15

868 22 0
                                    

--

 Kanina pa ako nakaupo dito sa loob ng Kotse niya. Di ako makatingin sa kanya. Naaalala ko yung Kanina! Nakakahiya talaga!

"ahh.." napatingin ako sa kanya ng basagin niya ang katahimikan. Muling nagtama ang paningin namin at agad din naman akong umiwas

"N-n-nandito na p-pala tayo." saad ko ng makitang nasa tapat na kami ng Bahay namin. Binuksan ko na yung pinto ng kotse. Hawak ko padin yung Bouquet. nangmakababa ako ay bumaba din siya. Kakamot-kamot pa siya sa batok niya ng Humarap siya sa'kin

"Yung ano...Y-yung kanina ano..Kasi ano.." muli siyang umiwas ng tingin

"Naku! Ha-Ha! w-wala yun! he-he." saad ko. Nakita ko naman ang pag ngiti niya. Lumapit pa siya sa'kin ng konti at ginulo ang buhok ko.

"Ganda mo talaga." saad niya. Napaiwas na naman ako ng Tingin

"Myka? Myka anak,ikaw naba yan?" narinig kong tawag ni Inay saka siya lumabas. Agad naman akong nagmano sa kanya. "Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi kayo pumasok sa loob?" tanong ni inay. Napatingin ako kay Terrence.

"Naku! Hindi na po. Uuwi na din po ako. Hinatid ko lang naman po si Myka." saad niya. Humarap siya sa'kin ng nakangiti "Mauna na ko ha?" tapos kinurot niya ang pisngi ko

"Ingat ka." mahinang saad ko.

"Mag-ingat ka Hijo." saad naman ni Inay. ng makaalis si Terrence ay pumasok na kami sa loob. Sakto namang Dumating si Itay kaya agad akong nagmano sa kanya.

---

 Lakad-takbo na ang ginagawa ko papasok sa Gate ng Unibersidad na pinapasukan ko. Salamat naman at ng makarating ako sa Unang klase ay wala pa ang prof.

"Myka. Sino yung ano..yung sumundo sa'yo nung nakaraan? Yung Gwapo?" tanong ng katabi ko

"Oo nga. Ipakilala mo naman sa'min" sabat naman nung isa

"Grabe! Ang gwapo niya talaga! Hmp! Yummy!"

"Tama! Myka, boyfriend mo ba yun?"

 Inayos ko yung gamit ko bago ko sila tignan

"Hindi ah. Hmm" napaisip ako. Kaibigan? siguro.."Magkaibigan lang kami"

"Owwwws! Hindi ako naniniwala! Yung mga ganung tingin niya sayo?! May pagtingin yun sayo!" sabat nung isa.

"Wala ah. Ganun lang talaga siya." sagot ko. Natigil naman sila sa pagtatanong ng Dumating ang Prof.

 Lumipas ang buong araw at uwian na. Agad kong inayos ang gamit ko saka ako naglakad palabas. Nang makalabas ako ng Gate ay may Humarang na Magarang kotse sa harap ko. May tatlong lalaki ang lumabas. Naka Formal sila na parang Aattend ng kasal na ewan. Sabay-sabay naman silang yumuko sa harap ko

"Magandang Hapon,Binibini." saad nila.

"Po?" nagtatakang saad ko. Binuksan naman nung isa yung pinto ng Kotse. Mula doon ay kita ko ang isang Matandang lalaki na nakaupo at nakatingin sa'kin.

"Gusto po kayo makausap ni Don.Simon" saad nung isa. Tatanggi pa sana ako pero marahan na nila akong itinulak papasok. Agad naman nilang pinaandar ang sasakyan. Napatingin ako sa matandang Seryoso ang mukha. Bigla naman siyang Tumingin sa'kin kaya medyo napaatras ako.

 Huminto ang sasakyan sa isang Restaurant. Inaalayan naman ako ng mga Lalaki kanina papasok.  Nang makaupo ay agad umorder yung matanda. Nakayuko lang ako hanggang sa dumating yung order.

"Kumain ka" agad kumalabog ang Puso ko. Nakakatakot ang boses nya

"P-po?" utal na saad ko. Hindi ko siya kilala! Bakit ba gusto niya ako makausap? Siya ba ang Daddy ni Terrence at nalaman niya na nakikipag kaibigan ang tulad kong mahirap sa anak niyang Mayaman?

"Kumain ka muna." pag-uulit niya. Napalunok ako at nanginginig ang kamay ko na dinampot ang Kutsara't tinidor.

 Kahit nanginginig ay nagawa ko naman kumain ng matiwasay. Nang matapos ay muli akong napayuko.

"Ikaw si Myka Cruz?" tanong niya.

"Opo.." tinitigan niya naman ako saka siya bumuntong hininga

"Ang magulang mo ba ay sina Romeo at Juliet Cruz?" muling tanong niya. Tumango naman ako

"O-opo." ano ba talaga kaylangan niya sa'kin. pinagkikiskis ko lang ang palad ko sa ilalim ng mesa.

"Kilala mo ba ako?" tanong niyang muli. Napatingin ako sa kanya. Deretso sa mata niya.. Parang..Parang nakita ko na siya dati. Yung mata niya.. Katulad ng mata ni Tatay.. Umiling ako

"Hindi po." sagot ko. Muli siyang bumuntong hininga.

"Makikilala mo din ako." pagkasabi niya nun ay tumayo na siya. "Ihatid niyo na muna siya" sabi niya sa mga Bodyguard niya yata. Agad naman silang sinunod ng mga ito.

 Nanginginig pa ang kamay ko ng Maihatid nila ako sa bahay. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng Bahay. Nadatnan ko si Nanay at Tatay sa Hapag. Agad akong nagmano sa kanila.

"Maupo kana Anak. Kakain na tayo" saad ni Tatay. Umupo naman agad ako.

"may problema ba,Anak?" tanong ni Nanay. Tumingin ako sa kanila. Sabihin ko kaya sa kanila?

"Nay.Tay" panimula ko. Tumingin naman sila sa'kin "May kilala po ba kayong...Simon?" saktong pagbanggit ko ng Pangalan nung Matanda ay sabay nilang nabitawan ang hawak nilang kutsara at nagkatinginan sila. "May hindi po ba kayo sinasabi sa'kin--"

"W-wala! wala anak. Sino ba yung Simon? Saan mo nakilala?" pagputol ni Nanay sa sinasabi ko.

"Ah, kanina po kasi. Pumunta siya sa University. Tapos inaya po ako kumain. Tinanong niya lang po kung ako daw po ba si Myka, tinanong niya din po kung Si Romeo at Juliet daw po ba ang magulang ko." sagot ko. Sabay pa silang nagbuntong hininga.

"Anak..sa susunod,kapag hindi mi kilala. Wag ka agad sasama ha?" saad ni Tatay. Napayuko naman ako

"Pasensiya na po." paghingi ko ng paumanhin.

 Nahiga ako sa Papag at na naguguluhan pa din.. Sino siya? Bakit Nung natignan ko siya sa mata, parang nakikita ko sa kanya si Tatay? Bakit kilala niya ako? Bakit kilala niya sila Inay at Itay? Kamag-anak ba namin siya? Pero imposible. Mukhang Napaka Yaman niya eh.

*BZZT..BZZZT*

Agad kong kinuha ang Cellphone. Napangiti ako ng makita kung sino ang Nagtext

:Terrence

-Goodnight Beautiful =)

Napahawak ako sa Chest ko.. Ano ba ito? Bakit ganito? Gusto ko na ba talaga siya? Pero hindi pwede! Mayaman siya...At Mahirap lang ako.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon