13

798 25 2
                                    

--

 ENRIQUE-

"WHAT THE F-CK MAN! BESTFRIEND KITA!!!" sigaw ko kay Terrence.. Pinipigilan ko ang sarili ko na masaktan ko siya.. Napahawak ako sa noo ko habang pabalik-balik ang lakad dito sa Kwarto niya.

"Sinabi ko na sayo. Yung tulad ni Myka ang mga Gusto ko. Ano bang problema mo?!"

"D-AMN!! ALAM MONG GUSTO KO SIYA!! NUNG UNA PA LANG SINABI K ONA SAYO NA GUSTO KO SIYA!!! ANG SINABI KO TULUNGAN MO SIYA! HINDI KO SINABI NA PORMAHAN MO! SH-T!" sa inis ko,nasuntok ko yung Wall! 

"Sinabi ko na din sayo nung una palang na hindi malabong magustuhan ko si Myka!!!!" napasabunot ako sa buhok ko. D-mn! D-mn! Napaupo ako sa Kama niya habang nakahawak sa Ulo ko.. "Ako ang laging nagpapaubaya noon,Quen. Pagbigyan mo na ako. Kilala mo ako. ito ang unang beses na makaramdam ako ng Ganito..InLove ako sa kanya.."

Oo.tama siya. Siya ang laging nag-papaubaya pagdating sa babae. Kapag alam niyang gusto ko. Dumidistansiya siya..Pero hindi naman ibig sabihin nun na kaylangan ko na din dumistansiya. Tumayo na ko at akmang lalabas na. Huminto ako sa Tapat ng pintuan at bumuntong hininga.

"Ewan ko,Rence. Hindi ko na alam. Gusto ko si Myka. Gustong gusto ko siya." saad ko saka lumabas. Agad akong dumiretso sa kanila. Sabado ngayon at malamang nandun lang siya sa kanila..

 Huminto ako sa di kalayuan sa bahay nila. nakita ko siya sa labas ng bahay nila habang nakaupo at nagbabasa ng Libro. Napasanda ako sa Upuan ng Kotse ko.

 D-mn! Ano ba itong nangyayari sa'kin?! Gustong gusto ko siya! Pero alam kong hindi pwede! Ano ba dapat kong gawin?! Dapat ba na ako naman ang Magpaubaya sa Bestfriend ko? Muli kong nagulo ang buhok ko. Kinuha ko ang Cellphone ko at Nagtext. Muli akong tumingin sa kanya. Nakita kong hawak niya na ang Cellphone na binigay ni Terrence sa kanya!

From: Myka :)

 -Nag Re-review po ako,Sir. Ikaw po?

Napapikit ako., Bakit ba ang Bait mo? Bakit ba ang ganda mo?!

+Quen. Call me Quen.

agad kong sinend ang reply ko. Nakita ko ang Pagngiti niya. Naramdaman ko na naman ang kalabog ng Puso ko..

From: Myka :)

-Quen? Sige po. Quen. Hehe

Napakagat ako sa Labi ko.. SHIT!!! gusto kong itigil na itong nararamdaman ko. Pero sa bawat ngiti niya,sa bawat galaw niya. Mas lalo lang lumalala ang nararamdaman ko.

 Tinabi ko ang cellphone ko atsaka pinaharurot ang sasakyan.

Sa dinami-rami ng makakaribal ko,Bakit Bestfriend ko pa? At sa dinami-rami ng magugustuhan ko. Bakit si Myka pa?! Bakit sa kanya pa?! Alam ko naman na kahit anong pilit ko, kahit magpaubaya man si Terrence. Hindi pa din kami pwede! Hindi pwede dahil sa Matapobre kong Mommy!

Minsan,hinihiling ko na sana. Naging katulad nalang namin siya. Para mas madali siyang maipag laban. Para pwede kami.

 Nahampas ko ang manibela ko. Ano ba dapat kong gawin?! paano ko mapipigilan 'tong nararamdaman ko?! Hindi ko na alam! Hindi ko alam!!!!

--------------

 A.N: Hello po? Favor..Pabasa naman po nung ginawa kong Short Story. "Kiss The Rain" po ang Title. Click niyo lang po yung External Link sa Gilid po. Salamat po! :)

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon