ABS-MA 16

9.9K 258 0
                                    

NAPATINGIN si Chescka sa akin ng bigla akong pumasok sa room namin. Nag-aayos ito ng gamit at nakaupo sa kama niya. Kumunot ang noo niya pagkakita sa akin.

"Where were you last night? Alam mo bang tinatawagan kita?"

Napataas ang dalawa kong kilay at tinignan ang cp ko, oo nga ang dami niyang missed calls.

"You're still wearing your two-piece, saan ka ba kasi natulog kagabi?"

"D-dyan, sa ano..."

Pinanliitan ako ng mata ni Chescka at tumayo ito, naglakad siya palapit sakin kaya naman medyo napaatras ako.

"Yung totoo Mazey, saan ka galing?"

Nag-iwas ako ng tingin at nakitang bukas ang pintuan ng banyo.

"P-palit muna ako damit Ches, bye!" tumakbo ako patungo sa banyo at sinara yun, sumigaw pa si Chescka at kinakatok ang pintuan ng banyo. Nakasandal ako sa pinto habang nakahawak sa labi ko. Hindi naman panaginip yung kanina diba? Bakit niya ginawa yun? Wala yun sa kontrata ah.

Napailing na lang ako at sinimulan ng maligo dahil kagabi pa ako nanlalagkit.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakapamewang na bumungad sakin si Chescka kaya bahagya akong nagulat sa kanya.

"Spill it."

Napabuntong hininga ako at naupo sa sofa, nakatapis pa rin ako ng tuwalya at walang suot na kahit ano. Okay lang si Chescka naman kasama ko.

"Dun ako sa room ni Mikael natulog."

Nanlaki ang mata ni Chescka at dali-daling naupo sa tabi ko.

"Omg, really? Did something happen between the two of you?"

Nakagat ko ang labi ko at nahihiyang tumango sa kanya. Napasinghap ito at napatakip sa bibig bago impit na tumili.

"Did you use protections naman right? You know, di pa tayo pwede mag-anak unless we're both married."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Baliw, malamang noh. Tsaka wala naman akong balak mag-anak pa, si Chichi muna aalagaan ko."

"Hmm right,"

"Eh ikaw? Malamang magkasama na naman kayo buong gabi ni Keifere, baka naman ikaw pa yung mabuntis diyan ha."

Nanlaki ang mata niya at awkward na tumawa.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Maze, nakakatakot." umakto pa itong natatakot kaya napailing na lang ako at nagbihis na ng damit dahil bababa na kami para kumain.

"Anong klaseng tulog ba yung ginawa mo at alas tres ka na nakabalik sa kwarto ha?" tanong sakin ni Chescka pagkapasok namin sa elevator.

Bigla na naman pumasok sa isip ko ang nangyaring eksena kanina. Kailangan ko bang sabihin kay Chescka? Kaso sesermonan niya ko kapag nalaman niyang nahuhulog na ko kay Mikael, nahuhulog na nga ba?

"Ches,"

"Hmm?"

"A-ano bang sign kapag inlove na?"

Nanlalaking mata itong lumingon sakin at dinuro ako.

"Wag mo sabihing inlove ka na kay Mikael?!" sigaw niya kaya naman napangiwi ako at mabilis na tinakpan ang bibig niya pagkabukas ng elevator.

"Hindi noh, wag ka nga maingay diyan." ngumuso ako at inalis na ang kamay ko sa bibig niya

"Bakit kasi ganyan tanong mo?"

"Eh bakit porket ganun sa kanya na agad? Di ba pwedeng sa ibang lalaki?"

MIKAEL ARCILLANO | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon