17

840 18 0
                                    

____

 TERRENCE pov

Muli akong bumaba sa sasakyan ko. Bumuntong hininga muna ako bago ako lumakad palapit sa pinto nila.

"Tao po! Tao po!" paulit-ulit na sigaw ko habang kumakatok sa Bahay nila. "Tao po! Myka!" dahan-dahang bumukas ang pinto at katulad ng nakaraan, ang Nanay ni Myka ang lumabas.

"Ikaw na naman pala." saad niya.

"Si..si Myka po, pwede ko na po ba siya makausap? Kahit saglit lang po." pakiusap ko. Dalawang lingo. Dalawang lingo na akong pabalik-balik dito. Hindi na nagpaparamdam si Myka. Hindi na din siya sumasagot sa bawat text at tawag ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang eksaktong nangyari. Pero ayon sa mga katulong nila Quen. Nakita nila kung paanong pinagtabuyan ni Julia si Myka. Bumuntong hininga ang Nanay ni Myka.

"Halika. Pumasok ka muna at maupo" saad niya at nauna ng pumasok sa loob. Agad naman akong sumunod. Nilibot ko ang paningin ko. Walang Myka. Umupo ang Nanay ni Myka sa harap ko.

"Pasensiya na po sa abala. Gusto ko lang po talaga siya makausap" saad ko. Nakayuko lang ako.

"Umiiyak siya ng umuwi siya noon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari nun dahil hindi naman niya nasabi sa'min. Hanggang sa bumisita si Miles at Enrique dito at nasabi nila ang nangyari." kwento niya. Napatingin ako sa kanya ng bumuntong hininga siya. "Bilang isang ina. Nasaktan ako sa nalaman ko. Pinagtabuyan nila ang anak ko na parang basura. Hindi naman tama ang ginawa nila. Sinabihan ko na si Myka nung una palang. Ayoko na napapalapit siya sa inyong Mayayaman. Ayan tuloy ang nangyari." muli siyang bumuntong hininga.

"Pasensiya na po talaga. Wala po akong alam sa nangyari. Hindi ko po alam na ganun pala." saad ko. Napatingin naman ako sa nilapag niya sa Harap ko.

"ipinapabalik na yan ni Myka. Ayaw niya ng makipag komunikasyon sa kahit kanino sa inyo." saad niya. Kinuha ko yung Cellphone na ibinigay ko noon kay Myka. Ibinabalik niya na. Tumayo na ang Nanay ni Myka kaya napatayo din ako. "Kung maaari. Wag niyo ng guluhin ang Anak ko. Hayaan niyo na siya. Wag na kayong lalapit sa kanya. Hindi kami nababagay sa tulad niyong Mayayaman. Ayoko ng maulit pa ang nangyari sa kanya kaya kung Pwede lang....Wag na kayong Magpapakita sa kanya" pagkasabi niya nun ay pumasok na siya sa isang Kwarto. Napatingin ako sa Cellphone. Nanginginig ang kamay ko. Magkakalalayo kami ni Myka. Ayaw niya na ako makita. Hindi maaari! Paano naman ang nararamdaman ko?!

 Muli kong nilapag ang Cellphone sa lamesa atsaka lumabas. Hindi ako susuko!

 Agad akong nagdrive patungo sa Bahay nila Quen, kaylangan ko silang makausap! Bakit hinayaan nila na ganunin si Myka?! Bakit wala silang ginawa?!!!

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko, agad akong nakarating sa kanila. Pagkababa ko sa sasakyan ko ay agad akong dumiretso sa loob. Pagpasok ko ay nakita ko si Miles at Quen na tahimik na nakaupo sa sofa. napatayo naman sila ng makita nila ako.

"Kuya Rence!" lumapit sa'kin si Miles at hinawakan ako sa braso. "N-napuntahan mo ba s-si Myka? Kamusta na siya?" tanong niya. Huminga ako ng Malalim atsaka umiling. Napabitaw naman siya sa braso ko at muling umupo. Sumunod ako sa kanya atsaka umupo.

"Bakit hinayaan niyong mangyari yun?!" tanong ko. "Wala na! Ayaw niya na tayo makita! Pinalalayo na tayo ng Nanay niya sa kanya!" inis na saad ko.

"Im sorry! Kasalanan ko...*sob* s-sana bumaba agad ako para hindi siya nagawan ng masama ni Julia!" umiiyak na saad ni Miles...Julia! hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya kinakausap matapos ko siya komprontahin dahil sa ginawa niya kay Myka! Napatingin ako kay Quen

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon