31

670 18 0
                                    

A/N: Hello! ^___^ Sino gusto mag pa-Dedicate? Comment lang po. Thanks!

_____________

  [ Grow old with you }

MYKA'S POV-

 "Magandang Umaga po." pagbati ko sa Parents ni Terrence. Sabado ngayon at nandito ako sa kanila. Wala lang, wala kasi magawa sa Bahay kaya dito muna ako tatambay.

"Ikaw pala,Hija. Halika pasok ka" pumasok naman ako bago isara ulit ang pinto. Nilibot ko ang paningin ko, Wala ata si Terrence "Maupo ka muna. Tulog pa si Terrence eh. Gisingin ko muna--"

"Naku! wag na po!" saad ko. Nginitian naman ako ng Mama ni Terrence saka niya kinuha yung Bag niya.

"Oh siya sige. Ikaw na muna bahala sa kanya. Mauna na muna kami ng Asawa ko" saad niya saka sila lumabas. Umupo muna ako saglit. Pinag-iisipan ko kung gigisingin ko ba oh hindi?

 Tumayo na ako saka dumeretso sa kusina nila. ipagluluto ko nalang ng Breakfast =))

Egg at Hotdog ang nandito kaya prinito ko na. Nag sangag na din ako ng Kanin. nang Ok na ay saka ako naglakad patungo sa kwarto niya.

 Dahan-dahan kong binuksan yung Pinto saka ko siya sinilip. -___- Tulog na tulog ang Biieboo ko. Pumasok na ako saka ako lumapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

"Biie..." inalog-alog ko siya.. Tinapik ko din yung pisngi niya "Huy! Tanghali na po. May work ka diba?" saad ko..

"Hmm" aish! Tumayo ako sa kama saka ako nagtatatalon.

"Gising na Biieboo!" saad ko habang tumatalon.. Napaupo naman siya sa kama habang kinakamot ang ulo

"Mommy naman eh! Mamayang tanghali pa po pasok ko sa work." pagmamaktol niya. At ano daw? MOMMY?!! gusto ko matawa sa itsura ni Terrence. Haha! Gulo-gulo ang buhok, nakapikit habang nakakunot ang noo. Umupo ako sa harap niya saka ko sinundot ang pisngi niya.

"Biieboo" tawag k osa kanya.. Nakapikit pa din siya.. Lumapit na ako saka ko dinampi ang labi ko sa labi niya.. Unti-unti siyang dumilat saka ako humiwalay. Nginitian ko siya. "Good Morning" masayang bati ko.

"Myka?!!!!" gulat na saad niya.. Nginitian ko lang siya.. Bumaba na ako sa kama saka ko siya hinihila patayo

"Nagluto ako ng Almusal mo, lika na" saad ko..Pero imbis na tumayo ay hinila niya ako pahiga kaya pumaibabaw ako sa kanya. Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.

"5minutes" saad niya saka ulit pumikit.

Hinampas ko ng mahina yung Dibdib niya.

"Terrence! lalamig yung pagkain mo dun eh" saad ko. Hinigpitan niya lang yung yakap niya sa bewang ko saka niya siniksik yung mukha niya sa leeg ko.

"Kiss muna" saad niya.. Aba't!

"Nakiss na kita kanina." saad ko. Dumilat na siya saka tumingin sa'kin.

"Edi ako naman ang mag kikiss sayo"

"Ano--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako.. Napapikit nalang ako. Naramdaman kong hinahaplos niya ang likod ko at sa isang iglap lang. Siya na ang nasa ibabaw ko. Sumabay ako sa bawat halik niya habang yakap ko siya sa Bewang niya. Maya-maya, bigla siyang tumigil. Napadilat ako at nakita kong nakatingin lang siya sa'kin. Bigla niya akong hinalikan sa noo saka siya bumangon at hinila ako patayo.

 Naglakad na kami pababa sa hagdan ng Magkahawak kamay saka kami dumeretso sa Kusina. Umupo na siya. Kinuha ko siya ng Plato tsaka kutsara't tinidor at nilagay ko sa harap niya. Nilagyan ko na din ng Sinangag yung Plato niya.

"Ikaw nagluto?" tanong niya. Ngumiti ako saka ako umupo sa harap niya

"Yup!" sagot ko, Inumpisahan niyang kumain ng dere-deretso. Hanggang sa Maubos niya yung niluto ko! OO! ubos!

"Sarap!" saad niya matapos niyang dumighay. Natawa nalang ako. Niligpit ko na yung Pinagkainan niya saka ko dinala sa Sink at inumpisahan kong hugasan., Maya-maya, naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Naka backhug siya sa'kin. Hinawakan niya din yung pinggan na hinuhugasan ko saka siya kumanta...

"So let me do the dishes in our kitchen sink~..." hinarap niya ako sa kanya saka niya ako pinaupo sa upuan. Hinalikan niya ako sa noo saka niya tinuloy yung Pag huhugas. napapangiti nalang ako.. Nang matapos siya, lumapit siya sa'kin saka niya finorm ang labi ko na parang nakangiti. "i wanna make you smile whenever you're sad..~' nakangiting kanta niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay saka niya ako tinayo at pumulupot sa bewang ko. Sinasayaw niya ko! Natatawa nalang talaga ako... "i could be the man who grows old with you....I wanna grow old with you~.." Tumigil siya sa pag sway  "Mahal na Mahal kita Myka" bulong niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.. Ang sarap talaga sa pakiramdam na alam mong  Mahal ka ng taong Mahal mo. Nagmamahalan kayo at walang sinoman ang Humahadlang at nagbabawal sa inyo..

"Mas mahal kita Biieboo" sagot ko saka ko mas hinigpitan ang yakap sa kanya...

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon