2

1.3K 34 1
                                    

----

 TERRENCE FAJARDO-

"Saan ba tayo Pupunta? Gabing-gabi na!" saad ko, Nakaupo ako ngayon sa Passenger seat ng sasakyan ng Bestfriend ko. Nakatutok lang siya sa Pag di-Drive. maya-maya pa,Huminto kami sa Isang Lubak na Daan. Dikit-dikit ang Bahay.  "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko,

"Si Miles kasi,May Kinakaibigan siya na Anak ng Labandera namin." saad niya,Napakunot ang Noo ko.

"Anong Masama dun? Mabuti nga at sa katulad ng Anak ng Labandere nakikipag kaibigan si Miles, Kesa naman sa Mga Babaeng mayaman at brat." saad ko. Ano ba Problema nito? Ayaw niya na nakikipag kaibigan ang Kapatid niya sa Mga Maarteng babae, Tapos ngayon ayaw niya makipagkaibigan ang Kapatid niya sa Isang Anak ng Labandera? Anong gusto niya? Forever Alone ang Kapatid niya? Tsk. Huminga siya ng Malalim.

"Natatakot lang ako." saad niya, Kumunot ang Noo ko

"Natatakot,Saan?" tanong ko.

"Baka kasi Makipag kaibigan lang ang Anak ng Labandera na yan sa Kapatid ko dahil Mayaman kami. Dahil sa Pera. Concern lang ako Kay Miles." saad niya, Napakamot ako sa ulo ko

"Yang Isip mo Napaka dumi!" saad ko, "Sa tingin mo, Kaiibiganin ni Miles yung Babae kung Masama pala ang Intensiyon nito? Saka, sino ba ang Unang nakipag kaibigan?" tanong ko,Tumingin sa'kin si Enrique

"Si Miles." saad niya

"Oh! Yun naman Pala eh! Ano pa pinuputok ng Butsi mo diyan? Halika na at iuwi mo na 'ko! Inistorbo mo pa pagtulog ko." iritang saad ko.. Hindi niya ko Pinansin at Nakatingin lang siya sa Kung saan. Sinundan ko ng Tingin ang Tinitignan niya. "Siya ba yung sinasabi mo?" tanong ko kay Enrique habang nakatingin sa Isang babae.

"Oo." maikling saad niya. Nakatingin lang kami sa Babae, Maya-maya pa,May lumabas na Medyo may edad ng Lalaki at Babae, ito siguro ang Magulang ng Babae.. Niyakap nung may edad na babae ang Anak niya, Nakisama na din sa Yakap ang Papa niya. Nakaramdam ako ng inggit.

 'Bakit kahit mayaman ako, Hindi ko makuha ang Gusto ko? Ni minsan hindi ako nayakap ng Ganyan ni Mommy at Daddy..' Napabuntong hininga ako..

 Biglang Ibinaba ni Enrique ang Bintana sa side niya.

"Miss.." tawag niya sa Babaeng Dumaan. Natulala pa yung Babae. "Tanong ko lang, Bakit Walang ilaw ang Bahay na yun?" tanong niya sabay turo sa Bahay ng Babaeng anak ng Labandera

"Ah, Yung bahay po ba nila Myka?" balik tanong niya, Tumango si Enrique.. So, Myka pala Pangalan niya. "Naku, Ang alam ko po ay Naputulan sila kanina ng Kuryente dahil tatlong Buwan ng Hindi nakakabayad, Nakakaawa nga po eh. Pero kahit ganun, Masaya pa din po sila. Napakabait po ng Pamilyang Yun, Lalong lalo na si Myka.Maraming Humahanga sa Kabaitan niya. NapakaGanda--"

 pinutol na ni Enrique ang sasabihin ng Babae. Ang dami kasing Sinabi. isa lang naman ang Tanong.

"Ah, Salamat Miss." saad ni Enrique atsaka isinarado ang Bintana. Napasandal siya

"Oh ano? Ok na? Alam mo ng Mabait yung Myka. Wala ka ng Dapat Ipag-alala. Kaya, Halika na at Umuwi na tayo." saad ko. Ang Totoo niyan, Ayoko ng Magtagal pa dito dahil nakararamdam ako ng inggit. Huminga ng Malalim si Enrique at saka Pinaandar ang Kotse..

 Hinatid niya ko sa Bahay. Ang akal ko, Uuwi na siya pero HINDI! mag-i-stay pa daw ang Loko -__- Dumeretso ako sa Kwarto k oat sumunod naman siya. Humiga ako sa Kama ko,siya naman, Pabgsak na umupo sa Couch dito sa kwarto ko.

"Bakit Hindi ka pa umuwi?" Tanong ko sa kanya ng Makahiga ako.

"Ayoko muna. Dito muna ako." sagot niya.

"Matutulog na ako ha? Pumunta ka nalang sa Guest Room kung gusto mo matulog." saad ko at nagtakip ng Unan sa Mukha.

 ilang minuto na ang Nakalipas pero Kahit anong Gawin ko, Hindi ko na makuha pa ang tulog ko! ><

 Umupo ako sa Kama, Nakita ko si Enrique na nakasandal padin sa Couch.

"Hoy!" tawag ko sa kanya

"Hmm? Akala ko ba matutulog ka na?" saad niya. Napakamot ako sa ulo ko.

"Hindi ako makatulog. Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

"May iniisip lang ako."

"Ano?" tanong ko. Umayos siya ng Upo at tumingin sa'kin

"Kung,tulungan ko kaya ang Pamilya ni Myka? I mean, kita mo naman, Talagang nakakaawa--" hindi ko na siya pinatapos

"Sus! kunwari ka pang galit ka sa kanya tapos tutulungan mo din pala! Baka naman Gusto mo yung Myka?" nakangising tanong ko. Umiwas siya ng Tingin

"H-hindi ah! Anong Gusto? Kahapon ko lang yun nakilala!"

"Eh bakit namumula yang Pisngi mo?" mapang-asar na saad ko. Napahawak naman siya sa Pisngi niya. Natawa ako sa Ginawa niya "Wala pa lang Gusto ha? HAHAHA!"

"Loko!" saad niya at Ibinato sa'kin ang ThrowPillow.

"Maganda ba yung Myka? Ligawan ko kaya. Tutal, wala naman ako pakealam kung anong estado niya sa Buhay ehh.." nakangiting saad ko. Nanlaki naman ang Mata niya

"Subukan mo lang!" sigaw niya.Lalo akong natawa

"HAHAHA! kala ko ba wala kang Gusto? Bakit kung maka-React ka naman Diyan..." tinaas-taas ko pa kilay ko habang nakangiti.

"Tutulungan ko lang!" sigaw niya "Tsaka, Wag mo nga siya ibilang sa mga Babae mo!" dagdag niya.

"Haha! Wag ka mag-alala Bro. Seseryosohin ko naman eh." Muli niya akong binato ng Unan.

"Gago! Diyan ka na nga!" saad niya tapos tumayo na..

"Uuwi ka na?" tanong ko

"Oo! Gulo mo kausap eh." sagot niya.

"HAHA! ingat!" saad ko, "Teka, Kelan ba ulit maglalabada yung Myka? Para alam ko kung kaylan ako pupunta sa inyo. HAHA!" saad ko, Tinignan niya ko ng Masama atsaka lumabas na. Napailing ako.. Haaaayyss.

 Saktong paghiga ko ng Tumunog ang Cellphone ko

:Mommy...calling

Agad kong sinagot ito.

"Mom?" saad ko.

[Hey,Baby. Sorry ha? medyo busy kasi kami ng Daddy. Next Month na kami makakabalik diyan.]

 Napabuntong hininga ako.

[Baby?]

"Yeah..Naiintindihan ko." sagot ko.

[Baby..nagtatampo ka na ba kay Mommy? Pagpasensyahan mo na talaga kami ng daddy--]

"Mom? Matutulog na po ako.. Good night." saad ko at Ibinaba ang Tawag, bumuntong hininga ako...

'Palagi nalang....'

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon