12

856 21 2
                                    

--

 MYKA-

Nagising ako sa biglang panginginig ng Higaan ko..Napatingin ako sa Cellphone na nasa ibabaw ng Unan ko.Kinusot-kusot ko ang mata ko saka ko kinuha ang Cellphone. Napangiti ako ng makitang May tatlong text akong nareceive

=Terrence

:Good Morning Beautiful! Breakfast kana. =*

=Miles

:Myka! Nasabi sa'kin ni Kuya Terrence na may Cellphone kana! Yes! Makakapag Chikahan na tayo! Hihi..

=Enrique

:Morning.Breakfast kana. :)

Muli kong kinusot ang mata ko..Totoo?May Smiley nga sa Text ni Sir Enrique?! Muli akong napangiti at isa-isa silang nireplyan. Bumangon na ako at naligo.. Baka ma-late ako sa First Subject ko.

 Nang matapos ako maligo at mag-ayos. Lumabas na ako,Wala na si Nanay at Tatay,nag-iwan nalang ng Note sa Mesa. Kumain na ako ng Almusal na iniwan ni Nanay saka ako Lumabas.

Laking gulat ko ng sa Paglabas ko ay nakita ko ang isang Gwapong nilalang na nakatayo at nakasandal sa Kotse niya habang nakangiting nakatingin sa'kin.. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti din sa kanya

"A-ano ginagawa mo dito,Terrence?" tanong ko. Napalunok ako ng mapagawi ang tingin ko sa Labi niyang mapang-akit. Agad akong umiwas ng Tingin. Ano nangyayari sa'kin? Halos mapatalon naman ako ng maramdaman ko ang init ng Kamay niya na humaplos sa Braso ko.

"Sinusundo ka." nakangiting sagot niya. Muli akong napalunok.

"Nag-abala kapa. Malapit lang naman yung pinapasukan ko di--" namilog ang mata ko ng ilagay niya ang hintuturo niya sa Labi ko,dahilan para matigil ako sa Pagsasalita. Hinawakan niya ang kamay ko atsaka inalalayan papasok sa Kotse niya. Wala na akong nagawa. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya habang sumasakay siya papasok sa Driver's seat. Agad kong iniwas ang paningin ko ng Makaupo siya ng Ayos.

"Ganda mo."  jhgjhjjg! ano daw?!nagtindigan ang balahibo ko..Nakangisi siyang pinatakbo ang sasakyan. Napahawak ak osa pisngi ko ng Maramdaman ko ang Pag-init nito...

 'wag Myka! Mag pigil ka! Hindi kayo pwede! Mayaman siya at Mahirap ka! Hindi kayo bagay!'

"We're Here.." napatingin ako sa Labas..Biglang bumukas ang pinto at tumambad na naman sa'kin ang nakangising mukha ni Terrence.. Agad akong bumaba

"Salamat ha?" saad ko. Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko..

"Sunduin kita mamaya--"

"WAG NA!" napatakip ako sa bibig ko. Kita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa pagsigaw ko. "Ano,ibig ko sabihin..ano.." napakamot ako sa ulo ko. Hinawakan niya ang ulo ko saka marahang ginulo ang Buhok ko

"Basta,After Class. Dederetso ako dito,susunduin kita." saad niya, aangal pa sana ako kaso nakasakay na siya sa kotse niya at mabilis na pinaharurot ito. Napabuntong hininga ako. Ano pa ba magagawa ko?

 Agad akong nagtungo sa First class ko.Buti nalang at saktong pagpasok ko ay dumating ang Prof. Buong klase, si Terrence ang nasa isip ko. Pinaglalaruan ko lang yung ballpen sa kamay ko habang iniisip ang Mukha niya..Yung labi niya.. Yung ngiti niya..Napahawak ako sa Dibdib ko.Ano 'to? Bakit biglang bumilis ang tibok ng Puso ko ng maalala ko ang ngiti niya?

 Napailing ako...Hindi maaari. Hindi pwede to...

 Lumipas ang Oras..Kinakabahan ako habang Papalapit ako ng papalapit sa Gate..Bago ako tuluyang lumabas, Bumuntong hininga muna ako.. 'Umayos ka nga Myka!'

Paglabas ko ng Gate, Tumingin muna ako sa Paligid. Napaayos ako ng Tayo ng Matanaw ko siya sa Harap. Pinagtitinginan na siya ng Mga Babaeng Estudyante dito. Yung iba nag papapansin pa sa kanya. Nakasandal lang siya sa Kotse habang naka Cross ang Braso. May Shade siyang suot at sigurado ako na sakin siya nakatingin.. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa Kanya. Lalong lumakas ang kabog ng Dibdib ko. Lao na ng makita ko ang unti-unti niyang Pag ngiti..

 Napalingon sa'kin yung mga babaeng nakapaligid sa kanya.. Napalunok ako at tuluyan ng Lumapit sa kanya

"Ah..k-kanina kapa?" tanong ko. Binuksan niya yung Pinto ng kotse kaya sumakay na ako. Agad din naman siyang sumakay. Siya pa nagkabit ng Seatbelt ko. Muli akong napalunok ng nagkalapit ang mukha namin.. Nginitian niya ako bago siya umayos ng Upo

"Punta tayong Mall." saad niya, napatingin ako sa kanya

"Bakit?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Nag drive nalang siya..

 Buong byahe, nakatingin lang ako sa kanya.. Bakit ang Gwapo niya? Bakit ang Bait niya? Bakit ba bakit ako ng Bakit? at higit sa Lahat ng Bakit,bakit nagkakaganito ako? ano tong nararamdaman ko? ano?!!!!

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon