ABS-MA 2

15.3K 287 1
                                    

NAPANGANGA ako nang makapasok sa loob ng malaking building na nasa harapan ko lang kanina. Wow! Sobrang ganda at laki sa loob.

"So, how did you end up here?" malalim na tanong ni Mikael pagkapasok namin sa loob ng isang kwarto na siguro ay opisina niya.

"Eh ikaw ba't ka andito?" tanong ko pabalik sa kaniya.

Napataas ang kilay niya at parang namamanghang tumingin sakin.

"Because this is my company." sabi niya

Ah company niya pala 'to, ang ganda ha at anlaki pa. Kilalang kumpan... Ay ano daw?!

"Kumpanya mo 'to?!" gulat na tanong ko sa kanya.

"I don't repeat my word Miss. So, anong kailangan mo at nasa harap ka ng kumpanya ko? Talaga bang desperada ka na habulin at kulitin ako?" nakakunot noong sabi niya sakin na inilingan ko naman agad at lumapit sa table niya.

"Hindi kuya, ang assuming mo naman. Naghahanap lang naman ako ng trabaho." nakangusong sabi ko

Natigil naman siya at napatitig sakin bago binaba ang tingin sa katawan ko. Minamanyak ba ko nito? Tinakpan ko ang dibdib ko at tinuro siya.

"Hoy ha, bastos ka kuya. Bad yan!"

He simply chuckled and shifted his attention to the papers he was carrying.

"We're not hiring Miss kaya umalis ka na." sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako.

Aalis na dapat ako sa loob ng kwarto nang may pumasok na babaeng naka-office attire, fitted black skirt tapos takong na kulay black.

"You have a meeting earlier than planned, Mr. Boss. Here are the reports that their company has provided." sabi nito sabay abot ng folder kay Mikael na agad naman kinuha ng lalaki at tinignan.

Tumango lang si Mikael pagkatapos ay sinenyasan na umalis ang babae. Bago pa lumabas ang babae ay tinignan muna ako nito mula ulo hanggang paa tapos napataas ang kilay bago ako inirapan at umalis. Aba!

"Boss ka dito?" wala sa sariling tanong ko kay Mikael kaya napatingin siya sakin pero agad ding binalik ang tingin sa folder na inabot sa kaniya nung babae.

"Baka naman kuya, ipasok mo ko dito sa kumpanya mo." sabi ko tsaka lumapit ulit sa pwesto niya.

"I told you, we're not hiring."

Ngumuso ako at mas lumapit pa tapos bahagyang sumilip sa binabasa niya sa folder na hindi ko naman maintindihan.

"Sige na! Kahit maid lang, o di kaya janitor!" pagpupumilit ko

Padabog na sinara ni Mikael ang folder at tinignan ako ng masama.

"I said no! So get out now before I call security." tumayo na ito mula sa swivel chair niya at akmang lalabas na ng kwarto pero hinarangan ko siya.

"Sige na kuya please? Kailangan ko na talagang magtrabaho." naiiyak na sabi ko pero saglit niya lang akong tinignan at umalis nang tuluyan kaya napabuntong hininga na lang ako at naluluhang umalis sa building na yun. Wala na talaga akong pag-asa na magkaroon ng trabaho.

Bigo akong umuwi sa apartment dahil wala na naman akong napala ngayong araw. Nanlaki ang mata ko pagpasok ng apartment dahil nakita ko si Chescka na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv habang nasa kandungan niya si Chichi.

"Ches? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkapasok ng apartment. Tumingin sakin si Chescka at ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Sinusundo ka."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May lakad ba ulit kami?

"Saan naman?" binaba niya si Chichi at tumayo bago hinawakan ang dalawang kamay ko.

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon