ABS-MA 23

10.1K 294 2
                                    

(TW: This chapter is only suitable for mature audiences because it contains explicit language and instances.)







TUMAKBO ako palapit kila Janny at Tali ng makita sila na nag-uusap. Ngayon lang kasi ako nakalabas ng mall dahil andami pang pirma-pirma na ginawa dun sa pagbili nitong cellphone kanina.

"Janny, Tali!"

Lumingon sila sakin at kumaway.

"Ano may nabili ka?" tumango ako at tinaas ang mga nabili. Nanlaki ang mata nila at hinawakan ang isang paper bag.

"Bumili ka iphone? Girl yayamanin!" gulantang na sabi ni Tali habang sinisipat yung paper bag.

"Hindi 'no, libre yan nung kuyang nakabunggo sakin." napakunot ang noo ni Tali.

"Nagpalibre ka sa hindi mo kakilala? Mazey, baka mamaya modus pala yun ha!" sabi ni Janny.

"I'm not that kind of guy." napalingon kami sa nagsalita at bumungad yung mukha ni Ford na nakangiti sa aming tatlo.

"Omg, ang pogi." rinig kong bulong ni Tali.

"Ah sumunod ka pala? Hehe sana sinabi mo para sinabayan na lang kita." nahihiyang napakamot ako sa braso ko.

"I was about to tell you, but you run so fast." natatawang sabi niya. Ba't kasi tumatakbo Mazey?

"Ay sorry, thank you pala ulit dito. Hindi mo naman kailangan ibili ako nito pero mapilit ka kaya sige na nga." tumawa siya at umiling.

"Hatid ko na kayo?"

"Ay shige fo koyah..." napalingon ako kay Tali at ganun din si Janny. Sumbong ko kaya kay Wil 'to.

Sumunod kami kay Ford dahil nasa parking lot daw yung kotse niya, sa loob pa. Pagkarating ay agad din kaming sumakay sa sasakyan niya, yung dalawa nasa backseat ako naman dito sa harap.

"Ah, si Tali at Janny nga pala, Ford. Nakalimutan ko ipakilala sayo." sabi ko bago paandarin ni Ford ang sasakyan, kumaway si Janny at ngiting-ngiti naman si Tali. Isusumbong ko talaga 'to kay Wil.

"Hi..." nakangiting bati ni Ford sa kanila.

Hindi naging tahimik ang biyahe dahil nagdadaldalan yung dalawa sa likod habang ako naman ay chinichismis ang buhay ni Ford.

"Ah so sa ibang bansa ka talaga nakatira?" tanong ko at tumango naman siya.

"My father is an American citizen and we have lived there since we were kids—my mom, me and my twin." nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig.

"Twin? May kakambal ka?"

"Yup."

"Wow, edi mag-kamukhang-mag-kamukha kayo 'no? Gwapo din?" he smiled and shook his head.

"She's a she, my twin sister." mas napaawang pa ang bibig ko. Wow, pwede pala yun, ngayon ko lang nalaman.

"Edi maganda din?"

"Of course, if I'm a beautiful man, then she's a beautiful woman too." medyo humangin.

"Eh bakit kayo napauwi dito sa pilipinas?"

"My parents divorced, and we chose to live with our mother rather than with our father. Actually, my twin sister used to live here in the Philippines when she was in college. She graduated here. Because I was the only one who grew up in the United States, my Tagalog accent is, you know." tumawa siya sa huling sinabi.

"Okay lang naman, cute nga eh."

"Really?"

Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon