5

1.1K 38 0
                                    

--

ENRIQUE-

"Talaga? Tapos?" tanong ni Miles kay Myka. Nandito kami ngayon sa Bahay nila, bahay nga ba ito? Napakaliit! Pero Mainis naman. Nakaupo lang ako sa Tabi ni Miles at nakikinig sa Pag-uusap nila.

"Ayun nga,nung Nakita ako nung Aso. Nagulat nalang ako ng Sinakmal niya yung Pusang Pitaka ko. Haha! Akala ko talaga katapusan ko na nun." tumatawang saad ni Myka. Nakatitig lang ako sa Kanya. Ang ganda niya talaga. Kahit saang Anggulo mo tignan,Napaka-Ganda. At ano nga ba pinga-uusapan nila? Kanina pa kami dito pero ni-isa wala akong maintindihan sa Pinag-uusapan nila.

"HAHAHA! edi takot ka sa Aso?" natatawa ulit na tanong ni Miles

"Oo! Kaya kapag nakakakita ako ng Aso,Feeling ko. Mahihimatay ako eh! Haha!" sagot naman ni Myka. Tinignan ko yung Relos ko. 7pm na. Kanina pa pala kami dito.

"Hahaha! Sayang! Ipapakilala ko pa naman sayo si Pinky." saad ni Miles, Si Pinky,yung Aso niyang Girly. -___-

"Ay,Nagugutom na po ba kayo? Alas Siyete na pala." saad ni Myka. Tumayo siya at Pumunta sa Kusina nila. Sinusundan ko lang siya ng Tingin. Maya-maya,Bumalik siya. "Hmm,hehe." parang nahihiya siya na ewan. Siguro ay walang Pagkain. Tumayo na 'ko

"Uuwi na kami." saad ko. Napayuko naman si Myka.

"S-sige po.Pasensiya na po,Sir." saad niya. inangat ko naman ang Kamay ko at pinatong sa Ulo niya tapos ay Bahagya itong ginulo. Napatingin siya sa'kin dahil sa Ginawa ko. Tinanggal ko na ang kamay ko sa Ulo niya tapos lumabas na. Narinig ko pa na nagpaalam si Miles.

"Ayiieh. Crush mo si Myka,ano?" pang-aasar ni Miles ng Makasakay siya sa Kotse.

"Tss." saad ko at pinaandar na ang Kotse. Daldal ng Daldal si Miles. Kapatid ko ba talaga 'to? Napaka Daldal! Agad akong dumiretso sa Kwarto ko ng Makauwi kami. Pabagsak akong humiga sa kama. Pumikit ako sa Nakita ko na naman ang Mukha niyang Masaya. Ang halakhak niyang Parang musika sa Pandinig ko. At ang Kilos niyang Nagpapagaan ng Loob ko.. Bumuntong hininga ako,

 'Inlove nga ata ako! At Hindi 'to pwede! Kapag nalaman 'to ni Mommy. Siguradong ipapatapon niya ako sa Paris! Kilala ko ang ugali ni Mommy. Ayaw niya sa Mga katulad ni Myka. Ang gusto niya ay yung Ka-level namin. Gusto niya yung Parang si Julia'

Napadilat ako ng Maalala ko si Julia. Tsk,That Brat! Mabuti nalang at Nag bakasyon sila sa Ibang Bansa. Kaya ligtas ako sa Pangungulit niya! Nirereto ko nga kay Terrence yun eh. Aba ang Loko! Tinanggihan! akala ko Papatusin niya dahil may Pagka Playboy siya. Pero,Hindi! AYaw niya pa daw Matali. -_- Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan siya.

[Yes?] sagot niya. May naririnig pa akong Babae sa Backround. Panigurado,Nasa Bar na naman 'to kasama ng Barkada niya.

"Terrence!" sigaw ko

[Oh?!]

"Pwede ba Humingi ng Favor?" saad ko. Matagal bago siya sumagot. Maya-maya,Wala na ko narinig na Ingay. Lumabas siguro

[Ano yun,Quen?] tanong niya. Quen, yan ang Palayaw ko. huminga ako ng Malalim

"Pwede bang, Pakibantayan si Myka para sa'kin?" saad ko, Narinig ko ang Pagbuntong hininga niya

[Bakit ako?] tanong niya. Umupo ako sa Kama

"Bestfriend kita, at may tiwala ako sa'yo" sagot ko

[Eh bakit,Hindi nalang kaya Ikaw?] tanong niya. Muli akong bumuntong hininga

"Kilala mo naman si Mommy. Baka kapag nalaman niya, Gumawa siya ng Paraan para lalong maghirap ang Pamilya ni Myka. At ayoko mangyari yun." sagot ko. Totoo, Ganun si Mommy. Narinig ko muli ang Pagbuntong hininga niya

[Ok] saad niya. Napangiti ako, magsasalita na sana ako ng Muli siyang Magsalita na ikinakunot ng Noo ko [Pero hindi ako nangangako sa'yo na Hindi ko siya magugustuhan, Maganda siya at Mabait. Hindi mo 'ko masisisi lalo na ngayon na Mapapalapit ako sa Kanya. Kilala mo din ako,Quen. Ang tulad ni Myka na simple. Ganun ang Mga babaeng Tipo ko.]

 Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Pero Bestfriend ko siya at may tiwala ako sa kanya. Sigurado ako na Hindi niya Magugustuhan ang Babaeng Gusto ko na. Ganun siya at ganun ako. Walang talo-talo.

"Oo,Kilala kita Rence. At sa tinagal nating Mag bestfriend. Never pa nangyari na nagustuhan mo Ang Gusto ko. Bestfriend kita at may tiwala ako sa'yo." saad ko atsaka ko ibinaba ang Tawag. Muli akong napahiga. Alam ko,Hindi nagugustuhan ni Terrence ang Gusto ko dati dahil nga gusto ko na. At alam ko na nagpapaubaya lang siya dahil Bestfriend niya 'ko. pero ngayon? Parang hindi ko na siya mapipigilang. Lalo na't hindi mahirap gustuhin si Myka.

 Napahawak ako sa ulo ko. Bakit ba si Terrence pa? Hays..

---

 TERRENCE-

Nakatitig pa din ako sa Cellphone ko. Tsk,Gusto niya talaga si Myka. At bakit ako pa ang pinakiusapan niya? Kung kaylan naman Na-Love at first sight ako sa Babaeng gusto niya!

 Nagulo ko ang Buhok ko. Bahala na!

Kinabukasan, Tanghali na 'ko nagising.Nag-ayos na 'ko ng Sarili tapos umalis. Saan ako pupunta? Kay Myka!

Ipinark ko ang sasakyan ko sa Tabi. Natatanaw ko na siya. Nakaupo. At anong tinitinda niya? Halo-halo? Tsk. Bumaba ako sa kotse at Lumapit sa kanya. Napatayo siya sa gulat.

"Sir Terrence." usal na saad niya. Tinignan ko lang siya tapos tumingin ako sa Tindan niya.

"Gusto ko niyan." saad ko.

"S-s-sige po." saad niya tapos inumpisahang Maglagay ng Kung ano-ano sa Plastik na Baso. Nanginginig pa ang Kamay niya. Nakakatakot ba ang itsura ko? Tsk,. Inabot niya sa'kin ito atsaka ko hinalo. Anong klaseng Halo-halo ba ito?

"Ano 'to?Kamote? Bakit ganito kaliit?" saad ko habang pinapakita ang Kamote na nasa kutsara. Tahimik lang siya. "At ito? Saging? Ano ba naman 'yan! Napakaliit." muling saad ko Hinalo ko muli ang Halo-halo. "At isa pa ito, Sago ba ito? Bakit ganito?" muling pagrereklamo ko. Isusubo ko na sana ng Bigla niyang Agawin ang Kutsara at halo-halo "Hoy! Bakit mo inagaw?!" tanong ko. Tinignan niya ko ng Masama kaya medyo napaatras ako

"Kung pumunta ka dito para laiitin ang Tinda ko,Umalis kana! Napaka-Arte mo! Kung ayaw mo sa Halo-halo ko, Dun ka sa mga sosyaleng Bilihan pumunta at wag dito!" saad niya. Napangiti ako. Kumunot ang Noo niya

"Mas maganda ka pala kapag nagagalit." nakangiting saad ko. Nakita ko ang Pamumula ng Pisngi niya atsaka umiwas ng Tingin. Muli akong lumapit ang Kinuha ang Halo-halo sa Lamesa "Hindi ka na mabiro. Pikon." saad k oat inumpisahang lantakan ang Halo-halo. Masarap ha? Nang maubos ko ay umupo ako sa Tabi niya. Nagulat naman siya kaya medyo umusog siya.

"Ano po ba ang kaylangan mo,Sir?" tanong niya.

"Terrence. Tawagin mo ako sa Pangalan ko." saad ko.

"Terrence. Ano ba ginagawa mo dito?" deretsong tanong niya. Muli akong napangiti. Bakit kapag siya ang nag banggit ng Pangalan ko,Ang sarap pakinggan?

"Wala akong magawa eh. Patambay dito ha?" nakangiting saad ko. Umiwas naman siya ng Tingin.

 Muli akong napangiti. Ang Ganda niya.. Mukhang Hindi ko na kayang Magpaubaya ngayon ah. Tsk.

--------------

 A/N: Yehey! 2months na ko sa Wattpad! =) Ang saya po diba? Hehe. Maraming salamat po sa Walang sawang Nagbabasa ng Istoryang ginagawa ko! Loveyou guys! <3

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon