7

991 27 0
                                    

--------

 MYKA-

Nakaupo lang ako habang naghihintay ng Bibili. Kanina pa 'ko lingon ng lingon. 'Akala ko ba,babalik siya?'

 Bakit ba hinihintay ko siya? Hayss.

Tanghali na at paubos na din ang Halo-halo na tinitinda ko. Wala pa din siya.

Ano ba itong nangyayari sa'kin?

"Myka." maya-maya'y tawag sa'kin ni Tinay. Nginitian ko siya

"Bakit?" tanong ko. Nakangiti naman siya na parang ewan.

"may naghahanap sa'yo." nakangiting saad niya,kumunot ang Noo ko.

"Ha?Sino?" tanong ko. Tumingin siya sa Likuran niya kaya Tinignan ko din. At laking gulat ko ng Makita ko si Terrance na may hawak ng Bulaklak. Nakangiti siyang Lumalapit sa'kin. 'Ang gwapo niya'

"T-terrence." usal ko ng Makalapit siya. Nakangiti niyang inabot sa'kin ang Bulaklak. Inamoy ko naman ito. "Salamat. Pero,Para saan 'to?" tanong ko.

"Hmm,Wala lang.Hehe. Sorry ha? Ngayon lang ako nakapunta.may inasikaso pa kasi ako." saad niya.

"Naku,Ok lang.Hehe." sa totoo lang,nahihiya ako sa kanya. -__-

"Halika." saad niya at hinawakan ang Kamay ko.

"T-teka,Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Mall? Libre kita." sagot niya. Tatanggi pa sana ako pero agad niya akong naisakay sa sasakyan niya.

"Yung Paninda ko." saad ko

"Wag ka mag-alala,nakiusap na ako dun sa kaibigan mo na bantayan muna saglit." saad niya tapos kinindatan ako. Napayuko ako. At napansin ko na Parang ewan yung suot ko!

"Baka pagtawanan ka lang ng mga tao dun. Tignan mo nga ako. Para akong basura." saad ko.

"Bakit? Tao ka din naman ah. Atsaka,anong mukhang Basura? Kahit anong suot mo, Nangingibabaw pa din ang Kagandahan mo." seryosong saad niya. Napahawak ako sa Pisngi ko. Ano ba pinagsasabi nitong si Terrence?

 Nang makarating kami sa Mall, Hawak niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang Tindahan ng mga magagandang Damit. Binitawan niya ang kamay ko at Saka pumili ng Magagandang damit. Maya-maya,inabot niya ito sa'kin. Nagtataka naman akong inabot ito

"isukat mo." saad niya, inalalayan naman ako ng Saleslady. Maganda 'tong napili niya. Dress siya na Color Pink. Ang ganda.

---

 TERRENCE-

Nakaupo lang ako at Tumitingin sa Magazine habang Hinihintay si Myka. Sigurado ako bagay sa kanya ang Dress na yun. at hindi nga ako nagkamali

"Terrence." mahinang tawag ni Myka, inangat ko ang Paningin ko. D-mn! One Word, Gorgeous! Napakamot siya sa Batok niya "Pangit ba? Sabi ko na eh, Hindi babagay sa'kin ang ganitong damit" nakayukong saad niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya

"Ano ba yang sinasabi mo? Bagay na Bagay sa'yo. Ang Ganda mo." deretsong saad ko. Nakita ko naman ang Pamumula ng Pisngi niya. Binayaran ko yung Dress at sunod naman namin pinuntahan ay bilihan ng Sandals. Pumipili lang ako ng Babagay sa kanya. Hmm, tingin ko hindi siya magiging Komportable kung High-Heels. Kaya naman yung Flat nalang ang Napili ko. Bagay naman sa Dress na suot niya. Lalo akong napangiti. "Ang Ganda mo talaga." bulong ko. Tumingin siya sa'kin

"Ano po yun?" tanong niya, nginitian ko siya

"Wala.. Tara." saad ko at muli ko siyang hinila. Next, salon! Agad akong sinalubong ng Baklang Palaging nag gugupit sa Buhok ko. "Yung Babagay sa kanya." saad ko. Umupo muna ako habang hinihintay na Matapos ang Pag gugupit sa Buhok ni Myka..ilang sandali pa. May Napaka Gandang Babae na ang nakatayo sa Harap ko.. Tinignan ko siya mula ulo hanggang Paa. WOW. Napatayo ako.

 "Ganda mo!" saad ko saka kinurot ang Pisngi niya. Nang matapos kami,Niyaya ko siyang kumain. Pinagmamasdan ko lang siyang Kumain. Bawat galaw niya,NapakaGanda. Wala ka talagang maipipintas sa Kanya.

"Ahm,Salamat ulit ha?" nahihiyang saad niya ng Maihatid ko siya sa Bahay nila. Ngumiti ako saka muling kinurot ang Pisngi niya

"Wala yun,Basta ikaw. Friends nga diba?" saad ko. Ngumiti siya sa'kin na lalong ikinaGanda niya. Nang makapasok na siya sa Loob. Agad akong umalis. Kaylangan ko makausap si Enrique.

 Bestfriend ko siya,Oo. Pero..Hays! inlove ako sa babaeng gusto niya. -__- Kapag nagpaubaya ulit ako,baka hindi ko na mahanap ang kaligayahan ko.Naiiba si Myka sa lahat ng babaeng nakilala ko, Napakabait niya. NapakaGanda pa.

"Ano?! Nasisiraan ka na ba?!" gigil na saad ni Enrique ng makarating ako sa Kanila. Huminga ako ng malalim.

"sinabi ko na sa'yo. Hindi malabong magustuhan ko si Myka. Maganda siya,Mabait pa." saad ko, Nagulo naman niya ang Buhok niya

"Shit! Terrence! Gusto ko siya!" sigaw niya. Anong magagawa ko? Gusto ko din ang babaeng gusto niya.Tumayo na 'ko at ambang aalis na

"Saka na tayo mag-usap." saad ko. Tumalikod na ko pero bago ako umalis,muli akong nagsalita. "Gusto mo siya,Gusto ko din siya. Siya na ang bahalang Mamili sa'tin dalawa. Pero sana, Walang magbago sa Pagkakaibigan natin.Quen." saad ko. Buo na ang desiyon ko, Alam kong Nabibilisan kayo.Pero anong magagawa ko? Tinuro ako ng Puso ko sa Babaeng tulad niya. Hindi naman masamang Mainlove diba? Ang pagkakamali ko lang, Nainlove ako sa Babaeng Gusto ng Bestfriend ko.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon