8

974 22 0
                                    

---

 TERRENCE-

"Diyan ka ba mag-aaral?" tanong ko ng makarating kami sa isang Medyo maliit na University.

"Oo eh. Tsaka,Scholar lang naman ako." saad niya tapos bumaba na sa kotse. Yep! Pumunta ako sa kanila kanina.Saktong paalis siya kaya nag Prisinta ako na ihahatid siya. Bumaba din ako ng Kotse.

"Samahan na kita." saad ko.

"naku! Wag na. Nakakahiya na sa'yo. Tsaka,Mag-eenroll lang naman ako." saad niya. Nagpumilit pa 'ko pero ayaw niya talaga. kaya naman Hinintay ko nalang siya. =)

 Ang tagal niya naman.Hmp! Makalipas ang Dalawang oras, nakita ko na siyang Papalabas kaya naman lumabas ako ng Kotse. Tatawagin ko na sana siya ng Makita kong may Lumapit sa Kanya. Medyo malayo pa sila kaya hindi ko marinig Pinag-uusapan nila. Pero nagtatawanan sila. Miles and Enrique. Ano ginagawa niyo dito?

 No choice ako kundi bumalik sa Kotse. Nakita ko na pinagbuksan pa siya ng Pinto ni Enrique. Tsk! Napahampas ako sa Manibela. Badtrip!

 Nang makaalis ang sinasakyan nila ay agad akong sumunod. Papunta 'to sa Bahay nila Enrique. Ano gagawin nila dun?

 Tama nga! Dahil hininto ni Enrique ang sasakyan sa Harap ng Bahay nila! Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago mapagpasyahang Pumasok sa Loob.

---

 ENRIQUE-

Nag-aya kanina si Miles na sunduin si Myka. Alam niya kasi na ngayon mag-eEnroll si Myka. Saktong Pagdating namin ay Palabas na siya kaya Agad namin siyang Nilapitan.

"Myka!" tawag sa kanya ni Miles. Lumapit pa kami "nakapag-Enroll kana?" tanong ni Miles

"Hmm,Oo. Hehe,Ano pala ginagawa niyo dito?" tanong niya. Tumingin siya sa'kin kaya agad akong nag-iwas ng Tingin

"Punta tayo sa Bahay! Pleeese?" nag puppy-eyes pa si Miles kaya natawa si Myka. Nakakadala ang Tawa niya kaya pati kami ay Natawa.

"Haha! Sige." saad niya. Palihim akong napangiti. Makakasama ko siya. =) Naglakad kami Papunta sa Kotse ko at Pinagbuksan ko siya ng Pinto.

"Salamat,Sir." saad niya.

 Habang nagdi-Drive. Nakikinig lang ako sa Usapan nila.

"Sino pala naghatid sa'yo? I mean. Nag Commute ka?" tanong ni Miles

"Hindi. Hinatid ako ni Terrence." Muntik ko ng Mapreno ang sasakyan. What The?! Kumikilos na pala si Terrence!

"Talaga!? Yiiieh.. Ikaw ha, Kayo na ba?" mapang-asar na tanong ni Miles

"naku! Hindi! Magkaibigan lang kami!" saad naman ni Myka. Napatingin ako sa Side Mirror. Agad kumunot ang Noo ko. Kotse ni Terrence yun ah. Sinusundan niya ba kami? Tsk.

 Agad akong Nagpark sa Tapat ng Bahay. Muli kong pnagbuksan ng pinto si Myka. Nakita ko naman na Nagpark sa Di kalayuan si Terrence. Napailing nalang ako.

"Upo ka muna." saad ko kay Myka. Nakikita ko ang Pagka-ilang niya sa'kin. Hindi na ko magtataka. Sinusungitan ko naman kasi siya. Nagpahanda ako ng Meryenda.

"Dun nalang din kaya ako mag-aral? Para araw-araw na tayo magkasama!" saad ni Miles

"Hindi ka Bagay dun. Hehe, Ibig ko sabihin. Hindi ka sanay sa ganung Paaralan. Tsaka panigurado, Hindi papayag ang Mommy mo." sagot ni Myka. Totoo, siguradong hindi papayag si Mommy. Yung Bunso niya,Mag-aaral sa Public School? paniguradong hindi talaga Papayag yun. Napa-pout naman si Miles

"Kainis! Ayoko kasi sa Pinapasukan ni Kuya! Ang aarte ng Babae!" iritang saad ni Miles. Napangiti nalang kami. Muling nagtama ang Paningin namin ni Myka. At sa Unang Pagkakataon,Nginitian ko siya. Dumating ang Meryenda. Kumain muna kami, Maya-maya pa, Dumating si Terrence.

"Kuya Rence!" bati ni Miles, Nginitian lang siya ni Terrence. Nakaramdam ako ng inis. Sa tinagal ng Panahon,ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa Kanya. Hindi ko maintidihan kung bakit, Ayaw niyang layuan si Myka,Gayong Alam niya naman na gusto ko si Myka. Dati naman. Kapag sinabi kong Gusto ko yung isang Babae,Nilalayuan niya. pero bakit ngayon. Nakikipag kompitensiya na siya?

 Tinabihan niya si Myka saka ginulo ang Buhok nito.

"Nandito ka pala." saad niya. Ngumiti lang si Myka. Psh, alam niya naman na nandito!

"Kuya Terrence, Hinatid mo pala siya kanina? Yiiieh.. Ikaw ha! Baka nililigawan mo na si Myka!" saad ni Miles. Tumawa si Terrence at Sumulyap sa'kin bago tumingin kay Myka

"Kung Pwede ba eh." nakangiting saad niya. Sinusubukan talaga ako nito! Nakita ko ang Pamumula sa Mukha ni Myka

"Ayiiiieh!! Myka,Pwede daw ba Manligaw?" -Miles. uminom ng Juice si Myka bago sumagot

"T-t-tulad nga ng s-sinabi ko noon. Hindi ako bagay sa Mayaman. Ang Katulad kong Mahirap, ay Para lang din sa mahirap." sagot niya. Nagkatinginan kami ni Terrence. Mayaman si Terrence,Mayaman din ako. So,kahit pala ako ang Manligaw. Wala din pag-asa?!! D-mn!

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon