ABS-MA 3

12.6K 290 2
                                    

HINDI ko na alam ang sunod na nangyari basta ang naaalala ko lang ay hinila na ako ni Mikael palabas ng bar. Napapikit-pikit ako habang nakahiga sa isang kama sa kwarto, hindi ko alam kung kaninong kwarto pero amoy panlalaki ito at kung titignan ay mas malaki pa 'to sa kwarto ko. Para bang buong laki na 'to ng apartment ko. Napaupo ako sa kama ng bumukas ang pinto at bumungad sakin si Mikael na may dalang tubig at isang tableta ng gamot.

"Here." abot niya sakin, napatingin naman ako sa kanya at nagtataka siyang tinignan.

"Hindi ako nagda-drugs kuya." sabi ko, sinamaan niya ako ng tingin at nilapag sa table sa gilid ng kama ang mga ito.

"This can help you relieve your headache. Matapos kang matulog at magsuka sa kotse ko kagabi." naiiritang sabi niya sakin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatakip sa bibig. Oh my gosh! Nakakahiya! Lumipat ang tingin ko sa bintana at nakitang maliwanag na nga sa labas.

"It's already twelve o'clock in the afternoon." biglang sabi ni Mikael kaya naman mas lalo pa akong napatakip sa bibig at may kasabay pa na pagsinghap.

"Si Chichi!" sigaw ko

Kumunot ang noo niya na para bang tinatanong ako kung sino yung tinutukoy ko.

"Yung anak ko. Di pa siya nakakakain." naiiyak na sabi ko

"Anak? You already have a daughter?" tanong niya

Tumango naman ako at mabilis na ininom ang gamot na inabot niya at tumayo para mag-ayos ng mga gamit ko na nakalagay sa may sofa malapit sa bintana.

"What about the agreement?" biglang sabi nito kaya napahinto ako sa ginagawa. Agreement? Anong agreement? Nagtataka ko siyang tinignan. He smirked and walked over to a study table, picking up a paper on top of it. Nanliit ang mata ko para makita at mabasa kung ano man yun.

"Ms. Mazey Zamora, we reached an agreement last night. You signed this agreement contract before you passed out." he said this without showing any emotion on his face, and then handed me the paper he was holding for me to read.

AGREEMENT CONTRACT LETTER

Today, March 26, 2018

I am Mazey Zamora, agrees to the contract stated of Mr. Mikael Arcillano. The agreement between the first and second parties is about being his sex slave. I will be paid 20,000 a month because I freely met his needs.

(Signature)

Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa. Ano 'to?!

"That is your copy. So keep it." sabi niya at naglakad patungo sa pintuan. Bago pa man siya makalabas ay humarap muli ito sakin. "I'll get your contract to see when we can start." tuluyan na siyang lumabas pagkasabi nun. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napatakip sa bibig. Ano 'to Mazey!







"What?!" gulat na sigaw ni Chescka.

Pagkaalis ko kasi sa condo ni Mikael ay dumiretso ako kay Chescka dahil malapit lang din ang village ng bahay niya doon.

Naiiyak na tumango ako at napatakip sa mukha dahil naaalala ko na naman ang kontrata na yun. Kinuha ko yun sa bag at inabot kay Chescka.

"Ayan oh, may pirma ko pa!" napahagulgul na ako nang iabot ko sa kanya ang papel. Agad niya yung kinuha at binasa. Napatakip siya ng bibig at nanlaki ang matang tinignan ako.

"Omg Mazey! Ano 'tong pinasok mo?" mas lalo pa akong naiyak dahil sa sinabi niya. Wala na. Sira na ang pagkatao ko. Gusto ko lang naman magkatrabaho pero hindi ganito.

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon