3

1.2K 30 0
                                    

---

 MYKA

"Hay naku Teh! Tapos may kasama pa siyang isang Gwapo din na lalaki! Ahihi! Grabe! Ang ga-gwapo ng Nagtatanong kagabi." Paulit-ulit na kwento ni tinay. Nakatambay siya ngayon sa Harap ng Aming bahay kung saan nakapwesto ang Tinitinda kong Halo-halo. Kinukwento niya na may nagtanong daw sa kanya kagabi kung bakit wala kaming Kuryente?

"Ate Myka! Pabili nga po ng isa." saad ng Kapit bahay naming si isay

"Sige," saad ko at inumpisahang lagyan ang Baso ng mga sangkap. "Hay nako,Tinay. Wag mo na masyadong isipin yung Mga Lalaking nagtanong sayo kagabi," saad ko habang naglalagay ng yelo sa Baso. "Tsaka,Baka napadaan lang yun at napansin na Yung bahay lang namin ang Walang ilaw. Na-Curious siguro." pagtuloy ko.. Nilagyan ko ng Gatas ang Halo-halo atsaka inabot kay isay

"Salamat ate Ganda,Eto po Bayad." saad ni Isay tapos umalis na. Muli akong Umupo sa Harap ni Tinay.

"Pero,Ang Gwapo talaga--" Hindi ko na siya Pinatapos sa Pagsasalita

"Sige na,Gwapo na kung gwapo. Pero tulad nga ng sinabi ko. Wag mo nalang isipin yun dahil baka Napadaan lang." sabi ko. Napa-nguso naman siya.

"Sige na nga." saad niya sabay Tayo. "Maiwan na muna kita diyan. Magsasaing pa ako. Babush!" tapos naglakad na paalis. Napailing nalang ako.

 Lumipas pa ang Oras. Hapon na at Paubos na din ang Tinda ko.

"Ate Myka!" tawag ni totoy. Ang Isa sa mga batang Kapitbahay namin, Nginitian ko siya

"Bakit Toy?" nakangiting tanong ko.. Maya-maya pa, Halata sa mukha niya na nahihiya siya kaya ako na ang Lumapit. Umupo ako sa Harap niya para magpantay kami. Hinawakan ko siya sa ulo. "Ikaw talaga. Gusto mo ba ng Halo-Halo?" tanong ko, Umiling-iling siya. "Eh kung ganun,Bakit mo tinawag si Ate Myka--" hindi ko pa natatapos ang itatanong ko ng Bigla niya nalang Lagyan ng Bulaklak ang Tenga ko. Tapos Tumakbo na siya. Hinawakan ko yung Bulaklak na nakaipit sa Gilid ng Tenga ko saka napangiti.

 Nang maubos ang Paninda..Agad kong inayos ang Mga lalagyan para hugasan. Matapos kong maghugas, Lumabas ako para Bumili.

"Ate..Pabili nga po ng Kalahating Kilong Bigas." saad ko sa Tindera. Inabot ko naman ang Bayad ko pagkaabot niya ng Bigas. Babalik na sana ako sa Bahay ng May Humarang na Magarang Kotse kaya napatingin ako. Bumaba ang Bintana at bumungad sa'kin ang nakangiting si Miles.

"Mykaaaaaa!" sigaw niya ng nakangiti habang kumakaway. Bumaba siya sa Kotse niya at nagulat ako ng Bigla niya akong Yakapin "Namiss kita! Bakit hindi ka pa Bumabalik sa Bahay?" nakangusong tanong niya. Nakita ko sa Likuran niya si Sir.Sungit.

"Ah,eh. Hindi pa naman kasi nagpapatawag sa inyo para maglabada." sagot ko.

"Teka,Saan ba ang inyo dito,Myka?" tanong ni Miles habang nililibot ang Paningin. Hanga ako sa kanya, Hindi ba siya nandidiri sa Lugar na 'to? Tinuro ko naman yung Tapat

"Ayan lang.." nakangiting saad ko, Tinignan niya naman iyon atsaka hinila ako

"Halika.. Gusto ko makapasok sa Bahay niyo." nakangiting saad niya,Napakamot nalang ako sa Ulo ko. Nagtama ang Paningin namin ni Sir.Enrique, Pero bigla siyang Umiwas ng Tingin. "Wow! Ang Cute ng Bahay niyo! Maliit, pero Malinis!" tila namamangha na saad ni Miles habang nililibot ang Paningin sa Aming munting Bahay.

"Upo muna kayo." saad ko at pinaupo sila sa Kawayan naming upuan.

"Mag-isa ka lang dito? Nasan si Aling Juliet?" sa wakas! Nagsalita din si Sir.Sungit.

"Ah,Pumasok ng Labada sa Kabilang Baryo. Pero, Pauwi na din yun" sagot ko. Tumango-tango naman siya atsaka muling nilibot ang Paningin. "Gusto niyo ba ng Maiinom--" hindi ko pa natatapos ang tanong ko, Nagsalita na si Miles.

"Naku! Wag na.Dumaan lang kami dito para sunduin ka." nakangiti niyang saad, Kumunot ang Noo ko.

"Dinaanan? Bakit?" tanong ko,

"Isasama ka namin sa Mall! Yiiiiieh!" Excited na saad ni Miles. Nakaramdam naman ako ng Saya at kaba. SAYA, kasi first time ko makakapunta sa isang Mall! KABA, kasi wala ako susuotin na matinong damit,baka pagtawanan lang ako ng Mga tao dun. "Eto oh." saad ni Miles sabay abot sa'kin ng Paper bag na kanina niya pa bitbit. Kinuha ko ito.

"Para saan--"

"Isuot mo." malamig na saad ni Sir.sungit. Tatanggi pa sana ako pero wala na akong Nagawa.. Nang makapagbihis ako, sakto naman dumating si Inay. Nagpaalam lang ako. Ihahatid din naman daw nila ako Pauwi kaya pumayag na si Nanay.

"Wow! Ganito pala itsura ng Mall!" nakangiting saad ko habang nililibot ang Paningin. Napakaganda! Napakalaki! Kumikinang ito sa Paningin ko! Hinawakan ni Miles ang Kamay ko

"Halika, Maglalaro tayo." saad niya. Hinila niya nalang ako. Tumingin ako kay Sir.Enrique. Nginitian ko siya pero umiwas siya ng Tingin. Humiwalay si Miles, pumunta siya dun sa Di ko alam tawag, basta sasayaw ka. Yun! Ako naman, Nakikishoot ng Bola dito, katabi ko si sir, nang hawakan ko ang Bola. Tumingin siya sa'kin, Nahiya naman ako kaya bibitawan ko na sana, pero nagulat ako ng Pumunta siya sa Likod ko, Hinawakan ang Bola na nasa kamay ko

"Ganito kasi." saad niya. Naestatwa ako, Para siyang Nakayakap sakin! Ganun na nga! Nakayakap nga! Naramdaman ko ang Pag-init ng Mukha ko. Para naman siyang Natauhan at humiwalay sa'kin "S-soryy." saad niya. Umiwas ako ng Tingin.Ano ba 'to? Bumilis bigla tibok ng Puso ko!

-

 "Salamat sa inyo." saad ko ng nandito na kami sa tapat ng Bahay, "Ah, Lalabhan ko nalang 'tong damit tapos isosoli--" hindi ako pinatapos ni Miles

"Naku! Sa'yo na yan,Myka! Binili ko yan para sa'yo!" nakangiting saad niya. Muli akong Nagpasalamat. Nagkatinginan kami ni Sir. at sabay din nag iwas ng Tingin. Hmp! itong Puso ko., Abnormal! Bigla nalang bibilis ang Tibok! Abnormal talaga! -__-

Mahirap At Mayaman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon