25

781 22 3
                                    

--

 MYKA-

  "Eh ano nga ang balak mo?" tanong ni Miles. Yup! Nandito ako sa bahay nila Miles. Kaharap ko ngayon si Miles,Quen at Julia. Medyo ayos na din kami ni Julia, nag sorry na din siya sa'kin tungkol sa pagtataray niya sa'kin noon. Napakamot ako sa ulo ko saka ko sinabi sa kanila ang balak ko..

"What the?!!! ang Corny!" saad ni Julia.. Napapout nalang ako

"Yun lang kasi ang naiisip kong paraan" sagot ko.. Napatawa naman si Miles at Quen

"Hahaha! Grabe! Naisip mo pa yun?" saad ni Miles

"Haha! Ayos! Ano kaya magiging itsura ni Bestfriend kapag ginawa mo yun?" saad naman ni Quen. nanlaki naman ang mata ko

"PAYAG NA KAYO?" pasigaw na tanong ko

"Sumigaw ka pa! Bago magbago isip namin!" pagtataray na naman ni Julia.

"Sorry" saad ko..

"Pero, Seriously? Gagawin mo talaga? At idadamay mo pa kami?" saad niya..

"Kayo lang naman kasi ang kilala ko na makakatulong sa'kin. Tsaka diba gusto niyo na din siya makita? Kaya pumayag na kayo" saad ko...

"Pasalamat ka namimiss na namin si Rence!" sabi ni Julia. kaya naman nagpasalamat ako.. Yes! Aba! Dapat magawa ko yun, tiniis ko ang dalawang linggo na hindi siya makita para lang dito! kaya naman kinagabihan, agad kaming bumyahe patungo sa bahay nila Terrence.

 Nang nasa tapat na kami huminga ako ng malalim

"Eto na yun? Dito na ba sila nakatira?" tanong ni Quen

"Oo." maikling sagot ko. Kinakabahan ako! First time ko gagawin 'to! Nilabas na namin yung maliit na Dvd saka ko sinaksak yung Microphone. Pinindot naman ni Quen yung Play saka ako huminga ulit ng Malalim..

 

[Play niyo po sa gilid yung kanta ni Kath]

 

"Bakit kaya, 'pag nakikita ka Araw ko'y gumaganda at laging masaya Ganyan ang damdamin ko nadarama mula noon Hindi nagbabago hanggang ngayon ..."

 Yes, hinaharana ko siya! at backup singer ko si Miles at Julia kaya sapilitan pa para mapapayag ko lang sila. Biglang bumukas ang Pinto at gulat ang Ekspresyon nila,lalo na ni Terrence

"Bakit kaya, 'pag nakausap ka 'di nakakasawa and iyong pagsalita Tulad ng isang awiting kay gandang pakinggan Mula sa simula hanggang wakas .."

 

"What the?!!" narinig ko pang sigaw ni Terrence habang nanlalaki ang Mata. Nginitian ko naman siya saka ko siya kinindatan

"Sadyang ganyan ang damdamin ko sa 'yo Mahirap maintindihan, subalit totoo Kahit kailan, sa buhay kong ito Hindi ka lilimutin  Mula noon, hanggang ngayon .."

 

 nag s-sway pa ako habang kumakanta. Deretso lang ang tingin ko sa kanya..

"Bakit kaya, 'pag nakausap ka 'di nakakasawa and iyong pagsalita Tulad ng isang awiting kay gandang pakinggan Mula sa simula hanggang wakas .."

Ang ganda ng Lyrics.. Eto talaga nararamdaman ko sa kanya. Kapag kasama ko siya..

"Bakit kaya, puso'y nagtatanong Mahirap maintindihan, subalit totoo Ewan ko ba, sa damdamin kong ito Hindi pa rin nagbabago Mula noon, hanggang ngayon..."

 Muli ko siyang nginitian..

"Hindi pa rin nagbabago, Mula noon,Hanggang ngayon..."

 

 Parang deretso ko na ding sinabi sa kanya yung huling Lyrics.. Ng matapos ako kumanta. Nakarinig ako ng Palakpakan kaya napatingin ako sa Likod.

Hala?!! bakit ang daming Tao? Agad akong nakaramdam ng hiya kaya ako napayuko..

"Ngayon kapa nahiya" narinig kong sabi ni Terrence.

"Pasok muna kayo" buti pa ang Mama niya pinapapasok kami.. Hmp!

 Pinaupo naman kami ng Papa niya saka nag handa ng Juice ang Mama niya,

"Kamusta po kayo,Tita,Tito?" pangangamusta ni Quen

"Ayos naman, Kayo ba? Para saan ba yung pagkanta niyo kanina?" balik tanong ng Mama ni Terrence. Napatingin naman sa'kin sila Quen,Miles at Julia. Ako naman napatingin sa Parents ni Terrence na umiinom ng Juice at kay Terrence na deretsong nakatingin sa'kin

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa...Pwede ko po ba Ligawan ang Anak niyong si Terrence?" deretsong tanong ko at awtomatikong naibuga nila ang Juice na iniinom nila. Nagpipigil naman ng Tawa si Julia,Quen at Miles kaya napanguso nalang ako

"A-ano kamo? Ikaw ang manliligaw kay Terrence?" tanong ng Papa niya. Napayuko ako

"Opo, kung maaari po sana" sagot ko.. Natawa naman sila.

"Sigurado ka ba Hija? Ang alam ko kasi, lalaki ang nanliligaw" muling saad ng Papa ni Terrence. Napatingin naman ako kay Terrence ng Deretso

"Mahal ko po kasi Si Terrence. Pero mukhang hindi niya naman ako Gusto, Kaya gagawin ko po lahat para Magustuhan niya ulit ako. Liligawan ko po siya" sagot ko. Ayan! May paninindigan! Batang may Laban! Nginitian ko ang seryosong si Terrence.. kala mo ha? Tama na yung dalawang lingo ng pagpapahinga.. "Payag po ba kayo?" muling tanong ko. Napatingin naman sila kay Terrence

"Kung ako ang tatanungin, Hindi ako papayag dahil babae ka. pero na kay Terrence pa din naman ang Desisyon" sagot ng Papa niya. Nakatingin na kaming lahat kay Terrence at inaantay ang sagot niya. Tumayo na siya saka siya nagpamulsa.

"Ok.Manliligaw lang pala eh. Walang problema" sagot niya saka siya naglakad pataas sa Hagdan. Literal naman na napanganga ako.. Ibig sabihin?

"Kyaaaaaaaahh! Payag na siyaaaa!" hindi ko na napigilan ang Pag sigaw.. Haha! Yes! Liligawan ko na siya! Desperada man pakinggan. Ayos lang, ganito talaga kapag nagmamahal. =))

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon