38

682 17 0
                                    

A/N: hindi pa po pala ito ang Last. Yung next pa. =))

________________

   [ His Side ]

TERRENCE-

 Halos mag-iisang taon na kami ni Myka. Pinag iisipan ko na nga kung paano ko siya masosorpresa. =) Bumalik na din ako sa pag-aaral. Medyo naging busy lang ako dahil talagang naghahabol ako sa mga Lesson.

 Nakakalungkot lang na madalas kaming nag-aaway ni Myka. Hindi ko naman din sinasadya na masigawan siya minsan.

 At ngayon nga, isang lingo ko na siyang hindi nakikita mula nung nag-away kami sa tapat ng bahay. Nasigawan ko siya at talagang puro mura ang inabot ng sarili ko.

 Totoo naman na May tinatapos kaming Project at Last day na namin ginawa yun nung araw na nag-away kami ni Myka, Bakit ba kasi sa dinami-rami na makakasama po sa project ay si Laila pa. Haist! Hindi ko naman masundo sa School si Myka dahil sira ang sasakyan ko. Gusto ko din muna na Palamigin ang ulo niya kasi alam ko na Galit pa siya sa'kin.

"Terrence" napatingin ako sa pinto. Nandito na naman ito. Hindi ko ba alam sa kanya kung bakit nagpupunta pa din dito kahit tapos na ang project. Ayoko naman na basta nalang siya paalisin. Di naman ako ganun kabastos.

 Napag-kwentuhan namin yung nagyari kaninang umaga na nadulas ako. Kinuha niya kasi yung notebook ko na na binili namin ni Myka. Pareha kaming may ganun kaya importante sa'kin yun. Ayun nga, biglang hinablot ni Laila saka nagtatakbo palabas kaya hinabol ko siya, sakto naman na napadaan ako sa madulas na part kaya nadulas ako. Tinayo niya ako pero kamalas-malasana, nadulas din siya kaya napaibabaw siya sakin at ang masaklap nagdampi ang labi namin kaya agad ko siyang naitulak saka ko pinunasan ang labi ko. baka magalit ang Biieboo ko.

Nakikitawa nalang ako sa kanya, kawalang gana mga pinagsasabi niya, Sana naman maintindihan niya na wala ako sa mood at gusto ko na umalis na siya pero mas nagulat ako ng bigla niya akong sunggaban ng halik. Hindi agad ako nakareak, Humiwalay siya sa halik niya saka niya sinabi na

"Let;s go to your room" sa malanding boses. Naitulak ko siya.

"D-mn you! Umalis kana nga dito! Anong akala mo sa'kin? Papatol sayo?!! Nagiging mabait ako sayo dahil babae ka pero sobra naman ata yung ginagawa mo. Alam mong may Girlfriend ako!" sigaw ko. Badtrip!!

 iniwan ko na siya dun. Pupuntahan ko si Biieboo. Hindi ko na patatagalin ito. Sobrang miss ko na siya..

 Agad akong pumara ng Taxi. Pinupunasan ko pa din yung labi ko. Langya!! Napakalandi talaga ng babae na yun! gusto pa ata na may mangyari sa'min.. Ha!!! Kahit anong mangyari hindi ko siya papatulan dahil lahat ng parte ng katawan ko lalong lalo na ng labi ko ay para kay Myka lang.

"Nasaan po si Myka?" takang tanong ko ng sabihin ng Nanay niya na wala siya dun.

"Hindi ko alam,Hijo." ang sagot niya. Bagsak ang balikat na muli akong umuwi sa bahay. Nasaan kaya siya?

 Tinadtad ko na siya ng Text at tawag pero wala padin

Hanggang sa umabot na ng Dalawang lingo. Pabalik-balik din ako sa kanila pati sa School nila pero wala talaga.

 Isang araw, nagtext siya sakin kaya tuwang tuwa ako. sa wakas..Makikita ko na din ang biieboo ko.

 Kaya naman agad ko siyang niyakap mula sa likuran. Hahalikan ko sana siya pero umiwas siya. Parang may mali?

 Nalaman ko na Nakita niya yung paghalik sakin ni Laila. Shit!! Umiiyak na naman siya. Sinubukan kong magpaliwanag pero ayaw niya makinig. Masyado ko siyang nasaktan pero hindi ko naman inaasahan na hahantong sa hiwalayan..

 Kulang nalang lumuhod ako sa harap niya pero ayaw niya pa din ako pakinggan,

 Wala akong nagawa kaya dumeretso ako sa BAR. Binuhos ko lahat ng hinanakit ko sa pag-inom. Oo nga't nagkulang ako sa kanya, nasaktan ko siya, pero balak ko naman bumawi eh. Sobra lang talaga akong naging busy. Bakit hindi niya naintindihan yun? Bakit nakipag hiwalay agad siya? Hindi niya manlang inisip ang mararamdaman ko., Sobra ko siyang Mahal. Kung kaylan mag iisang taon na kami saka pa mangyayari ito? Ang sakit lang.

 Nilagok ko yung huling shot bago ko napagpasyahang umuwi.

Hindi! hindi ako basta susuko. Mahal ko siya at hindi ako titigil hanggat hindi siya bumabalik sa'kin. Gagawin ko lahat magind maayos lang ulit kami ni Myka.. Ng Biieboo ko.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon