NAPASALAMPAK na lang ako sa lamesa matapos na ilang beses tawagan si Chescka, pero wala pa rin siyang respond hanggang ngayon. Ilang linggo na 'kong tawag nang tawag sa kaniya, pinupuntahan ko din sa bahay niya since medyo malapit lang naman yung village ng bahay niya sa condo ni Mikael, wala rin siya sa kanila.
"Nasan ka na ba Chescka?" naiiyak na bulong ko.
Napaangat lang ang ulo ko ng may kumatok sa pintuan at pumasok dun si Tali at Janny.
"Oh? Pasan mo ba problema ng mundo girl? Lugmok na lugmok itsura mo oh," sabi ni Tali tapos naupo sa single chair sa harapan ng desk ko.
Bumuntong hininga ako at tumitig sa bintana.
"Si Chescka kasi di ko pa rin ma-contact hanggang ngayon, nag-aalala na ko."
"Bakit hindi mo tawag yung boylet niya? Oh di kaya yung mommy niya?" suhestiyon ni Janny kaya naman napatingin ako sa kaniya at malungkot na umiling.
"Hindi rin sinasagot ni Keifere yung tawag ko eh..."
"Hala girl, baka nagtanan na sila?" hinampas ni Janny si Tali dahil sa sinabi kaya medyo napangiwi siya.
Imposible naman na makipagtanan si Chescka, kilala ko na yun. Hindi yun basta-basta mawawala ng hindi nagpapaalam sakin, kung wala siyang problema.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone at wallet.
"Maiwan ko muna kayo may pupuntahan lang ako, kayo na bahala magsara ng pinto ha." hindi ko na inantay pa ang sasabihin nila at nagmamadaling naglakad paalis, lakad takbo akong pumasok sa elevator at pinindot ang button papunta sa floor ng opisina ni Mikael. Maybe I can ask him for help.
Hindi ko pinansin si Nikolo na napatingin sakin dahil sa biglang pagdating ko. Tumayo siya at humarang sa pintuan ng akmang papasok ako.
"Nikolo tabi, kailangan kong kausapin si Mikael."
"Is it important?" wala sa mood na tanong niya. Umirap ako at humalukipkip.
"Obviously, yes. Kaya wag kang humarang diyan." pasensya na Nikolo kailangan ko muna magsungit ngayon dahil hindi na ako mapakali sa biglang pagkawala ni Chescka.
"Ask him later."
"Urgent 'to, tabi!"
"He's talking to someone right now, a private person. So go back to your office now and I'll just tell him that you need to---"
Hindi ko na pinatapos si Nikolo at malakas siyang tinulak tapos dire-diretso akong pumasok sa loob ng malaking pinto. Sorry talaga Nikolo, kailangan ko makausap si Mikael.
Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo tsaka humarap sa pwesto ng table ni Mikael. Napatigil ako sa paghinga ng makita ang isang magandang babae na nakaupo sa upuan sa harapan ng table ni Mikael, mestisa at mahaba ang blonde nitong buhok. Napaawang ang labi ko habang marahang naglalakad palapit sa kanila.
"Oh my gosh..." bulong ko
The girl gave me a puzzled look. Mikael was staring at me, expressionless. He's got that solemn expression on his face again. I haven't seen that in a month.
"Uhm, excuse me, who are you?" oh sheesh, ang manika ng boses niya, my ghad!
"Omg, Freya Collins! I'm a huge fan of yours!" pigil tili akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kamay, hindi niya alam kung ngingiti ba siya or what, but she awkwardly smiled at me.
"Thank you..."
"Pa-autograph naman po ako!" naglinga-linga ako at nakita ang iilang papel sa desk ni Mikael. "Pahingi ako Mikael ha?" pumilas ako ng isang pirasong papel at kumuha ng ballpen, binigay ko yun kay Freya at marahan niyang tinanggap, sumulyap pa muna siya kay Mikael bago pinirmahan ang papel. Malaking ngiting kinuha ko yun at tinupi tsaka nilagay sa wallet.
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...