NAPAHIGPIT ang hawak ko sa dalang grocery bags habang nakatingin kay Dandreb.
"You're here... I mean..."
"I live here." tatango-tangong sabi ko tapos ay tumingin sa batang babae na nakahawak sa dulo ng damit ni Dandreb ngayon.
"Anak mo?"
Bumaba ang tingin niya sa bata, mahina siyang natawa at hinawakan ng marahan sa ulo ang bata.
"Niece,"
Napataas ang dalawang kilay ko. Niece, ibig sabihin...
"Anak ni kuya Lyndon."
Nanlaki ang mata ko at napatingin ulit sa bata. Kaya pala amputi nung bata.
"A-ah okay." Yun na lang ang nasabi ko.
Ngumiti si Dandreb at napatingin sa grocery na hawak ko.
"Pauwi ka na ba? Hatid na kita."
Mabilis akong umiling at nginitian siya.
"Hindi na, malapit na rin naman ako."
"Are you sure?"
Tumango naman ako bilang sagot. Baka kasi makita niya si Miggy sa bahay.
"Next time?" bigla niyang sabi.
Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tinignan.
"If you're not too busy, can we have lunch next time?"
Marahan akong napatango. Hindi pa rin ba siya nakakamove on sa'kin?
"S-sige." tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
Hindi pa ako nakakalayo masyado sa kanila ay bigla ulit akong tinawag ni Dandreb kaya naman nilingon ko siya at nakita siyang natakbo palapit sa'kin, yung batang babae naman ay mukhang naipasok na niya sa sasakyan.
"I forgot," nilahad niya ang cellphone niya kaya napatingin ako dun.
"Huh?"
"Number mo, para matawagan kita kung kailan tayo pwedeng mag-lunch." nakangiti niyang sabi.
Binigay ko na lang yung number ko para makauwi na agad dahil mag-iisang oras na akong wala sa bahay. Hindi ko na nilingon ulit si Dandreb kahit ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa'kin.
Nakahiga ako sa kama ngayon at tahimik na naiyak nang maramdaman ko ang pagpasok ni Chescka sa kwarto at tinapik ako ng marahan. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa'kin at humarap kay Chescka.
"May bisita ka..." bulong niya.
Nagtaka naman ako, pinunasan ko muna ang luha sa mata ko bago lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita ko agad ang likod ng isang lalaki na nakaupo sa sofa. Bahagya akong kinabahan sa isipang baka si Mikael yung lalaki, pero hindi.
"Dandreb?"
Lumingon si Dandreb at tumayo agad pagkakita sa'kin.
"Maiwan ko muna kayo." saad ni Chescka tapos umakyat na ulit ng kwarto habang hawak ang malaki niyang tiyan.
"A-anong ginagawa mo dito?"
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"I heard what kuya Mikael did to you."
"Please Dandreb, wag ngayon." mahinang sabi ko at umiwas ng tingin dahil sa nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.
"I won't apologize on his behalf, Mazey, but I will apologize for not protecting you; if I only had the guts to get you away from Kuya, I swear I would."
BINABASA MO ANG
MIKAEL ARCILLANO | Under Revision
General Fiction[Arcillano Brothers Series #1] R-18 Mazey Zamora is mischievous and has a childish personality. She's looking for a job that will allow her to support herself and her dog na tinuturing na niyang anak at nag-iisang pamilya. She was able to find work...