10

927 21 0
                                    

---

 MiLES-

Nakayuko lang akong naglalakad. Kinakabahan ako! 4th year Hig School na 'ko. Dati kasi, sa All girl's Academy ako. Nagpalipat ako dito sa University kung saan Nag-aaral si Kuya, at Kuya Terrence.

Pagdating sa Dulo,May Dalawang Daan, sa Kaliwa at sa Kanan. Sa kaliwa ang Highschool, sa Kanan ang College. Muli akong Huminga ng Malalim at naglakad pa-Kaliwa.

 Natatanaw ko na ang mga Highschool student. Kinakabahan ako! Dapat pala nagpahatid na 'ko kay Kuya ><

"Siya yun,diba?"

"Oo,yung kapatid ni Enrique."

"Nakita niyo ba kanina?Ang sweet sa kanya ni Terrence"

"Oo nga,Baka naman GF niya yan?"

"No way! Like..duh!"

 ilan lang yan sa mga Naririnig ko. At ano daw? GF ako ni kuya Rence? Parang gusto ko matawa! -__-

"Ouch!" sigaw ko ng Mapaupo ako. Nagkalat ang Dala kong Libro. Tsk! Umayos ako ng Upo ang kinuha ang mga libro.

"Miss. Sorry, Nagmaamdali lang, sorry talaga." saad ng Boses ng Lalaki. Nakatungo pa din ako habang pinupulot ang Libro. Nakita ko naman ang Kamay niya na Pinupulot ang isa kong Libro. Tumayo na ko at humarap sa kanya

"Ok lang po---" natigilan ako. Anghel ba 'to? Bakit ang Gwapo?!! inabot niya sa'kin ang Libro ko atsak ngumit

"Pasensiya na talaga ha?" tapos naglahad siya ng kamay "Jv" bahagya kong pinunasan ang kamay ko.

"Miles." nakangiting saad ko. Inabot niya sa'kin ang Libro saka ngumiti

"Pasensiya na talaga ha? Nagmamadali lang talaga ako."

"Ok lang." saad ko. Muli siyang ngumiti at napahawak sa Batok niya

"S-sige ha?Pasensiya na ulit" sabi niya atsaka tumakbo paalis. Sinundan ko siya ng Tingin. Napakagat ako sa Labi ko. 'Ang gwapo niya'

Muli akong naglakad habang nakangiti. Nang sa wakas ay Mahanap ko na ang Room ko,agad akong pumasok at Umupo. Lahat ng Mata ay sa'kin nakatingin kaya yumuko nalang ako.

"Pst!" napatingin ako sa Gilid ko. "Halika" tawag niya habang winawagayway ang kamay. Kumunot ang noo ko. Tumingin pa ako sa kaliwa't kanan at likod. Tumingin ulit ako sa kanya at saka tinuro ang sarili ko

"Ako?" tanong ko. Tumango-tango naman siya. Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Hinila niya ako paupo na ikinabigla ko.

"MyGhad! Nakabangga mo si JV? Yiiieh!" saad niya habang pinapaypayan ang sarili. Ngumiti nalang ako. Bigla niyang inalog ang kamay ko. "Di mo ba alam? Campus Heartrob dito yun! Buong Highschool Girls ata,May gusto sa kanya! Kyaaahh!"

"t-talaga?" awkward na saad ko.. Tumili lang siya ng Tumili. Swerte ko daw dahil nagkadikit kami ng Balat ni JV, swerte ko daw kasi nakausap ko,swerte ko daw kasi ganito,ganyan.. Seriously? Pumunta ako dito para mag-aral -___-

"Ay teka, Diba kapatid mo si Enrique? Yung Gwapo din dun sa College Department?" tanong niya.

"Oo." maikling sagot ko. Tumili na naman siya

"Ang swerte mo talaga! Napapalibutan ka ng mga gwapo! Nandiyang pa si Terrence! Yiiieh!" tili niya, napailing nalang ako. "May girlfriend naba kuya mo? Pakilala mo naman ako." saad niya. Napangiti ako, wala siyang Girlfriend, Pero may isang Babae na gusto ko para kay Kuya. Kung lalaki lang ako malamang nagustuhan ko na din siya..

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon