24

772 18 0
                                    

A/N: Hello! Pa-support naman po ng Bago kong Story. Ginagawa ko palang po siya. Click niyo po External Link sa gilid. =) Salamat! "A Rape Victim Love Story" po ang Title.

 BTW, malapit na po matapos ito..Hanggang 30 lang siguro. SALAMAT sa pagsuporta! Sana may Mag comment naman. Hehe.---

_____________

 TERRENCE-

 Kanina pa ako hindi mapakali dito. Sa tuwing may papasok na Customer, agad akong napapatingin. Aish! Bakit ba ako nagkakaganito?!

"Terrence" agad akong napalingon sa likod ko

"Myka--" natigilan naman ako ng makitang hindi si Myka ang tumawag sa'kin. Napakamot nalang ako sa batok ko

"Myka? Sino yun?" tanong ni Liza. Katrabaho ko siya dito sa Restaurant. Tinuloy ko nalang ang pag-aayos ko sa gamit ko para makauwi na saka ko siya hinarap

"Ha? Wala yun." sagot ko. Sinukbit ko na yung Bag ko sa balikat ko. "Bakit nga pala?" tanong ko. Ngumiti naman siya saka niya pumulupot sa Braso ko

"DayOff natin bukas..Hmm. Date tayo?" nakangiting saad niya, Napailing nalang ako. Hindi ganyan si Myka. -___-

 Ano ba yan! Myka na naman! Kainis! Tinaboy ko na nga siya diba? Kaya siguro halos dalawang lingo na siyang hindi nangungulit at nagpapakita sa'kin dahil sa pantataboy ko. napasobra ba yung ginawa ko? Sa tingin niyo, Galit siya sa'kin? Baka tuluyan na nga siyang lumayo sa'kin. Baka kalimutan niya na talaga ako. Baka...Baka...Aish!

"Uy! Terrence! Date tayo bukas ha?Ha?" pangungulit ni Liza.

"Wala akong Pang Date." sagot ko. Napapout naman siya

"Libre ko.. Dali naaaa" pangungulit niya pa.

"No way! Hindi ako nagpapabayad lang noh. I mean, Hindi ko hinahayaan ang isang babae na magbayad sa isang Date" saad ko.. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Next time nalang" saad ko saka ko siya iniwan dun.

 Habang naglalakad, palingon-lingon lang ako..Baka kasi biglang sumulpot si Myka, Kaylangan mapaghandaan.. Pero, halos malapit na ako sa bahay. Hindi pa din siya nagpapakita! Kainis talaga! Sumuko na ba agad siya?!!!!

 Pag dating ko sa bahay, agad akong dumeretso sa Kwarto ko. Wala pa si Mommy at Daddy. Nasa Trabaho siguro?

 Nakahiga lang ako habang iniisip si Myka.. Sa totoo lang, naninibago ako sa mga ikinikilos niya. Para bang desidido siya na makuha ako. nagiging makulit na din siya, Minsan nga napapangiti nalang ako kapag naiisip ko ang mga pinag gagagawa niya. Tulad ngayon, Bigla nalang ako napangiti ng maalala ko nung Kumain siya sa Restaurant.. Tsk!

 Pero nasaan na siya ngayon?!!! Baka tuluyan na siyang lumayo sa'kin!

 Napabangon ako saka ko ginulo ang buhok ko.. 'Aish!! Kainis! Tanga mo kasi Terrence! Pakipot ka pa!'

-

 Kinabukasan, nagising ak osa Sinag ng Araw na Tumatama sa mata ko. Agad akong bumangon saka ako bumaba. Naabutan ko si Daddy na nagbabasa ng Diyaryo. At si Mommy na naghahain ng Almusal

"Morning Ma...Pa.." saad ko saka ko sila hinalikan sa Pisngi. Dumeretso naman agad ako sa Hapag.

"Terrence,Anak. Nakahanap na kami ng Trabaho ng Daddy mo. Gusto mo ba na bumalik sa pag-aaral? Sayang naman kasi Anak" sabi ni Mommy habang nilalapag ang Fried rice sa Mesa.

"Hindi na Ma.. Sayang yung trabaho ko. Sayang din yung sweldo ko dun, makakatulong din yun dito pang gastos" sagot ko. Napabuntong hininga nalang si Mommy..

 Matapos ko mag-almusal, napagpasyahan kong Lumabas muna at maglakad-lakad.

 Mag dadalawang buwan na din pala kami dito, medyo nasasanay na din ako. Minsan may nakakalaro din ako ng Basketball. Maliit nga lang yung Court nila, nasa Kalsada ang pwesto at isa lang ung Ring. Pero ayos na din para may mapag libangan minsan.

-

 Kinagabihan, nanonood lang si Mommy at Daddy ng Balita tungkol sa Bagyong Parating. Magkakatabi lang kaming nakaupo dito sa Sofa. Ako naman, kinakalikot ko lang yung Cellphone kong Puro picture ni Myka. Bigla nalang ako napapangiti.. Namimiss ko na siya, babalik pa kaya yun? Bakit kasi tinaboy ko pa? Tsk!

 Maya-maya, Parang may narinig kaming Tunog sa Labas. Napatingin ako sa Oras. 8pm na. Sino pa magpapatugtog ng ganitong Oras?

 Sabay-sabay kaming napatayo nila Mommy at Daddy. Ako na yung nagbukas ng Pinto habang nasa likod ko sila. At saktong pagbukas ko ng Pinto, agad nanlaki ang Mata ko!!!

 

O_________________O???

Kung pwede lang malaglag ang Panga ko baka kanina pa nalaglag!

 

"What the?!!?" yan nalang ang nasabi ko...

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon