ang unang nagtext.

 Nakakasakit na siya. Kung ayaw niya na pala, dapat sinasabi niya na diba? Hindi yung pinagmumukha niya akong tanga.

---

 Nagising ako kinaumagahan na mugto ang Mata. Sabado ngayon kaya hindi pa muna ako bumabangon. Wala naman pasok at isa pa wala akong gana, kaya naman maghapon lang akong nahiga. Sinabi ko nalang kay Nanay na masama ang pakiramdam ko kaya dinalan nalang nila ako ng pagkain sa kwarto ko.

 Nang maghapon na ay tumayo ako para maligo.

 Ni hindi manlang siya nagtetext, Kahit anong paramdam, wala. Hanggang sa natapos na akong maligo ay siya pa din ang nasa isip ko.

 Nagbago na si Terrence..

---

 Isang lingo na ang nakalipas. Hindi pa din kami nakakapag-usap. Ni text wala. Hindi niya na din ako sinusundo dito sa University na pinapasukan ko, hindi tulad dati na kahit busy siya ay nagagawa niya akong sunduin.

 Naisip ko naman na, May kasalanan din ako. Kasalanan ko diba? Kulang lang siguro ako sa pag-intindi. Dapat nga siguro lawakan ko pa ang pasensiya at pag-unawa ko.

 Napagdesisyunan ko na pumunta sa Bahay nila. Alam ko kasi ang Schedule niya, Malamang nakauwi na yun kaya nagpaderetso ako sa Driver sa Bahay nila Terrence

"Hintayin niyo nalang po ako" saad ko sa Driver ng makababa ako. Kilala na ako ng Guard kaya pinapasok na ako.

 Papasok na ako sa Loob nila ng may marinig akong tawanan.

"Grabe! Haha! di ko makalimutan yung pagkakadulas mo kanina, Epic!" narinig kong saad nung babae.

"Haha. Kasalanan mo naman eh! Nagpahabol kapa!" narinig kong saad ni Terrence. Nakaramdam na naman ako ng kirot. bakit ganun? Sa iba may time siya, sa'kin wala.

"Pero ayos din naman yung pagkakadulas mo. Nadulas din naman ako nung sinubukan kitang itayo and Boom! Napaibabaw ako sayo dahilan ng paglalapat ng labi natin. Haha!" mas nasaktan ako sa narinig ko.

"Haha. Oo nga eh" at mas lalong nasaktan ako sa sinagot ni Terrence. Ganun lang yun? Tinatawanan niya lang yung nangyari? Ako nga,hindi ko nagawa ni kumausap ng ibang lalaki dahil alam kong magagalit at magseselos siya, tapos ano? Siya pala ang gumagawa ng kakaiba. Hindi na ako nakarinig ng tawanan kaya nagpasya na akong pumasok.

 Pero agad tumulo ang luha ko. Eto ba ang pinagkakaabalahan nila? Eto ba yung project na sinasabi nia? ang maghalikan ? Hindi ko makita ang mukha ni Terrence dahil natatakpan siya ng ulo nung babae. Bakit ba hindi pa ako umalis dito? Pakiramdam ko na glue yung Mga paa ko sa kinatatayuan ko.

"Let's go to your room" narinig kong saad nung babae. Hindi ko na sila hinintay pa na maglakad papunta sa kwarto ni Terrence. Agad na akong tumalikod.

 Ang sakit. Ganito pala pakiramdam ng mapagtaksilan. Masyado ba akong naging Loyal sa kanya? Nasakal ko naba siya sa sobrang pagmamahal ko? Pero kung talagang ayaw niya na, bakit hindi nalang siya nakipag hiwalay sa'kin? Mas matatanggap ko pa yun kesa sa ganito. Ang sakit eh. Ang sakit-sakit.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon