Four years later...
NAKANGITI ako habang inaabot ang bayad sa binatang driver ng tricycle. Galing kasi ako sa kabilang bayan para mamili ng pang-ulam at grocery stocks na rin.
"Oh ayan, ipangdagdag mo sa gastusin mo sa pag-aaral yan."
"Ay nako ate, hindi na po." hindi niya tinatanggap ang dinadagdag kong bayad sa kanya. Habang nasa biyahe kasi ay kinwentuhan niya ako ng tungkol sa buhay niya. Hindi naman maipagkakaila na madaldal siyang binata. College student na pala siya at graduating na rin, nagsa-sideline lang siya bilang tricycle driver dahil na-stroke ang tatay niya kaya siya ang kumakayod.
"Naku ate, salamat po talaga."
Ngumiti ako at kumaway na sa kaniya. Bitbit ang dalawang malaking grocery bag ay tinungo ko ang gate ng bahay.
Agad akong nakarinig ng mga tawanan sa loob ng bahay kaya naman napangisi ako.
Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa'kin si Ford na tumatakbo sa salas, bukas pa ang tv at nakakalat ang mga laruang pambata.
Napailing na lang ako at nilapag ang mga bag sa lamesa sa kusina.
"Look, Mommy's here!"
Tumakbo palapit sa'kin ang limang taong gulang na batang lalaki at yumakap sa binti ko.
"Alam mo minsan napapa-isip na ako kung ako ba talaga ang nanay niyan ni Drew o ikaw eh." napalingon ako kay Chescka na bumababa sa hagdan habang hawak ang may kalakihang tiyan niya. Anim na buwan na kasing buntis.
"Eh pa'no lagi mong inaasar yung anak mo kaya sa akin lagi lumalapit." natatawang sabi ko sa kaniya at lumuhod para mapantayan ang limang taong bata na anak ni Chescka, si Drew.
"Tita Ninang, did you buy a new toy car po?" I smiled, hearing his cute voice.
"Of course, Tita Ninang bought you a toy." natutuwang sabi ko sa kaniya habang pinipisil ang pisngi.
Napalingon naman ako sa likod ni Drew at nakatayo roon si Ford habang buhat-buhat ang apat na taong bata na kalaro ni Drew.
Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Why is my baby always grumpy? Hmm?" kinuha ko siya kay Ford at nanatiling nakabusangot ang mukha niya.
"Because you come home every weekend, Mommy, and I want you to be here every day." napatingin ako kay Ford at ngumiti lang siya sa'kin.
Naglakad ako papunta sa sala at naupo sa sofa katabi ni Chescka na nanonood ng tv at kumakain ng mangga na may bagoong.
"Miggy...Mommy needs to study, and I need to work there as well." ngumuso siya at naghalukipkip tapos ay tumalikod sa akin. Napangisi na lang ako sa ka-kyutan ng anak.
"Don't worry, Mommy will graduate next month, and I promise to take you to the resort you want to go to."
Humarap siya sa'kin habang dahan-dahang nagliliwanag ang mukha.
"Really, Mommy?"
Tumango ako at nagulat ng yakapin ako ng mahigpit ng anak ko.
"Go with tatay Ford muna." I whispered, and he kissed me on the cheek before running towards the kitchen.
"Yung anak mo minsan mana sayo pero madalas mana sa amahin." kumunot ang noo ko kay Chescka, nakaharap na siya sa'kin habang sumusubo ng mangga. Bigla tuloy nangasim yung gilagid ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Anak mo kasi ang sungit madalas, tapos biglang kukulit. Bipolar ata anak mo eh." hinampas ko si Chescka sa braso at tumawa lang siya.
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
Narrativa generale[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...