16

730 21 1
                                    

-

 Nakayuko ako habang naglalakad palabas ng Campus. Nang makalabas ako ay palinga-linga pa ako. Napahinga ako ng malalim ng makitang wala yung Sasakyan kahapon, Buti naman. Ang bilin ni nanay at tatay. Wag na ako makikipag-usap o sasama sa hindi ko naman kilala.

 Papara na sana ako ng Tricycle ng mahagip ng mata ko si Miles habang kumakaway. Patakbo siyang lumapit sakin

"Myka!" saad niya tapos niyakap ako. Napangiti naman ako.

"Miles.Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ang huling kita namin nung Kasal pa.

"Sinusundo ka." nakangiting saad niya.

"Ha?" may tinuro naman siya sa likod kaya napatingin ako. nandun si Quen. Humarap ulit ako kay Miles

"Bakit? Nakakahiya naman" saad ko.. Hindi niya na ako sinagot dahil hinatak niya na 'ko patungo kay Quen. Pinagbuksan niya pa ako ng Pinto. Nang makaupo sila ay pinaandar na ni Quen yung sasakyan. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas. Tahimik lang din naman sila. Hanggang sa makarating kami sa Bahay nila. Muli akong pinagbuksan ni Miles ng pinto at hinatak na naman ako papasok sa loob. Pinaupo niya muna ako at saka siya dumiretso pataas. Sakto naman pumasok si Quen at nagulat pa ako ng tabihan niya ako.

"Myka." tawag niya sa'kin. Napatingin ako sa kanya. Nagulat pa ako ng kinurot niya ang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya.. Yung halos malapit ng magkadikit ang mukha namin at saktong bumukas ang pinto sa Frontdoor at nalaglag pa ang dala niya. Napatayo ako.

"Maam." nakayukong saad ko. Natatakot ako sa itsura ng Mommy nila. Lumapit siya sa'kin at humarang naman sa Harap ko si Quen

"Mom!" sigaw niya. Nakita ko ang gait sa mukha ng mommy nila. Kahit wala naman akong ginagawa ay pakiramdam ko, nagi-guilty ako. Tinuro ako ng Mommy niya

"You!!" sigaw niya. Napalunok ako. Sa likod niya ay kasunod niya si Julia. Nanliliit ako sa sarili ko, pakiramdam ko ay napakababa kong tao. Sa sobrang baba ay kayang-kaya nila akong tapakan "Let's Talk Enrique!!" sigaw ulit ng mommy niya. Naglakad na yung mommy niya pataas pero si Quen ay nanatiling nasa harap ko. Huminto ang Mommy niya "NOW!!!" Malakas na sigaw niya. Muli akong napaatras. Humarap sa'kin si Quen.

"Im Sorry" napayuko ako. Sumunod na siya sa Mommy niya kaya kami ni Julia ang naiwan dito.

*PAAAAAAAAAAAK!*

Isang malakas na sampal. Napahawak ako sa pisngi ko at hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak. Nanatili akong nakayuko.

"Kapal ng mukha mong landiin ang Boyfriend ko!!" sigaw niya. Hindi ako lalaban. Hindi ako magsasalita. Wala naman akong ginagawa eh. wala. "Ano?! Nilalandi mo siya dahil Mayaman siya?!! Para kapag Naging kayo, makukuha mo ang kayamanan niya?!!! Manggagamit!! Hindi ka nababagay dito!! Umalis kana!!!" malakas na sigaw niya. Hindi ako nakagalaw. Hanggang sa naramdaman ko nalang na kinakaladkad niya ako palabas at Malakas na tinulak ako sa labas ng Gate. "Yan! Diyan ka nababagay! Squater Girl!!"

Marahan akong tumayo habang patuloy sa pag-agos ang Luha ko. Bakit ba kasi ako sumama dito? Tama naman sila eh, hindi ako bagay dito. Hindi ako bagay kahit na kanino..

 Dapat nga siguro na lumayo ako sa kanila. Dapat siguro na layuan ko na sila.

 Dapat pala nakinig ako kay Nanay nung una palang, dapat pala iniwasan ko na sila. ANg tanga ko talaga!

 Ang hirap talaga maging Mahirap.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon