30

772 16 0
                                    

_________FirstMonth_______________

MYKA's POV

 

  Maaga akong gumising ngayon kasi..Espesyal ang araw na ito!

 Napangiti nanaman ako ng maalala ko ang nangyari.. Di naman ako nagsisisi na binigay ko kay Terrence ang sarili ko. Alam ko naman kasi na Mahal niya ako. Tsaka, May tiwala naman ako sa kanya, siguro kulang lang ako sa tiwala nung mga nakaraan. Ganun yata talaga kapag nagmamahal ka, hindi mo maiwasan ang hindi magselos.

 At ngayon nga, gumising ako ng maaga para Mag bake ng Cake! Yes! mag be-Bake ako ng Cake para sa kanya. =)) First Month kasi namin ito as Couple kaya Special ang araw na ito para sa'kin.

"Manang, ok na po ba yung mga ingredients?" tanong ko kay manang habang sinusuot ko yung Apron ko.

"Oo Hija. Pwede na tayo mag-umpisa" sagot niya. Ngumiti naman ako sa kanya saka ko itinali ang buhok ko para hindi sagabal. Nagpapatulong kasi ako kay Manang. =)

"Salamat Manang.." nakangiting saad ko saka ko inumpisahan ang bawat sabihin ni Manang.

 Siyempre, kasama na sa Sangkap ang L-O-V-E. ^___^

 Nang matapos na namin ni Manang, nilagay na namin sa oven. Sabi ni Manang, 30 minutes daw tapos pwede na, saka namin lalagyan ng Design. Kaya naligo muna ako at Nag-ayos, para mabango na ako kapag dumating na si Terrence ko.

 nang matapos ako maligo, agad akong bumaba.

"Sakto ang pagbaba mo. halika, lagyan mo na ng Gusto mong isulat o idesenyo" saad ni Manang..

"Yii! Salamat po talaga manang!" saad ko saka ko inumpisahang lagyan ng Heartshape sa bawat gilid yung Cake. Nilagyan ko din ng Message na 'Happy 1st Month biieboo, I Love You so so Much!' hehe! Biiboo kasi ang naisip ko na itawag sa kanya! ganun din naman siya.

 Nang OK na, pinalamig ko muna siya saka ko nilagay sa Box! Napapalakpak pa ako ng tapos na talaga!

'sana magustuhan niya' ^___^

Napatalon naman ako ng may Marinig akong nag doorbell.. Patalon-talon pa ako habang papunta sa Maindoor. Pagbukas ko, nakangiting Biieboo ang sumalubong sakin! Agad ko siyang niyakap ng mahigpiiiiiiit

"Biiebooooo!" nakakagigil siya! Napahalakhak naman siya ng mahina

"Miss mo agad ako ah?" saad niya ng kumalas ako sa yakap saka niya ako hinalikan sa Noo. Muli ko siyang niyakap

"Mahal na Mahal kita.." bulong ko. Yumakap naman siya pabalik. Nang humiwalay ako ay bumungad sa mukha ko ang Bouquet of Red roses!

"Thanks!" nakangiting saad ko saka ko inamoy yung bulaklak! Ang bango! Hinawakan ko naman siya sa kamay saka ko siya hinila paupo sa Sofa. Nilapag ko muna yung bulaklak sa Center table.

"Nasan mga kasama mo dito?" tanong niya. sumandal naman ako sa balikat niya saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Umalis na. Work." sagot ko.. Simula nung may nangyari sa'min. Naging MAS malapit kami sa isa't-isa. Hindi na nga kami nag-aaway eh. Mas pinaramdam niya din sa'kin kung gaano niya ako kamahal. Naramdaman ko naman yung Labi niya sa ulo ko

"Bango ng BiieBoo ko ah.." saad niya saka inamoy-amoy ang buhok ko. Napangiti nalang ako.

"Siyempre!" saad ko, kinurot naman niya ang ilong ko saka siya tumayo habang hawak ang Kamay ko.

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon