14

895 27 2
                                    

---

 MYKA-

Maaga akong ginising ni Nanay ngyaon sabado. Agad akong lumabas sa kwarto ko habang kinukusot ang Mata.

"Nay--" agad akong natigilan ng Makita ko si Miles at Sir.Enrique na nakaupo sa Kawayang upuan namin. inayos ko ang gulo-gulo kong buhok. Tumayo naman si Miles ng nakangiti

"Good Morning!" masayang bati niya. Ngumiti nalang din ako. Dahan-dahan akong llumapit sa kanila. Ang mga Mata ni Sir.Enrique ay nakatuon sa'kin.

"S-s-Sir---"

"Quen..I Told you,Call me,QUEN." diretsong saad niya. Napalunok ako.

"Q-quen.." sambit ko. Nakita ko ang unti-unti niyang Pag ngiti sabay iwas ng tingin. "Anong..hmm,Bakit ang aga niyo?" tanong ko kay Miles.

"Pinag-Paalam ka nila sa'kin,Anak. Isasama ka daw nila sa Kasal ng Kaibigan nila." si Nanay na ang sumagot. Napatingin ako sa kanya

"Po?" nagtatakang tanong ko.

"Sige na't maligo kana. Kanina pa sila dito."

"P-pero" aangal pa sana ako kaso pinagtulakan na ako ni inay patungo sa Banyo. Napabuntong hininga nalang ako.

 nang Matapos ako Maligo at mag-ayos. Agad akong lumabas. Tinignan naman ako ni Miles mula ulo hanggang Paa tapos tumingin siya kay Quen

"I Told you,Kuya. Kaylangan niya ng Make-over" saad niya kay Quen na deretsong nakatingin sa'kin. Napatingin naman ako sa Kabuuan ko. Naka-Palda ako na hanggang Tuhod at puting T-shirt.

"Ah, Aling Juliet,mauna na po kami. ihahatid nalang po namin si Myka mamaya." pagpapaalam ni Quen, tumango naman si Nanay at tumingin sa'kin

"Mag-ingat kayo ha?" saad niya. Nilapitan ko naman siya atsaka hinalikan sa Pisngi. nagpaalam na din ako at agad sumakay sa sasakyan ni Quen. Buong Byahe ay dinadaldal lang ako ni Miles. Huminto kami sa isang Botique. Bumaba sila kaya sumunod ako. Napakaganda dito, Kumpleto halos. May Magagandang Dress,Sandals,Purse,at kung ano-ano pa. Napatingin ako sa Isang Magandang Babae. Nakangiti siyang sinalubong si Miles at Quen

"Ate Kim, eto si Myka. Yung sinasabi ko sayo" pagpapakilala ni Miles

"Magandang Umaga po." saad ko, Nginitian niya naman ako. Napakaganda niya. Pumasok kami sa Loob at naupo sa Sofa. Maya-maya pa,may Naglapitan ng Mga Bakla sa'kin at tinayo ako. Tatlo sila. Pinaikot nila ako na parang sinusuri tapos bigla nila akong pinaupo sa Upuan katapat ng Napakalaking Salamin. Sumulyap ako kay Miles na nakangiti lang sakin at kay Quen na nagababasa lang sa Magazine. Sinimulan nilang ayusin ang Buhok kong Napaayos na ni Terrence dati. Kinulot nila Yung Dulo kaya mas gumandang Tignan. Tapos sinimulan nilang Lagyan ng Kung ano-ano ang Mukha ko. Ng Matapos na ay Pinasukat nila ako ng iba't-ibang Dress hanggang sa Kung ano ang Mas bumagay sa'kin. Sa Huli, Napili nila ang Cocktail Dress. Above the Knee na Color Light Blue. Ang Ganda! Simple lang pero mahahalata mo agad na Mamahalin. Sunod ay pinasuot nila ako ng Medyo may Kataasan na Sandals. Nag-alangan pa ako nung una pero kinaya naman. Ng Matapos na ay inalalayan nila ako palabas kung nasaan si Miles at Quen.

"Quen,Miles. Here she is.." nakangiting saad ni Ate Kim.. Unti-unting nag-angat ng Tingin si Miles at Quen. Napakalaki ng Ngiti ni Miles ng tumayo siya at inikot ako

"Ang Ganda mo na Lalo!! Ang galing mo talaga ate! Wow! Kuya! Ang ganda ni Myka noh?" saad ni Miles. Ngumuso naman si Quen at umiwas ng Tingin.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon